"Are you okay now?" tanong sakin ni kuya John.
Tumango naman ako bago binigay sa kanya ang baso ng tubig. Nakauwi na kami ngayon at kanina pa ako nakatulala. Andito kami ngayon sa apartment ko kasama si kuya.
Hindi ko nga namalayan na natapos na ang klase buong maghapon. Okupado ang isip ko at hindi ko nga alam kung ano-ano na ang pumasok dun.
In short, lutang...
"Kuya. I think nabuksan ulit ang third eye ko" saad ko pero nakatulala pa din. Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko.
Kasi alam niya noong bata pa ako na takot na takot akong lumabas ng kwarto dahil sa kahit anong nakikita ko.
Siguro nasa pitong taong gulang ako nun. Takot na takot ako nun at iyak lang ako ng iyak sa takot.
Natigil lang yun ng dinala ako ni mom at dad sa kakilala nilang isang albularyo ata yun, iwan.
"It's been years na din kaya napawalang bisa na ata ang ginamit sayo noong matandang kalbo" napailing pa niyang saad.
"I'm afraid kuya. Hindi pako handa" takot kong saad at naramdaman ko nalang ang pagyakap ni kuya sakin.
"Siguro time na talaga para harapin mo ang kinakatakutan mo Ena. Magagamit mo din yan, para kung sakali magpakita ang kambal mo ay matatanong mo sa kanya ang totoong nangyari" napalingon naman ako sa kanya.
Tama siya. Pero, kaya ko ba?
Kakayanin mo Ena. Kaya mo yan.
"Try ko kuya. " napangiti naman siya sa sagot ko. Sana nga.
________________________
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya. May bigla kasing tumawag sa cellphone ko habang papahiga na sana ako ng kama.
Nakauwi na din sa kanyang apartment si kuya kaya mag isa na naman ako. Kahit natatakot at kinakabahan ay pilit kong maging matatag.
"Hi Ena. It's me, Mark" sagot ng sa kabilang linya. Akala ko naman kung sino. Hindi kasi naka save ang number niya sa cellphone ko.
"Oh hi. Napatawag ka?" tanong ko nalang kasi diko alam anong pakay niya.
"I'm here outside your apartment. Can you let me in?" agad naman akong napatayo sa gulat. What?!
Nagmamadali naman akong lumabas ng kwarto at binuksan ang pinto.
"Hi good evening " bungad ng nakangiting Mark at pinasok ang cellphone niya sa bulsa.
Kahit hindi pa maproseso sa utak ko bakit andito siya ay tumabi naman ako at nag sign na pumasok siya.
Agad naman siyang pumasok kaya sinirado ko naman ang pinto. Nakalimutan ko pang madilim sa sala kaya pinindot ko naman ang switch ng ilaw.
Nataranta kasi ako kanina.
"Kumain ka naba? Bat ka pala nandito? Wag kang ma offend ahh nagtatanong lang" kamot ulong pahayag ko kaya napatawa naman siya ng mahina.
"Well oo kumain nako at kung bakit ako nandito ay may nalaman ako na dapat kong sabihin sayo" magtatanong pa sana ako ng may biglang kumatok ng pinto.
At sino na naman to?
"Yow " nagulat naman ako sa biglang sumigaw
Diyos ko naman! Si kuya lang pala.Tawa-tawa naman siyang pumasok at nakipag apir pa kay Mark. Mas nagulat naman ako ng may nakasunod sa kanya na naka peace sign.
"Bea??!" hindi makapaniwalang usal ko dito. Pumasok naman din siya habang kumakamot sa ulo.
Isinara ko naman ang pinto at nilock bago humarap sa tatlong tao na maayos ng nakaupo sa sofa ko. Nag aasaran pa ang Bea at kuya habang si Mark naman ay nililibot ang paningin na tila may sinusuri sa may bintana at sa sofa.
Weird people.
