Chapter 9

81 3 0
                                    

Ena's POV...

Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga. Nakita ko naman sa salamin na nasa harap ko na naka uniform parin ako.

Pero, nakasapatos pa ako at kunting galaw ko lang ay mahuhulog na ako sa kama.

Napatingin naman ako sa aking kamay ng may naramdaman akong bagay doon.

Isang susi.

May kalumaan na ito. Parang nakita ko na to ah.

Napasinghap ako ng maalala ang nangyari kanina, napulot ko to kanina sa harap ng cabinet bago ako mawalan ng malay o nakatulog.

As far as I remember kasama kong umuwi si Mark.

Dali-dali naman akong bumangon para lumabas ng kwarto. Pero agad ding mapatigil ng makita kong nakaupo sa may sofa sila Mark at Kuya John.

Pero nakayuko sila at hindi gumagalaw. What's happening??

Agad naman akong lumapit sa kanila at yinugyog pero ganun nalang ang gulat ko ng maramdaman ko na ang init ng katawan nila.

Shit. Natutulog ba sila na may lagnat?

"E-ena..." mahinang bulong ni Kuya John na tila nahihirapan. Wth anong gagawin ko!

"Kuya! Mark! Hey wake up!" yinugyog ko pa sila pero hindi parin sila nagigising.

Napasabunot naman ako sa aking buhok bago tumayo at tinignan sila. Nababakas sa mukha nila kahit nakapikit na nahihirapan sila.

Wala na akong ibang choice for god sake!

They are being possessed!

Pakkk...

"KUYA JOHN AND MARK!!!! PLEASE WAKE UP!!!" malakas kong sigaw kasabay ng malakas kong pag sampal sa kanila.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng nagising sila pero nanginginig na parang maiiyak na.

"Shhhhh I'm here.. I'm here..." pagpatahan ko sa kanila at umupo na sa gitna nila yinakap sila.

Napasubsob naman ang ulo nila sa leeg ko at ramdam kong may luhang tumakas sa mga mata nila.

Pati ako ay naiiyak na din. Kahit nakikiliti---putangina

Kumalas naman si Kuya John at tumitig sakin.

"S-so that's not true. Isa lang yung panaginip diba?" tumango naman ako hinawakan ang kamay niyang nanginginig.

"That was close " bulong ni Mark na nakayakap pa din sakin. Hinagod ko naman ang likod niya bago humiwalay ng yakap.

"You're okay now hmm?" malambing kong saad. Dahan-dahan naman siyang tumango kaya nginitian ko siya.

"Grabeng panaginip yun. Akala ko katapusan ko na. Mabuti nalang naabutan mo pa kami Ena." nakatulalang saad pa si Kuya John. Bago napalingon sa katabi ko.

"Pero kasama kita dun Mark. Pareha ba tayo ng panaginip?" tanong pa niya. Kaya napalingon nalang din ako dito. Tumango ito bago magsalita.

"I think it's an illusion. Parang totoo ang mga nangyari. At tama ka John, akala ko malapit na akong mamatay sa pisting lugar na yun." sagot nito.

"Ano ba talagang nangyari? I mean anong nasa illusion na yun?" napatingin muna sila sakin bago nagkatitigan.

___________________

Napatakip naman ako sa aking bibig sa mga narinig. No way!

Hindi ko papayagan na may gumamit sa katawan ko. Para lang pumatay ng ibang tao. Lalo na sa mga inosente.

Who Killed My Twin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now