BOLAGAH! Ikaw ahh. Oo ikaw. Ikaw na nagskip, go back to your 'real' page kung san ka pa nakakabasa. Learn to be patient. Don't spoil yourself, hindi naman nakakatakot at wag ka ng ma boring maikli lang naman ang story na to ano. Sayang ang effort that I made para gawing ka trill² kahit malabo, charing. Para sayo namn to. Everything will be worth it if you finished reading all the chapters without having a glimpse to their future, ohh diba English. Btw thank you mwuah ...
_________________
"Hi beshy! Kumusta kana jan ah? Sarap ng pahinga ahh. Miss kana namin" masiglang sabi ni Bea habang nakaupo sa gilid ng isang lapida.
Maria Athesa Villareal
☆ November 22, 2002
+ June 17, 2022Yan ang nakasulat dito. Napailing nalang ang dalawang lalaki sa kakulitan ni Bea. Isang taon na ang nakakalipas simula ng pagkamatay ni Maria, yung unang pagkakataon na namatay siya. Kasi kadalawang beses siyang namatay at pareho pang sanhi ay pagkahulog.
"Miss ko na kakulitan mo Maria, hindi kagaya ng kambal mo----arayyy naman" sumbong pa ni John na nakatanggap ng isang batok sa isa pang dalaga na nasa tabi niya lang. Napatawa naman si Mark at Bea.
"Isa pa kuya at isasama na kita sa---" , "oona tatahimik na. Dimo naba ako love?" Pagputol ni John dito na nag acting pang nagtatampo. Napailing nalang ang dalaga.
"Ui John, mabuti pala at nakabalik kayo dito. Ipapasundo na sana kita kay Maria" nakapuot na bulyaw ni Bea kaya nagtawanan naman sila.
"May inasikaso lang kami doon and gest what? Dito ka mag tanong ohh" sagot ni John at tinuro ang katabi niya. Na napa roll eyes nalang.
"Dito na kami mag c-college at dito na din titira" sagot nito at ngumiti. Kaya tumayo naman agad si Bea at napatalon talon.
"Mark, narinig mo yun? Di kana makakaranas ng LDR kaya wag kana mag emote pa hahahaha" masayang sigaw pa nito kaya nagliwanag din ang mukha ni mark at yinakap ng mahigpit ang dalaga na nasa tabi niya.
"Hindi na kita hahayaan pang umalis, Maria Athena Tan. Wala kanang kawala" saad nito kaya kinilig naman si John at Bea na parang temang na magkahawak ang kamay at tumatalon talon.
"Kailan pa ako nakawala Mark? Ehh sa pagkakatanda ko, simula ng magising ako ay nalaman kong may boyfriend nako kit diko naman natatandaan na may nanligaw sakin" sabi ni Ena sabay hampas ng mahina sa balikat ni Mark.
Ng dinala kasi si Ena sa Hospital ay diniklara itong na comatose kaya natakot sila. Ng ipaalam ito ni John sa mga magulang na nasa China ay agad itong ipinadala doon para dun na magpagaling. Sa takot ni Mark na makalimutan siya ng dalaga ay binigyan niya ito ng isang promise ring at sinabihan si John na pagkagising ni Ena ay agad ipaalam na may boyfriend itong naghihintay sa Pinas.
Tatlong buwan din na coma si Ena at pagkagising nga nun ay sinabihan siya agad ni John. Natawa pa si Ena kasi hindi niya aakalain na kilala pala siya ni Mark at totoong nakikita siya nito na nakasunod sa kanila.
Ng maging okay na din siya ay inayos niya na ang lahat para makabalik sa Pinas at dun na magpatuloy ulit sa pag-aaral. Pinayagan naman siya ng mom niya basta kasama si kuya John niya.
"Mabuti na yung sigurado diba. Love at first sight kaya siya sayo Ena" sabat ni John at nag apir pa sila ni Bea. Napailing nalang ulit si Ena sa kakulitan ng tatlo. Pero mahal niya ang mga ito.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HorrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...