Sabado ngayon at andito kami ngayon kasama ang ibang estudyante sa sementeryo. Ngayong araw linibing si Josh. Hindi man kami close ay nakilala na namin siya.
Mga iilang classmates/schoolmates at kaming apat lang ang andito isama na din ang teacher at principal namin.
Wala ata siyang kaibigan masyado.
"Asan kaya si Keish? Natapos nalang ang seremonya ay wala pa din siya" bulong ng katabi kong si Bea.
Nahalata ko din yun, kagabi dun sa burol ay wala din siya. Gusto ko pa naman sana siyang makausap at makiramay na din.
"May you rest in peace, Josh" saad naming lahat bago magpalipad ng mga puting kalapati. May rest in peace, Josh.
Nagsialisan naman ang ibang tao dito habang kami naman ay nakatayo pa din dito sa may bandang gitna. Magkakatabi kaming apat.
"Kawawa naman ang mommy ni Josh. Nag-iisang anak pa naman siya" saad ni Kuya. Tama siya, masakit yun para sa isang ina na mawalan ng unico-ijo.
Iyak lang ng iyak ito na inalalayan ng kamag anak nila. Mas masakit talaga pag mga magulang mismo ang lilibing sa kanilang mga anak.
"Mga kaibigan ba kayo ni Josh?" Napalingon naman kami sa lalaking may kaedaran na din na nasa harap namin ngayon. Iwan ko kung kaano-ano ba siya ni Josh.
"Mga schoolmates niya po kami at nakilala na din po namin siya kahit sa kunting oras" sagot ni Bea.
Ngumiti naman ako bago tumango. Pero tila gulat naman ang mukha niya ng mapatingin sakin.
"Hindi ka nag iisa" biglang saad niya na kaya nagtaka naman ako.
"Opo hindi siya nag-iisa kasi po andito po kami na mga kaibigan niya, manong" saad ulit ni Bea pero umiling naman ito.
"Hindi mo matatakasan ang trahedya na nangyari sa buhay mo. Lalo nat kakambal mo na ito" mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Nag-aalala ang mukha niya na may kasamang takot. Bigla naman akong kinabahan at kinalibutan.
"Po? Ano po ang pinagsasabi niyo manong? Hindi po kita maintindihan" pinipigilan kong hindi mautal sa pagsalita.
"Enough for that. Umuwi na tayo" hinawakan naman ni Mark ang kamay ko at hinila papalayo pero napatigil din ako ng marinig ang sumunod na sinabi ng lalaki.
"Hindi sagot sa problema ang paghihiganti. Kaya habang maaga pa ay pigilan mo siya. Pigilan mo siya iha, at tanggapin niyo na ang totoo. Tanggapin niyo ang Diyos at manampalataya kayong dalawa,
Maria"
_________________________
"Ui sa lunes pala ay may mesa daw sa school. Pabibinditahan daw ang buong academy. Dahil siguro sa madaming namatay dun" napalingon naman ako kay Bea sa sinabi niya.
Andito kami ngayon sa isang fast food chain nag l-lunch malapit sa apartment namin.
It's weird kasi kinabahan ako bigla sa narinig kay Bea.
"Dapat lang noh. Nga pala Bea matagal ka nabang nag-aaral sa academy?" Tanong ni Kuya dito.
"Ulyanin ka na pala John. Kaya nga nalipat tayo sabay ni Mark sa section ni Ena kasi kasama tayo sa mga transfere. Except pala kay Mark kasi last year pa siya sa paaralan natin. At ako naman hindi naman ngayong year lang kasi pumasok ako dito 2nd semester na yun. Puno na kasi sa kabilang section tapos tayo pa ang naging extra, psh. Pero mabuti na din yun kasi para may kasama na si Ena diba" tumango naman kami dun. Napatingin naman ako kay Mark na nakatulala habang nakatitig sa pagkain niya.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
Kinh dịNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...