"Mabuti nalang talaga at tapos na ang test. Sa wakas!" nagtawanan naman kami sa sigaw ni Bea.
Papalabas na kami ngayon sa school. Tapos na ang test kaya pwede ng umuwi kahit maaga pa kunti. Balak na naman kasi ng tatlo na mag tambay sa apartment ko.
Wala na akong magagawa dun.
At alam niyo ba? Kanina pa tong pasulyap sulyap si Mark sakin kaya naiilang nako dito. Kinakabahan nga ako.
Naalala ko naman ang kanina sa may restroom. Napailing nalang ako.
"Para kang temang jan Ena" napabusangot nalang ako sa sita ni kuya sakin. Bully talaga siya sakin. Akala niyo tahimik at matino to? Pwes hindi.
"What the hell!!! Run!!!" Gulat naman kaming napatingin sa labas ng gate. Papalabas na sana kami ng may sumigaw at biglang.
"Yuko!"
Boogshhh...
Feel ko na nakasalampak ako ngayon sa lupa habang nakatakip ang kamay sa ulo at nakapikit. Ramdam ko namang may nakadagan sakin.
"Ena are you okay? May masakit ba sayo?" Dahan-dahan ko namang minulat ang aking mata at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Mark.
Agad naman siyang tumayo sa pagkakadagan sakin at tinulungan akong makatayo.
"Okay lang ba kayo? Ena, Bea may masakit ba sinyo?" Umiling nalang ako kay kuya .
Napatingin naman ako sa aming harap. Wasak ang gate at kunting tulak nalang ay matutumba na ito. Wth!
May umuusok naman na kotse at isang truck akong nakita. Napatakip ako sa aking baba sa nasaksihan.
Isang aksidente. Nakayupi ang kotse na halatang inararo ng truck at sa gate ng school ito bumangga.
Ramdam ko naman na may humila sakin palayo ng gate kasi ang lapit lang ng pwesto namin dito. Kung bibigay na ng tuluyan ang gate ay tsak na matatabunan kami nun.
"O my God! Call 911!" Sigaw ng Principal kasama niya ang ibang teachers at staff ng paaralan.
Nanginginig ang kamay ko. Muntik na kami nun ah. Kung nakalabas kami agad ng gate kanina ay nasali na sana kami sa nabangga.
"May nasaktan ba?" Tanong nung guard at sinuri kami at ilang estudyante na nakasunod samin kanina.
"Ma'am s-si Josh po!!!" Agad kaming napatingin sa tinuro ng isang babae sa may gate.
Shit...
Sa may truck, may lalaking duguan sa may driver set. Nakasabit ang kanyang ulo sa may bintana at ang mas nakakagulat ay may malaking basag na glass na galing sa bintana na nakatarak sa tyan niya.
Fuck!
"No no no way!!! Josh!!!!" Malakas na sigaw ng isang babae tas humagulhol. It's Keish. Tinitigan ko naman ang tinawag niya.
It's really Josh! B-bakit siya nanjan sa truck? Siya ba ang nagmaneho nun? Bakit siya! Naka uniform pa siya!
Lahat kami ay napasinghap at di napigilang mapaiyak. Ramdam ko naman ang yakap ni Mark kaya mas napahagulhol pa ako.
I've seen enough. Hindi ko na kaya ang mga nasaksihan ko. At hindi ko kayang makita na naman ang pagmumukha ng kambal ko. Pero huli na.
Nakita ko na siya na nakatayo sa may gate, nakangisi. Na tila nasasayahan sa mga nangyari.
"Three down, many more to go"
________________________
"You know what? Bida-bida ka kasi! At isa pa, pakialamera kang hinayupak ka!" Gigil na sigaw ng isang babae at sinabunutan naman ang isa pang babae na kaharap niya.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HororNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...