"Nagkita naba kayo ulit?" Napatingin naman ako kay Mark na tumabi sakin dito sa may rooftop ng Hospital. Nagpasama ako sa kanya na lumabas kasi ayaw pa talaga akong dalawin ng antok.
Tulog na kasi sa may sofa si Kuya at Bea at si Mark naman ay pareha kaming hindi pa inaantok kaya sinama ko ng gumala.
"Hindi pa, ulit. Siguro ako nagtatampo yun sa ginawa ko sa mga gamit niya" sagot ko. Sigurado akong magagalit na naman yun.
"Basta wag mo lang kalimutan na sa bawat laban mo ay kasama mo kami" bigla niya nalang saad bago lumingon sakin. Nagkatitigan naman kami. Naalala kong may gusto pala ako sa taong to, tapos na friendzone pa, tae.
"At alam kong mahal ka lang ng kambal mo kaya niya nagawa to, sana hindi ka magalit sa kanya. It sounds weird pero ang galing niya manghuli sa mga kriminal" naiilang niyang saad tas natatawa kaya nahawa na din ako.
"Yeah I know. At mahal na mahal ko din siya. Mahal mo nga din siya eh" biro ko sa kanya kaya nakita kong natigilan siya sa gulat bago nilihis sa harap ang tingin.
Napahagikhik naman ako. Okay mukhang may napana si kupido ng hindi ko nalalaman ahh. "Kailan pa?" Tanong ko bigla kaya lumingon muna siya sakin bago bumuntong hininga.
"Unang pasok niya lang sa paaralan ay naagaw na niya ang pagtingin ko. Hindi lang sa pareha kayo ng mukha, kundi nakita ko kaagad na magkaiba kayo. Yung fierce niyang mukha kakaiba sakin ang dating. At nagtaka pa ako nun ng makita kita na nakasunod sa kanya" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ako nakita mo? Papano? Eh wala naman akong katawan nun" natawa naman siya ng mahina sa tanong ko.
"I have a third eye, Maria. Kaya alam ko kaagad sa panahong yun na hindi ikaw yun. At sa panahon na nagpalit kayo ay nalaman ko kaagad yun kasi nga kilala ko na sino si Athena at Athesa sa inyong dalawa sa pagtingin lang sa kaluluwa niyo. At nakikita ko din kung minsan ay nakikipagsabayan ang kaluluwa niya sayo sa katawan niya" napatango tango naman ako sa sagot niya. Kaya pala. Katakot din kaya may third eye noh. Pero pwede pala yung dalawa ang kaluluwa sa isang katawan?
"Sa kambal ko na love at first sight ka habang sakin nakakabatang kapatid. Unfair mo naman Mr. President " nagtatampo kong saad pero joke lang.
"Charing lang. Pero, now ba kasama ko siya?" Tanong ko na ikinailing niya. Hay salamat naman.
" kaya nga nagtanong ako sayo. Kasi simula noong nasa school tayo yung nangyari last time ay hindi ko na siya nakita pa" napakunot naman ang noo ko.
Ako. Nakita ko siya, last time yung nabuksan ko ang cabinet. Baka bukas magpapakita ulit siya.
"Nakita ko pa siya kanina. Galit na galit kasi nakita ko ang mga gamit niya" napabuntong hininga kong sabi.sigurado akong galit yun sakin. Sisigawan na naman ako nun.
"Sabado bukas. Pag gumabi na at hindi parin siya nagpapakita sayo ay sabihan mo kaagad ako ah. May kutob kasi akong may hindi nangyayaring maganda" nagtaka naman ako dun. Parehas kami, kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Nagkipit balikat nalang ako.
"Nga pala. May ala-ala akong hindi ko matandaan pero kunti lang. Pero ang weird kasi parang ang importanti nun" that's true. May ala-ala sakin na malabo at kahit anong pilit kong pag-alala nun ay hindi ko magawa. Kung hindi ko naman pagtutuunan ng pansin ay parang ang bigat ng pakiramdam ko.
"Take your time sa pag-alala nun. Sa ngayon ay bumalik na tayo sa baba para makapag pahinga kana" tumango nalang din ako sa sinabi niya bago maglakad patungo sa elevator.
€_______________/__
It's already 10am in the morning--- at hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita muli sakin si Athena. Alam kong normal lang yun kasi hindi naman talaga kami minsan magkakita kundi kung may nangyayaring masama like may namatay.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
TerrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...