John's POV...
" may alam akong malapit na mall dun nalang tayo Ena" saad ko at pinatakbo ulit ang kotse katapos mag green light. Wala namang sumagot, kaya napatingin naman ako sa katabi ko.
" Ena? Hey" shit! Anlamig ng balikat niya ng hawakan ko----
"ENA!!!" Huling tawag ko sa kanya bago siya mawalan ng malay.She's pale. Kaya pala ang lamig niya.
Agad akong lumiko para dalhin si Ena sa Hospital.
________________________
Ena's POV...
Dahan-dahan kong idinilat ang akin mata at agad bumungad sa akin ang puting kisame. Malamig na paligid, tunong ng kung anong bagay na tinutulak. Speaker na may nagsasalita. Where am I?
" thanks God you're awake Ena" napalingon naman ako sa nag-aalalang tao sa gilid ko. It's Kuya John.
"Bakit ako nandito kuya?" Tanong ko at tinulungan niya akong makaupo sa Hospital bed. I think nasa private room kami kasi walang ibang tao at tanging ang bed na hinihigaan ko, side-table, sofa at tv lang ang nasa loob.
"You just passed out Ena. Ano nararamdaman mo ngayon? May masakit ba sayo?" Agad naman akong napatulala. I really passed out ha?
" I'm okay kuya. At gutom na ako ,oo" I giggled lalo na ng mapasapo siya sa kanyang noo. Na tila na disappoint siya sa sarili sa pagkalimot na wala pa kaming kain.
Hindi ko pa kayang mag open about what happened and what I saw . Siguro next time.
" sabi ng doctor pwede ka ng makauwi as soon as magising kana. So okay ka naba at para makakain na din tayo" tumango naman at bumaba na sa aking hinihigaan.
_____________________________
Kakagaling lang namin sa isang restaurant na malapit lang sa Hospital. Dumeretso na kami dun at tumunog na ang aming tyan. It's already 10pm!
Nakatulala lang akong nakaupo . Pinagmamasdan ang sarili sa may bintana. Naalala ko naman ang kanina.
Bakit siya nagpapakita sakin? Naiinip na ba siya sa paghihintay sa justice na gusto niya? Napailing naman ako.
I'm the one who wants justice, kaya siguro nagpakita siya? Idk.
'Help... Mark Lee Guisona'
Is she's begging for help? At sino naman si Mark? Is that her beloved boyfriend na naiwan? Hindi naman ako na inform na napana siya ni cupido. Pfftt-----
H-hindi kaya....
"Alam mo ba Ena, na kasama ako sa malilipat sa section niyo. Tatlo kaming ililipat dun. Isang babae at dalawang lalaki which is ako yung isa. At alam mo ba ? " napakunot nalang ang noo ko. Halata naman na hindi ko alam eh! "kasama kong lilipat ang isang weird kong classmate na lalaki. He's good looking pero parang poste kasi hindi nagsasalita. Hahaha and I remember when he introduced himself in front. He just mentioned his name tapos umupo ulit. Parang robot pfftt" natatawa lang siya habang nag k-kwento kaya napatawa nalang din ako.
But bakit parang curious ako sa lalaking yun? " anong pangalan niya?" I can't help it but to ask.
" ah! Siya si Mark Lee Guisona" bahagya naman akong napalingon bigla kay kuya. Did I clearly heard it right?
" ohh? Bat parang nakakita ka ng multo? " napasilip naman siya sa labas at sa likod namin. Habang ako nakatitig lang sa kanya at natutop ang aking bibig.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HororNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...