Ena's Pov...
Tik
Tak
Tik
Tak...
Nakakabinging katahimikan. Nasan ako? Bakit ang dilim ng paligid. Hindi ko alam kong nakatayo ba ako o nakahiga.
Tik
Tanging tunog lang ng isang, orasan? Where am I?
Tak...
"Help me" rinig kong saad ng humahagulhol na babae. Hahanapin ko sana san ito nanggagaling pero putangina hindi ko magalaw ang katawan ko!
Tik
Tak..
"H-hindi ko na kaya. S-stop" nanghihina ng bulong nito. Ramdam kong kusang umagos ang maiinit kong luha. I don't know what the hell is going on!
"Nyenyenye~" saad naman ng panibagong babae at malakas naman nag tawanan ang nasa paligid. Hindi lang dalawa ang tao na nandidito?
"Lead bago mo tuluyan yan baka naman pwedeng magamit muna" pilyong sabi ng isang lalaki. Mas lumakas ang labas ng luha ko. Natatakot ba ako o naaawa? Hindi ko alam kasi hindi ko din alam nasaan ako!
"Yes you can. Pakibilisan~" sagot noong lead ata na tinawag ng lalaki. What is going on? Don't tell me.
Umiyak ng umiyak ang babae kanina at tawa lang ng tawa ang lalaki. He's going to rape her! Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko sila makita!
Iyak lang ng babae at ungol ng lalaki ang naririnig ko. Nakakakilabot, naninindig ang balahibo ko. Bweset mga hayop! Sino ang babae na pinagsasamantalahan nila at sino sila para gawin ang kahalayan na yun!
"Urgh... ayusin mo sa pagkuha ng video" napakagat naman ako sa aking labi sa pagpipigil ng hikbi. They filming it? Wth! Binababoy nila.
Dinilat ko naman ang aking mata na nagbabasakaling magising ako sa bangungot na ito pero nagkakamali ako.
Nakahiga ako ngayon sa sahig sa madilim na parte at nakita ko sa may bandang gitna ng kinakaroonan ko ngayon ang tanging ilaw na nakasindi.
At dun ko nakita ang isang lalaki na may hawak na camera at nakaharap sa.... Lalaking nakapatong ngayon sa isang babae na nanghihina. At...
Ang babae. Nakatingin sakin habang may luha ang kanyang mga mata. Napatakip ako sa aking bibig, pinipigilang mapasigaw. Ngumiti naman siya sakin ng tipid kahit nakikita ko na nahihirapan na siya for Goddess sake!
May bigla namang humarang sa aking paningin na nakaluhod ngayon sa harap ng babae at nakataas ang kamay na may hawak na kutsilyo. No! No! No!
'H-help me ,Mark Lee Guisona" huling dinig kong saad ng babae bago siya . Saksakin.
No!!!!!!
"ENA!!!" napabalikwas naman ako sa pagkakahiga. Humahangos. Hindi ako makahinga.
"Ito tubig" agad ko yung tinanggap at ininom. Para akong tumakbo ng napakalayo. Malapit pa akong mabilaukan.
Isa na namang panaginip. Isang napakasamang panaginip. Kung ganun, panaginip lang din yung...
"*sob* Ena wala na si Joseph" napalingon naman ako sa humihikbing si Bea. Dun ako natulala. So totoo yun? At ang tanging panaginip ay yung ginahasa..
"A-akala ko panaginip lang yun?. Sabihin mo Bea na p-panaginip lang to! Panaginip lang to please" yinakap niya naman kaya yinakap ko na din siya at napahagulhol. No hindi to totoo.
"Totoo yun Bea. Dinala sa funeral ang labi niya at napaalam na din sa kanyang pamilya. Walang pasok at pinauwi na ang lahat. Sinamahan kana namin dito ng mawalan ka ng malay. Alas kwatro na ng hapon" kuya John said. Ganun ako katagal nakatulog?
"Sila Keish?" umalis naman sa pagkakayakap sakin si Bea.
"Andun na nakauwi na din ata. Na trauma ata kasi nakita kong inaalalayan siya ng teacher habang nakatulala" she must be traumatized. Sila ang magkasama dun sa taas kung san nahulog si Joseph.
Pero pano nga ba siya nahulog? Don't tell me tama akong tinulak siya ni...
"Lead bago mo tuluyan yan baka naman pwedeng magamit muna"
Y-yung boses.
