"You're such a brave girl, Maria. Kaya alam kong kakayanin mo yan"
Napaupo naman ako bigla. Isang bagong panaginip. Isang babae, siguro kasing edad ni mom. Hindi ko maalala ang mukha niya sa panaginip ko pero ang gaan ng pakiramdam ko.
She mentioned my first name, it means kilala niya ako.
Minsan naiisip ko na hindi ako napupunta sa panaginip lang kundi napupunta ako sa isang past or present na nangyari.
Malalim naman akong huminga bago nilingon ang katabi ko. So andito talaga sila natulog. Akala ko panaginip na naman.
"Are you okay?" Napalingon naman ako sa kabilang side, si Mark. Umayos din siya ng upo at nag-aalalang tumingin sakin.
Halatang nagising ko siya sa pag-upo ko. Inaantok pa ang mata niya eh.
"Oo. May napaginipan lang" sagot ko ng totoo. Hinawakan naman niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya.
Linapit niya naman ang mukha niya kaya feel ko tuloy ang awkwardness sa paligid. Shit Ena, anyare?
"Anong panaginip mo? Masama ba? Hindi ba maganda?" Natatarantang tanong niya kaya napatawa naman ako ng mahina.
"Hindi naman don't worry. May babae lang na kumausap sakin at normal lang yun kasi hindi ko na maalala sino yun. Nagulat lang ata ako kasi kilala niya ako at feel ko maiiyak ako pag kaharap ko siya. Never mind , matulog ka nalang ulit" saad ko bago ngumiti ng matamis.
Para naman siyang natauhan pero agad akong natuod ng bigla niya akong yinakap ng mahigpit. Okay? It's really getting weird na talaga.
Rinig ko din ang bilis ng tibuk ng puso niya ,same for me! Hindi ko alam kung bakit putangina!
"Matulog na tayo ulit" he said bago ako iginaya pahiga. Hindi na ako umimik ng pinaunan niya sakin ang braso niya habang nakayakap pa din saking bewang ang isa niyang braso.
Tila inaantok naman ako ulit ng ang isa niyang kamay ay humahaplos sa buhok ko.
Siguro kailangan ko ng matulog ulit bago ako mabaliw sa pag-iisip anong nangyayari.
__________________________
"Hindi naman ako inform na ganto ang bubungad sakin paggising ko. Feel ko tuloy alikabok lang ako sa mundo"
"Oonga kakainggit"
"Kakainggit ka jan! Isa ka pa bweset ka ginawa mo pa akong unan sa pagkakatanday mo sakin. Ang bigat-bigat mo!"
"Ehh ang sarap mong yakapin"
"Tumahimik ka baka bumigay ako--charing. Hush na baka magising sila"
"Yun na nga, kailangan nilang magising na kasi may klase pa tayo hoi!"
Ang ingay bweset!
Dahan-dahan ko namang minulat ang aking mata. Ang gwapo ng view ah. Natutulog na anghel----WTH!
"Too noisy" singhal nito at mas hinigpitan ang pagkayakap sakin kaya inatras ko naman ang mukha ko kasi anlapit ng mukha niya!!!
"M-mark! Hoi gising hindi ako makahinga!" Pilit kong hindi mautal pero yawa kinabahan ako.
Tumunghay naman ang kanyang mga mata tsaka ngumiti.
"Uiii love birds bumangon na kayo kung ayaw niyong sipain ko kayo jan mga lason kayo" agad naman akong umupo kaya walang choice si Mark at umupo na din at nag stretch pa.
"Ui Mark chansing ka ah! Batukan kita" sita ni kuya kaya napailing nalang ako. Kahit feel ko ang init ng mukha ko!!!
"Lumabas na nga kayo at magsibalikan sa apartment niyo!" Sigaw ko kasi balak pa ata ng dalawa na asarin ako. Kinuha ko naman ang unan at handang ibato sa kanila kaya nagmamadali naman silang lumabas. Bweset eh.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HorrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...