Third Person's Pov..."Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu santo. Amen..." agad naman linigpit ng pari ang kanyang gamit makatapos niyang binditahan ang buong academy.
Tahimik lang ang mga estudyante at staffs ng paaralan at kita mo ang lungkot at pighati sa mga mata nila.
Hindi nila lubos maisip kung bakit sunod-sunod ang pagkamatay ng ibang estudyante makatapos ang naunang aksidente na napag alaman na nag suicide.
Hindi ipagkakaila na may takot ang bawat sa kanila habang patuloy silang pumapasok sa paaralan. Baka kasi isa sila sa susunod.
Habang tahimik ang lahat na nakatayo sa harap ng paaralan ay may isang tao doon ang may malalim ang iniisip. Galit at takot. Yun ang nararamdaman niya ngayon.
Galit kasi unti unti ng mabisto ang isang lihim na pinapakataguan niya. Gusto niyang malaman sino ang taong dumidiskubre nito. At takot kung sino man ito.
Sa kabilang dako naman ay nakatulala lang ang isang babae habang nakatanaw sa third floor. Hindi niya alam kung bakit pero may nakita siyang eksina sa kaniyang isipan habang nakatanaw doon.
Isang babae ang nakatanaw sa ibaba habang nanginginig sa takot. Umiiyak pero hindi nagdalawang isip na tumalon.
Napakagat labi na lang siya sa isang eksena na iyon. Pamilyar ang babae na iyon. Maria
"Ena. Tara na sa room" aya ni Bea sa kaibigan na nakatulala. Napalingon naman ito sa kanya bago huminga ng malalim at tumango. Bago pa sila pumasok ay lumingon siya muli sa third floor.
At hindi nga siya nagkakamali, kasi nandun ang isang babae na may galit na galit na mukha habang nakatitig sa kanya. Napalunok naman siya ng laway.
"Ganyan naba kayo ka despirado na mapalayas ako! Kami! Pagsisisihan niyo ang mga ginawa niyong kalapastanganan!"
Kasabay ng sigaw na iyon ang pagkulimlim ng paligid na tila ay uulan nalang bigla. Kumulog naman at humampas ang malamig na hangin.
Takot naman ang lahat at bumalik sa pagtitipon sa harap ng academy.
Nagulat naman sila ng biglang kumalampang ang gate sa pagsara nito bigla kaya napatili naman ang iba.
Nanginginig man ang lahat ay seryoso naman ang pari habang pinagmamasdan ang paligid. Maaliwalas pa ang panahon kanina kasi alas-dyes pa ng umaga kaya alam na niya kung anong nangyayari.
"Sir!!" Sigaw ng isang guro ng makita ang isang lalaki na malapit mahulugan ng isang flower pot galing sa second floor. Mabuti nalang ay nakatakbo siya agad patungo sa mga estudyante.
Gulat at takot ang kanyang nararamdaman. Masama namang nakatingin sa kanya ang isang babae, ang Principal. Sana natuluyan nalang siyang hayop siya! Nasa isip nito at napakuyom ang kamao.
"Sir Shiva are you okay?" Malanding pag aalalang tanong ng isang estudyante dito kaya nagulat naman ang lahat sa narinig.
Sinong hindi magugulat kung makikita mo ang isang estudyante at may-ari ng paaralan ang magkayakap sa harap ng maraming tao. Tila nakalimutan na may kasamahan pa sila.
For Goddess sake! Nasa harapan pa nila ang asawa ng lalaki. Ang Principal! Nanggigilait ito sa galit na parang gusto ng sumugod.
"K-keish?? Is it true??! The gossip is true!!! Kabit ka!!" Malakas na sigaw ng isang kaklase ni Keish na tila natuod naman din sa pagkakayap kay Mr. Shiva sa gulat.
Marami ang napatakip sa bibig at nandidiri dito. Nanginginig man ay lumingon si Keish sa kanyang paligid at umiiling. Kita sa mukha niya ang takot at gulat.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HorrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...