Chapter 19

77 3 0
                                    

Slight 🔞
⚠️WARNING: SUICIDAL EVENT⚠️

Naaalala ko na.

Kanina pa ako dito nakatulala sa harap ng cabinet. Hindi malaman kung ano ang dapat kong gawin. I feel numb.

Bakit nangyari ng lahat ng yun sakin? Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Wala naman ah. All I wanted is to be loved. That's all.

Hindi ko naman ninais ng marangyang buhay kundi yung buhay na may nag-aalaga sakin at yung sa saya't kalungkutan ay may kaagapay ako.

Tapos yung iniingatan kong dignidad, naglaho.

Ninakaw ang dignidad ko. Binaboy ako. Oo, inaamin ko na bumigay ako sa taong hindi ko gaano ka kilala. Kasi naman tinakot niya ako.

Na aalisin ang scholarship pag hindi ako pumayag sa gusto niya. At mas worst ay papatayin niya ako.

Kaya pumayag akong maging parausan ng hayop na yun. Kasi pinangako ko sa mama kong yumao na magtatapos ako sa pag-aaral. Pano naman ako makakapagtapos kung walang scholarship diba?

Kung sana kasi, 'di nalang ako pumunta sa gabing yun. Edi sana hindi ako masasangkot sa isang madilim na krimen. Edi sana hindi nila ako nakilala. Sana matiwasay pa ang buhay ko.

At sana nakilala at nakasama ko ang kapatid ko...

"Ayokong magkautang ang kapatid ko sa demonyo. Ayokong masayang lang ang buhay niya ng dahil sakin. Ayokong mapareha lang ang buhay niya sakin na miserable" mahina kong saad habang nakatitig sa mga kagamitan sa may cabinet.

Kahit nanghihina ay tumayo ako at dire-deritsyong lumabas ng kwarto patungo sa kusina. Ng makita ko na ang sadya ko ay agad akong bumalik sa loob.

Napatitig muna ako sa aking kamay.

Isang lighter at alcohol ...

Agad kong binuhos ang alcohol sa loob at sa labas ng cabinet. Ng maubos ang isang litro ng alcohol ay agad kong sinindi ang lighter. Kumuha ako ng isang papel na galing sa loob at sinindihan. Pagkatapos ay hindi nagdadalawang isip na ihagis sa cabinet.

Napangiti ako ng mapait ng agad kumalat ang apoy kung san nabasa ng alcohol. Lalo na ng matupok na nito ang mga papel na nakadikit sa dingding na may iba't ibang lenggwahe.

Dahan-dahan naman akong umupo sa aking kama habang nakatitig parin sa malaking cabinet na natutupok na ng apoy.

"Ena! Nasa loob kaba? Lumabas kana bago hindi pa lumalaki ang apoy!" Rinig kong sigaw sa labas ng apartment ko. At alam kong si kuya John yun.

Naalala ko pa ang una naming pagkikita ni kuya John. Nakikita ko siya pero siya hindi. Kasi kaluluwa na ako non. Ng makita ko kasi ang babaeng kamukha ko ay sumama ako dito.

At dun ko siya nakilala, kasama niya ito sa may kotse at para gumala. Hindi ko inakala at aksidente akong nakapasok sa katawan ng babae. At dun ko naramdaman ang felling na may kuya. Yung may nag-aalala sayo at nag-aalaga.

Naramdaman ko ang init ng paligid. Kumalat na pala ang apoy sa may kesame. Siguro ito na talaga ang katapusan ng buhay ko.

Napalingon naman ako sa pinto ng bigla itong bumukas ng napakalakas. At dun ako napangiti ng makilala kung sino ang pumasok. Nakapatong sa kanya ang isang bedsheet na tumutulo pa ang butil ng tubig. Binasa niya ata.

"Kuya John" nakangiti kong tawag sa kanya. Natameme naman siya na nakatitig sakin. Siguro hindi siya makapaniwala na okay lang ako kahit nasusunog na ang paligid.

"Ena" mahina niyang turan kaya umiling naman ako at ngumiti ng mapait. Kasi hindi naman ako ang tinawag niya. Hindi ako si Ena. At iwan ko kung mabubuhay pa ba si Ena pagkatapos nito.

Who Killed My Twin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now