Chapter 10

82 3 0
                                    


"I'm sorry" pampabasag ni Mark sa katahimikan. Mga ilang minuto din kaming tahimik matapos umiyak.

Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko.

"Tama ka. Wala talaga akong silbi" nakonsensya naman ako sinabi niya. Napapikit ako ng mariin bago huminga ng malalim.

"Kailangan nalang natin makuha ang hustisya na hinahangad ng kambal ko. Kung gusto mo lang sumama samin. It's up to you " hindi ko na siya nilingon pa pero ramdam ko ang pagtitig niya sakin.

Nakatanaw parin ako sa harap ng apartment.

"I'm in. After all, kasali nako dito. At may mali din ako na kailangan kong itama" he sighed. Lumingon naman ako sa kanya.

"Sa totoo lang. Ng simula pa lang ay ikaw na ang pinagdududahan ko. 'Cause in the first place why the hell nagpakita sakin si Athesa at sinambit niya pangalan mo. Pero ngayon malinaw na sakin bakit" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

Totoo naman talaga ang sinabi ko. Siya ang unang suspect ko bahala na kung ma offend siya.

"I know. Halata naman kasi kung makatingin ka sakin parang hinahaluglog mo buong pagkatao ko psh" napailing naman siya. Ganun naba ako kahalata?

"I'm sorry for that. Hindi mo naman ako masisisi" tango-tango naman siya. Silly

Napabuntong hininga ako ulit.

"What is it? Ang lalim nun ah" napatawa naman ako ng mahina. Hindi naman ako na inform na may kakulitan ang lalaking tong.

"The truth is, hindi ko alam san ako magsisimula. Tila na brainwash ako" natawa nalang din siya sa sinabi ko.

"It's okay. Basta tandaan mo nandito lang ako. Kami ni John " maybe he's right.

Kailangan ko lang sigurong kumalma muna. Kung kaya.

__________________

"BOLAGAH!" napapikit naman ako sa gulat ng papasok na sana ako ng classroom namin.

Narinig ko naman ang tawanan ng iba. So okay na ang lahat,I think?

"At may lakas pa talaga kayong magbiro ano? Alam niyo bang may trauma pa beshy ko sa aksidente last time? At kayo? Nagawa niyo pang matawa!" nakita ko naman sa aking harap ang Bea na parang sasabog na sa galit.

Natahimik naman ang lahat ng classmates ko.

"It's okay Bea. Kumalma ka muna" and I sighed.

Hinila ko naman ito papunta sa upuan namin. Kita ko naman na parang nakonsensya ang mga mukha ng lahat ng lumapit samin ang lalaking sumigaw kanina.

"I-I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam na si Ena pala ang papasok at hindi ko interest na ma offend o ano man yan. I'm sorry talaga" paumanhin nito bago yumuko.

"It's okay. Wala lang talaga ako sa mood ngayon pati si Bea na makipagbiro. Kalimutan na natin yun" tsaka ako ngumiti ng tipid. Ganun din siya at tumango bago bumalik sa kinakaupuan niya.

"Are you okay?" tanong ko kay Bea kahit alam ko naman hindi. Stupid Ena.

"Hindi. May naalala lang ako sa nakita natin Ena eh. Alam ko kasi ang pakiramdam mo " nagtataka ko naman siyang tinignan.

Sa totoo lang hindi na big deal yun sakin. Pero curious ako at gusto kong malaman ano ang dahilan ng pagkahulog ni Joseph.

At may iba na din akong iniisip kaya okupado na ang utak ko. Iwan ko nga kung nag-iisip pa ba ako ng tama eh.

"*sigh* alam ko yung feeling na may biglang nahulog sa harap mo na patay na tao. Gulat at nerbyos ko nun ng time na nangyari din yun sakin. Tapos kilala at napalapit na sayo yung tao. Kulang nalang talaga sumigaw ako magdamag nun sa bigat ng dibdib ko. It's my worst nightmare " kita ko ang lungkot sa kanyang mata bago humarap sakin. " seeing your bestfriend died kasi nahulog sa mataas na building " tumuko naman ang kanyang luha.

Who Killed My Twin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now