Ena's POV...
Tapos na akong mag half bath at sakto lang din sakin ang uniform na binigay ni Keish. Sanaol may dalang extra. Siguro sa susunod magdadala na din ako. Wala pa namang gamit ang locker ko kaya dun ko balak ilagay incase baka sasabak na naman ako sa rambulan, psh.
Tinali ko naman into ponytail ang buhok ko habang nakaharap sa salamin dito sa bathroom ng President. Sosyal naman ng President na to. Ano kaya pangalan niya? Hindi ko pa alam eh. Mamaya nalang itatanong ko kay Bea.
Diko naman kayang humarap sa kanya at magtanong anong pangalan niya baka isipin niya pa na may gusto ako sa kanya. Ew kalasonan, dapat jan ipa phased out.
Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob at lumabas. Nasa paper bag ang basa kong polo at bra. Pati na din ang skirt ko kahit hindi masyado nabasa. Amoy juice pa din kasi.
Sumilip naman ako sa table ng President. Walang tao. Lalabas na sana ako ngunit naagaw ng paningin ko ang pangalan na nandoon. No way...
Mark Lee Guisona
______________
SSG-PRESIDENT"What are you doing?" Agad akong napalingon sa kakapasok lang na si Mark...Lee "You seem scared. Care to share?" nagpatuloy lang siya at umupo sa upuan niya. Ipinatong pa niya ang mga braso sa lamesa tila sinusuri ang reaksyon ko.
"You are M-mark Lee Guisona??" pilit kong itago ang gulat sa pagtanong ko.
"Yes. As you can see I'm the President. Why you're asking?" titig na titig lang siya sakin kaya ako nito naiilang. Gusto ko ng tumakbo palabas.
"Wala... I'm just curious. Salamat pala Pres , labas na din ako" paalam ko nalang din at lumabas na. Isasara ko na sana ang pinto ng marinig ko ang huli niyang sinabi.
"You two are really look-alike." kahit gusto ko pang magtanong ay hindi ko nagawa kundi ay dali-dali akong tumakbo papunta sa classroom.
Fuck you Mr. President!
_____________________________
"Oh mabuti andito kana Ena! Nakalabas na si mommy at dipa pumapasok ang second teacher. Don't worry hindi galit si mom sayo, sakin lang oo hehehe" agad na salubong ni Bea ng makapasok ako.
"Ena tabi tayo" doon ko nakita na ang kahapon na nag-iisang upuan sa likod ay apat na ngayon. Napapagitnaan ako ni Bea at Kuya John. Napatingin naman ako sa isang bakanteng upuan ng maalala ko ang uupo dun.
"Hoi! Okay ka lang? Tulala ka jan?" umiling lang ako kay Bea at umupo na. Bat kasi kasama sa lumipat dito ang taong yun!
Pero napaisip ako. Siguro tama nga yun na classmates kami para, para makilala ko pa siya at malaman ang totoo. Kung bakit kilala siya ni Esa.
"Siguro gutom kana ano? Dka na nagsasalita ehh. Psst John asan na yung pagkain para kay Ena? Ibigay mo na para mahimasmasan na to" nabalik naman ako sa tamang hwesyo sa sinabi ng katabi ko. Nakatulala na pala ako.
"Ohh ito Ena. Binilhan kana namin at alam naming gutom kana tas natagalan ka pa dun. Okay ka lang ba?" napangiti naman ako kay kuya.
"Okay lang ako kuya. Siguro gutom lang talaga to haha" kinuha ko naman sa kanya ang isang sandwich at Zest-O at nilantakan nato. Mamaya nalang ako mag-iisip sa tungkol doon.
"Tama nga ako! Gutom ka lang! Hahaha" natawa nalang kaming tatlo sa hirit ni Bea.
"Saang room nga pala sila Keish?" tanong ko habang kumakain pa din.
"Ah naiwan sa kabilang section kung san kami galing." sagot ni Bea kaya tumango nalang ako at nagpatuloy.
"Ui Mark dito ka, tabi tayo" agad akong napatingin sa pinto ng pumasok doon ang tinawag ni Kuya. Close sila?
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
TerrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...