"At anong ginagawa niyo dito ? Dis-oras na ng gabi gumala pa talaga kayo dito. May pasok pa bukas woi" bulyaw ko sa kanila kaya naiilang naman silang ngumiti.
Dun ko naman nakita na pareha silang tatlo na nakapang patulog na gamit. Wth???
"Hehe sa totoo niyan Ena magkatabi-tabi na ang apartment natin. Kakalipat lang namin ni Mark kanina hehe" kamot batok na paliwanag ni Bea kaya nagulat ulit ako. What!
"At balak namin na dito din matulog wehehehe " napataas naman ang kilay ko sa pahabol ni kuya at nag unahan naman silang tumakbo sa kwarto ko.
Tumayo naman si Mark at napailing ilang nalang.
"Nadamay lang ako sa kalokohan nila Ena. Tara na matulog na tayo" inakbayan naman niya ako bago kinaladkad papasok sa kwarto ko.
Hindi nako makaimik sa gulat. Magkapitbahay na kaming tatlo? Tapos dito pa talaga sa kwarto ko naisipang matulog? Aba ang titibay nila ah.
"Ui kami ni Ena sa kama at dun kayo sa sahig ni Mark aba!" bulyaw ni Bea kay kuya. Okay, kailan pa sila naging close?
"Kasya naman ang tatlo sa kama ahh kaya dyan na ako" sagot naman ni kuya. Napailing nalang ako. Mukhang di ako makakatulog agad dito.
Napatingin naman ako sa relo ni Mark. Alas syete pa ng gabi. Maaga pa pala.
"Eh papano si Mark? Hoi makasarili ka!" bulyaw ulit ni Bea. May balak pa ata to silang mag bulyawan magdamag.
Nakatayo lang kami ni Mark dito sa harap dahil hindi pa natatapos ang dalawa.
"Tulungan mo akong buhatin ang sofa sa may sala John. Dun ako mahihiga" saad ng katabi ko at agad lumabas. Sumunod naman si kuya. Napailing ulit ako.
Tumabi naman ako ng makapasok sila na buhat-buhat ang sofa. Nahirapan pa silang ipagkasya sa may pinto kasi may kalakihan din ito kaya pinatagilid nila ito kaya nagkasya naman.
Tinabi naman nila ito sa may gilid ng kama tabi ng lamesa. Kasing taas lang din nito ang kama kaya sakto lang yun doon.
"Ako na dito tapos sa kabilang side ka naman John. Sa gitna na ang dalawa" paliwanag ni Mark at tumungo sa may sofa. Napalingon naman ako kay kuya ng inusad niya ang kama ko sa dingding at ang sofa.
"Sure ako na doon sa sulok hehehe" dali dali naman itong umakyat ng kama at humiga doon.
Tumabi naman sa kanya si Bea kaya wala akong choice kundi tumabi nalang din kay Mark na inaayos ang kumot niya.
May dala pala silang kumot at unan. Kakabilib ahh.
Tumayo muna si Mark at pinatay ang ilaw at tanging side-lamp nalang ang umiilaw bago tumabi sakin.
"Yeeee overnight ng wala sa plano. Hehehe" Bea said and giggled. Napatawa nalang din kami.
"Sa susunod pag planohan naman natin at sana mas maaga para makapag movie marathon naman tayo noh" sabi pa ni kuya kaya napatango naman ang katabi ko.
"Oonga no! Marami pa namang time kaya pwede bukas" nagtawanan naman kami dahil dun. Silly Bea.
"Matulog na kayo, maaga pa tayo bukas" saad ng katabi ko kaya napalingon ako dun. Medyo nagulat pa ako kasi nakaharap ito sakin kahit nakapikit.
Napatitig muna ako sa mukha niya bago umayos ng higa at pumikit.
Siguro naman makakatulog ako ngayon ng maayos ano?
Inaamin kong nasayahan ako kasi andito sila. Kit papano di ako takot na matulog na mag isa.
"Good night and sleep well, Ena" huli kong narinig bago nilamon ng antok.
..
..
....
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HorreurNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...