Ena's POV...
" Hello classmates. I'm Ena Tan . Nice to meet you all " I smiled widely.
" welcome to MHAcademy Miss Tan. Pwede ka ng umupo doon sa may dulo. Yun nalang kasi ang bakante" nakangiting saad ng teacher kaya tumango muna ako bago maglakad sa pinakadulong upuan kung saan walang katabi.
Nice...
Wala paring umimik sa mga kaklase ko. Okay? Inilibot ko naman ang aking paningin. Okay nakatitig parin sila. At ang creepy ahh.
Tumikhim naman ako at ngumiti kaya napaiwas naman sila ng tingin. Tumango naman ako kay teacher para simulan na ang gawain niya. High-school life sacks..
_________________________
" that's all for today at idiscuss ko nalang yan bukas. Bye everyone you can take your lunch " paalam ng pangalawa naming teacher ngayong umaga.
Weird kasi pagpasok niya kanina ay parang ako agad ang hinanap ng mata niya. Feel ko tuloy special ako. Habang ang classmates ko naman nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagnakaw ng tingin nila sakin.
Hindi ko na yun binigyang pansin baka kasi pag liningon ko mas matakot pa sila. Psh.
Nagmamadaling lumabas ang mga estudyante-- teka. Takot ba sila? Napailing nalang ako.
Inayos ko ang gamit ko bago tumayo. Nagugutom na din ako sa kakaupo. Dalawang subject lang kami ngayong umaga kasi hindi pa daw naayos ng sa faculties ang right schedule namin.
Good news kasi wala kaming pasok mamayang hapon kasi mag m-meeting pa sila. Pagkatapos kong kumain ng lunch balak kong pumasok sa library. Pwede pa naman daw kaming mag tambay sa academy kahit walang class basta hindi lang daw gagawa ng gulo.
Sinundan ko naman ang iilang estudyante kung saan sila patungo. Malamang sa canteen kasi lunch time na eh. May napapalingon din sakin. May takot ang mata at may nagulat. Okay it's really weird na talaga.
" Hi! You're Ena right? " nakangiting pakilala ng babaeng biglang humarang sa dinadaanan ko. She have a long straight-black-hair at kasing tangkad ko lang. Maputi at chinita.
Tumango naman ako at ngumiti. " I'm Bea Carylle Suarez by the way. Nasa grade 12- Azucena . Nice to meet you " nakipag handshake naman ako. Hindi naman ako snob.
" Nice to meet you too. Anong strand mo?" Naglakad naman ako kasabay niya. Maybe pareho kaming papuntang canteen.
" ahm GAS. ikaw ba?" Napatango-tango naman ako.
" ABM" I answered.
" sana all may utak about business hahaha" napatawa nalang din ako sa sinabi niya. Siguro magkakakaibigan ako ngayong araw.
" ikaw ba anong balak mong kunin na course?" Malapit na kami sa isang building na madaming estudyante. Ito na ang canteen base sa nakasulat sa itaas ng pinto.
" well gusto ni mom na sumunod ako sa yapak niya maging isang teacher so yun kukunin ko" napangiti naman ako sa sagot niya. How sweet. " pero gusto ko talagang mag crim haha" ehh? Napatawa nalang din ako.
" no choice ka pala haha" binuksan naman ni Bea ang glass door at dun ko nakita gaano kalawak ang canteen dito. Maraming nakahanay na mga long table at mga upuan. Bawal pala dito ang mapag-isa.
Makikita naman ang labas dahil sa glass din ang wall. Hanep ahh ganda. Semi-private kasi ang academy na ito. Nasa tabi ng malabundok at highway. Malapit lang din ang dagat dito.
Manila Hillside Academy.
" hindi ka ba nagtataka kung bakit halos lahat ay nakatitig sayo?" Napalingon naman ako kay Bea na nasa harapan ko. Nakatitig na pala ako sa labas diko namalayan. Naka linya pala kami ngayon, may tatlo pang estudyante ang nauuna.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
TerrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...