"MARK!!!" sigaw ng apat kasama na si Athena ng dahil sa gulat. Bigla namang bumulagta sa basang sahig si Keish. Dumudugo ang leeg nito. Doon pala papunta ang bala sa pagputok ng baril.
Napasinghap naman si Elisabeth at Father Van sa nakita. Nabitawan naman ni Mark ang baril sa gulat. Hindi siya ang kumalabit ng gatilyo pero feeling niya ay siya ang pumatay dito.
"Hindi kayo magtatagumpay!" Sigaw bigla ng Principal at sinipa sa likuran si Bea at John bago hinila si Maria papuntang gilid ng rooftop.
"Maria!!! Hayop ka bitawan mo ang beshy ko!" Sigaw ni Bea at lalapit na sana ng sinakal ng Principal si Maria sa leeg habang nasa pinaka gilid na at kunting tulak nalang ay mahuhulog na ito. Napahagulhol naman ang dalaga.
Tatawa na sana ang Principal ng biglang nasa harapan na niya si Athena at sinapak siya ng napakalakas. Kahit kaluluwa nalang ito ay nakokontrol naman niya ang hangin kaya napabitaw ito kay Maria na mahuhulog na sana ng nahawakan ni Elisabeth sa paa nito at pilit hinihila pataas.
Itinaas naman ni Athena ang kamay kaya lumutang naman si Maria pabalik sa sahig. Gusto man niyang hawakan at yakapin ang kambal ay hindi niya magawa. Kasi tanging hangin lang ang kaya niyang kontrolin.
"Maria" sigaw ng tatlo nitong kaibigan at dinaluhan ito. Wala mang emosyon ang mukha ni Athena ay nasa isip naman niya ang pag-aalala sa kakambal.
"A-athena" napalingon naman ang dalaga sa tumawag sa kanya. At dun mas nagulat. Nasa gilid ng rooftop at malapit ng mahulog si Mark at si Father Van. May sugat sila sa ulo na tila hinampas ng napakalakas. Kaya siguro hindi sila nakapanlaban sa may hawak sa kanila ngayon na si Mr. Shiva na nakangising parang aso.
Walang nakapansin sa ginawa ng hayop na ito sa dalawa kaya parehas silang nagulat at natatakot.
"Mark/Father Van!!!" Tawag nila dito. Sa galit ay hinampas ni Athena ang hangin at kasabay nun ang pagtama ng isang upuan sa ulo ni Mr. Shiva kaya nabitawan ang dalawa.
Agad niyang kinontrola ang hangin para lumutang ang mga ito pabalik sa sahig ng maramdaman niyang may patungong isang banal na bagay sa kanya. Ng lingonin niya ito ay siya namang pagharang ni Maria dito.
Nakita niya namang napaigik ito na tila nasasaktan kaya nagulat siya. Gusto man niya itong tulungan pero may tinutulungan pa siya, kaya agad niya itong naihagis nalang sa sahig sila Mark at humarap sa kakambal na namumutla.
Nagulat siya ng makita ang nakasuot sa leeg nito na isang rosary at pag-uusok ng likod nito. Isa lang ang nasa isip niya, nasusunog ang kaluluwa nito ng dahil sa banal na bagay na lumapat dito na dapat ay para sa kanya.
Napaluhod naman ito kaya nakita niya kung sino ang humagis ng rosary at holy water dito, si Mrs. Harton ito habang nakangisi. Ginamit niya naman ulit ang hangin at sakalin ito patungo sa eri at kung bibitawan niya naman ito ay tyak na sa baba ng building ito pupulutin.
Kinuha naman agad ni Elisabeth ang rosary na nakasabit kay Maria at hinubad ang suot nitong jacket. Tila nakahinga naman ng maluwag ang dalaga. Nandun naman si John at Bea inaalayan si Mark at Father Van na naihagis ni Athena na hindi naman sinasadya.
"PAPATAYIN KITA!!" galit na sigaw ni Athena at ihahagis na sana ang matanda ng maramdaman niya na nasa harap na niya ang kakambal na umiiyak.
"A-alam kong kahit plano mong maghiganti ay hindi mo nagawang pumatay. Kaya p-please Ena wag mo ng subukan. Hayaan na natin ang batas ang tatapos para makapag pahinga n-nako. Hindi mo kayang pumatay, alam ko yun kasi kambal kita " umiiyak na pagsusumamo nito at hahawakan na sana siya ng tumagos lang ito kayo mas lalo itong napahagulhol.
Siya naman ay gusto mang umiyak ay hindi niya magawa. Totoo ang sinabi ni Maria. Hindi pa kailan man pumatay si Athena. Kasi yung mga namatay na alam nilang kasama sa krimen ay iba ang pumatay nun at yun ang mga kasamahan din nila.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HorrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...