Taimtim lang na nakaupo ang iilang tao habang nakikinig sa isang exorcism(pari) na may sinasabing ibang lenggwahe. Nakapikit ito na animoy may tinatawag.
Kasama naman doon ang isang babae na nanginginig dahil sa nyerbyos. Walang ibang makikita sa mukha niya kundi takot at galit. Takot siya sa kung anomang masamang mangyari sa buhay niya at galit sa pagkamatay ng dalawang kaibigan.
Habang ang isang lalaki naman ay prenteng nakaupo na animoy walang problema. Katabi niya naman ang asawa niya na nakamasid lang sa paligid. Siya at ang kanyang asawa ang nagplano nito.
Ang pagsagawa noong nakaraang araw ng holy mass at ang pagplanong magsagawa ng isang ritual para mapalayas ang masasamang espiritu sa eskwelahan. Base sa nasaksihan nila noong nakaraang araw ay may iba ngang elemento ang andito.
Kaya gagawin nila ang lahat mapalayas ito. Hindi sa nag-aalala sila sa kalagayan ng mga estudyante kundi dahil sa sekreto nila na ayaw nilang mabunyag. Oo, pumapatay sila kaya alam nilang sila din ang puno't dulo ng mga nangyayari sa academy.
Hindi sila nakokonsensya. At panatag silang pagkatapos ng gabing ito ay wala na silang dapat ikatakot at balakid pa. Napangisi naman ang lalaki na walang iba kundi si Mr. Shiva. Makakatulog na din ako sa wakas ng mahimbing. Kahit multo ay hindi ako mapapabagsak. Saad niya sa kanyang isipan.
Bigla namang lumamig ang paligid at unti-unting paglakas ng hangin. Itinuloy lang ng isang exorcism ang kanyang ginagawa kasi alam niyang paparating na ang kanyang pakay. Ang mga espiritung gala.
"Ahhhhhhhh" napatakip naman ang lahat sa isang matinis na tinig ng isang babae. Sumisigaw ito na wariy nasasaktan. Di nagtagal rumami ang boses ng sumisigaw. Mapababae at lalaki. Umiiyak na nasasaktan.
Mas lumakas ang hangin at namatay ang sindi ng iilang kandila na nakapalibot sa buong rooftop. Kahit kabado ay pilit umayos ng pagkakaupo ni Mr. Shiva. Ngayon lang to. Mawawala din mamaya ang mga yan. Sa isip niya pa.
"ANONG GINAGAWA NIYO!" sigaw na may pagbabanta ng isang boses ng babae kaya kinalibutan naman ang mga taong nagsisiksikan sa gitna. Dumagundong ang galit sa boses nito at mga daing.
"Sino ka?!" Matigas na tanong ng pari kahit pa nakapikit. Pinapakiramdam niya kasi kung nasan banda ng rooftop ang kanyang hinahanap.
"WALA KANG KARAPATAN NA MALAMAN PA!!" Galit din na sigaw pa ng babae. Sa pagdaing niya pa muli ay mas lumakas ang hangin at iyakan pa ng iba pang boses.
"Pero may karapatan akong palayasin kayo sa lugar nato! Dapat sa inyo ay mamahinga na ng tuluyan" mahinahon na sagot ng pari pero tumawa lang ng pagak ang mga ito.
"Tatahimik lang kami kung makakamit na namin ang aming HUSTISYA!" sagot naman ng isang boses ng lalaki.
"Ako na ang makikipag-usap" saad ng isang babaeng kasamahan ng pari. Isa siyang eksperto tungkol sa mga ligaw na kaluluwa kaya hindi siya natatakot lalo na sa kanyang narinig. May mali. Yan ang nasa isip niya bago sumilip saglit sa may-ari ng eskwelahan.
"Ano ang hustisya na inyong gusto?" Malumanay na tanong niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa isang rosaryo. Nagulat naman siya ng marinig ang iyakan ng mga boses sa paligid. Mga iyak ng mga nasaktan.
"Kung hindi nila aangkinin ang kanilang kasalanan ay kailangan nilang mamatay din! MGA HAYOP SILA! SILA ANG DEMONYO!" Giit ng isang may kaedaran na boses ng babae. Nanlumo naman ang babae sa narinig kaya inalalayan naman siya ng pari.
Nagtataka ang mga taong nakatingin sa kanila kasi bukod sa malakas ang ihip ng hangin ay tanging boses lang ng dalawa ang naririnig. Hindi kasi sila naririnig ang boses ng mga ligaw na kaluluwa kaya wala silang alam ano ang kanilang pinag-uusapan.
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HorrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...