"andito pala kayo, dito na din kami uupo ah Ena at P-pres"
N-no! Bat pareha sila ng boses ng nasa panaginip ko?
Napatingin ako sa harap ko at nakita ko ang nakatayo dun na nakatitig sakin na si Mark.
"Wala kang makukuha sakin Miss Tan. Dahil inosente ako. If you want, you can ask your friends "
Friends.
Napalunok naman ako ng laway. Naguguluhan nako.
"Okay ka naba? Uwi na tayo para mabisita natin bukas si Joseph sa burol niya. Para makakapag pahinga ka na din. Alam kong mas na trauma ka kasi sa nakita mo sa harap mo." tumango naman kay Bea at napahilamos sa mukha. Gulong-gulo na ako!
"Pwede ba kitang makausap kahit saglit, Pres?" Tumango naman siya sa sinabi ko. Siguro kinakailangan ko na ng tulong.
__________________________________
"So nandito ka din sa luma niyang apartment?" liningon ko naman si Mark na nasa likod ko.
"Tawagin mo lang ako Ena kung may kailangan ka. Pasok na din ako" paalam ni Kuya John na tinanguan ko nalang bago pumasok.
Hindi ko na sinarado para makapasok si Mark. Tinuro ko naman sa kanya ang sofa bago dumeretso muna sa kwarto para magbihis. Pagkapasok ko dun agad kong isinara iyon.
Inilagay ko naman ang bag ko sa kama at kumuha ng pangbahay na damit sa cabinet ng may mapatid ako. Yumuko naman ako at pinulot iyon.
Isa itong susi. Nag-iisang susi. Kita mong luma na ito sa dumi. Naramdan ko naman na may kunting basa ito kaya tinigyan ko ito.
Nagulat naman ako sa nakita. D-dugo. May kunting bahid ng dugo. Napalunok naman ako ng laway. Shit.
K-kanino ito? At para san to?
Napaigtad naman ako ng biglang may kumalabog na mahina sa loob ng cabinet. Napatitig naman ako sa sarili sa salamin nito. Nanindig ang balahibo ko sa nararamdamang takot at kaba.
Napatingin ulit ako sa susi na hawak ko. Hindi kaya para ito sa cabinet? Impossible. Sa tagal ko dito ngayon ko pa to nakita? At nasa sahig lang? Stupid.
"Shit!" Napalingon naman ako sa pinto. Pinasok ko muna sa bulsa ko ang susi bago tumakbo palabas. Naabutan ko naman si Mark na nakayuko sa ilalim ng lamesa sa kusina habang pinupulot ang basag na baso.
"Anong nangyari? Ako na dyan"
"Wag na ako na. I'm sorry nahulog ko lang itong baso na nakapatong sa may ref mo. Bubuksan ko na sana eh para kumuha ng tubig. Dko naman alam na naglalagay ka pala ng trap. Muntik na ako dun ah" nagtataka ko naman siyang tinignan ng tumayo na siya
What?"Hindi ako naglagay ng baso sa ref. At wala akong maalala na ginawa ko ang sinasabi mo" saad ko kaya nanliit naman ang mata niya.
"Talaga? Eh bakit may mga basag din na baso sa sofa mo? Kung dumeretso lang ako ng upo baka natusok na tong likod ko. Iwan ko kung buhay pa nga ako" mas lalo akong nagtaka at tumungo sa sofa.
Fuck!
May mga bubog nga dun. Napatakip nalang ako sa aking bibig. Tapos napatingin ulit sa ref. Agad ko naman yung binuksan at napaatras sa nakikita.
"Shit! Apartment mo ba to Miss Tan?" di makapaniwalang saad niya.
Ang ref ko, magulong magulo ang laman tapos may cake dun na walang galaw. As in bago pa.
'One down' basa ko sa nakalagay sa cake. What!!
"Punta ka muna sa kwarto no John. Kami muna bahala dito" hindi na ako nakaimik. Naramdaman ko nalang na iginaya niya ako palabas.
Nalilito nako. Hindi ko na alam anong nangyayari. Gusto ko ng magpahinga.
________________________
YOU ARE READING
Who Killed My Twin? (COMPLETED)
HorrorNasabi na ng matatanda simula pagkabata natin na hindi maganda ang paghihiganti. Hindi maganda ang pagkimkim ng sama-ng-loob. Well totoo naman, para mapagaan ang pakiramdam dapat matuto kang magpatawad. Pero hindi ganyan ang tungkol sa storyang ito...