Chapter 13

84 2 0
                                    

Nakatulala lang ako ngayon sa may harap ng apartment ko. Oo nakauwi na kami kanina pa.

Yung nangyari kanina, hindi pa ako nakaka move on. Mabuti nalang at agad dumating sina kuya at linayo ako dun. Kung hindi nahimatay nako.

Sigh...

Hindi ko na alam anong nangyayari. Bakit ganun nalang ang nangyayari.

Why is it na parang ang may kagagawan ng lahat ay ang kambal ko. Bakit?

Bakit sa twing may mamatay ay nandun siya at nakangisi. I don't know why. She's a ghost already for Goddess sake! Kaya pa ba niyang pumatay?

I doubt that.

Kung hindi siya. Sino naman ang killer?

At isa pa, bakit ako nakakakita ng mga kaluluwa sa school at sakin pa talaga sila humihingi ng tulong!

Hindi na nga ako makagalaw sa takot pag nakikita ko ang kambal ko, tapos tutulungan ko pa sila? Eh wala nga akong magawa.

"Lalim ng iniisip mo" biglang saad ng kakalabas lang ng apartment niya.

"Mark" tawag ko nalang sa kanya. Ngumiti naman kami sa isa't isa bago tumingin sa harap.

"Hindi pa nga nalalaman sino ang may pakanan ng pagkahulog ni Joseph, nadagdagan na naman ng isa. At nagbigti pa talaga. Totoo kayang nag suicide sila?" Tanong ko lang bigla.

Suicide? Bakit feeling ko hindi? Bakit nga ba ako na p-problema dun? Psh

"Suicide? Maybe" sagot ni Mark na nakatanaw pa din sa harap.

"Nakita mo naba ulit ang kambal mo?" Napalingon naman ako sa tanong niya. Natahimik ako saglit bago marahang tumango.

"Everytime na may mamamatay sa school, andun siya. Nakatayo habang nakangisi" I said bago napakagat labi. Ramdam ko naman ang paglingon niya.

"Possible bang makakagawa ng isang krimen ang bad spirits? " tanong ko pa bigla. Napapikit nalang ako.

"Maybe yes or maybe not? I don't know" tumango naman ako. Hindi naman kasi talaga ako naniniwala about sa spiritual things. It's a big impossible .

"Pero may tanong ako sayo Ena" kinakabahan naman akong tumitig sa kanya. Iwan ko pero anlakas ng kabog ng dibdib ko. "Kilala mo naba talaga ang sarili mo? Ang kambal mo? Kilala niyo ba isa't isa?" Kumunot naman ang noo ko.

What?? Hindi ko siya maintindihan.

"Never mind. Mauna kana sa loob at lalabas na din yun maya-maya ang dalawa para makigulo sa kwarto mo" natatawang saad niya bago pumasok sa apartment niya na katabi lang ng kay kuya John.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Malamang hindi namin kilala ang isa't isa. At.... hindi ko din kilala ang sarili ko.

_________________________

"Kapagod mag-aral sa totoo lang. Gusto ko ng humimlay" bumagsak naman si Bea sa sahig. Andito kami ngayon sa sala ko nakaupo sa sahig habang nag aaral.

Napatawa naman kami.

"Parati ka namang pagod Bea. Wala ng bago" tawang sita ni kuya na sinang ayunan namin. Kuya is right. Siya ang pinakatamad sa aming apat.

"Eh kasi naman nakakagutom. Wala ng pumapasok sa utak ko pag gutom. Need ko talaga ng maraming pagkain sa bag ko pag exam para may energy ganun" mas tumawa naman si kuya.

Patay gutom talaga tong si Bea. Ang baon nilang pagkain ay siya na ang umubos. Ginawa ba namang pulutan.

"Matulig na tayo. It's already 9" paalala ni Mark kayo nagsitayuan na kami. Mabuti nalang at tapos na kami sa pag review. Siguro naman may masasagot na kami nito bukas.

Hindi naman sa nagmamayabang ako pero andali ko lang talaga matuto. Lalo na pag nakakain. Tama si Bea. Haha

"Good night and sleep cuties" napahikab pa na saad ni Bea na nauna ng humiga sa kama.

Ganun pa din ang pwesto namin sa pagtulog kaya naging komportable na din ako. Mukhang hindi na ako sanay na hindi sila makatabi.

________________________

"Yehey ngayong hapon nalang at matatapos na din ang brainstorming" napailing nalang ako kay Bea. Andito kaming apat sa canteen nananghalian.

Gutom na gutom talaga kasi hindi kami nag snacks kanina kaso nag review muna kami saglit. Apat na subject kaninang umaga at tatlo naman ngayong hapon.

"Ikain mo nalang yan ang ingay mo" bulyaw ni kuya dito kaya napanguso nalang ito. Ang kukulit.

Mabuti nalang talaga at wala ng kababalaghan na nangyari. At about sa nangyari kahapon, kagaya parin ng dati.

Parang binaliwala ang trahedyang yun. O baka gusto lang ng namamahala sa school na to na panatilihing kalmado ang lahat at hindi mataranta. Psh. Iwan ko asan ang konsensya at utak nila. Itinae na ata.

"Matunaw si Ena, Mark" sita ni kuya kaya napalingon ako kay Mark na nakatitig pala sakin. Kit narinig na niya si kuya ay di parin siya nagpatinag.

Ako nalang ang nag-iwas ng tingin kasi ako yung nahihiya. Tang!! Amp.

___________________________

"Ui may tsika ako"

"Ano naman yun?"

"Narinig ko kanina sa mga teacher na nakabalik na si Keish at Josh. Na late nga sa pagdating kaya nasa library ngayon para mag take ng exam sa first subject na di nila naabutan kanina"

"Oh ano naman meron dun?"

"Eh kasi daw antahimik ng dalawa at pumayat daw. Haggard ang dalawa parang walang tulog"

"Ay baka dahil sa pagkamatay ng kaibigan nila"

"Pero alam mo karma na nila yun"

"Tumahimik ka baka may makarinig sayo. Alam mo naman lakas ng mga kapit nun"

"Basta, karma nila yun"

Hindi agad ako lumabas sa isang cubicle ng marinig ko ang usapan ng tatlong babae sa labas ng restroom.

Nakabalik na pala sila Keish at Josh. At ano raw, na karma? Bakit naman?

Narinig ko namang nagsilabasan na sila at tumahimik na ang buong restroom. Kaya lumabas na din ako kasi ako nalang ata mag-isa dito.

Pero nagkamali pala ako.

Kasi pagharap ko sa malaking salamin ay kakalabas lang din ng isang payat na babae sa isang cubicle habang nakayuko. Ng nag-angat ito ng tingin ay sabay kaming natigilan.

Pero siya, nanginginig siya dahil sa takot. Bakit naman?

"Keish? Okay ka lang? Anyare sayo?" Tanong ko ng mapaatras naman siya. Hindi pa din kami nakalabas sa cubicle at pareha kaming nasa pinto pa nakahawak sa doorknob.

"L-lumayo ka sakin! W-wala akong kasalanan!" Sigaw niya bigla at kumaripas ng takbo. What??!

Napatitig naman ako sa aking sarili at dun mas nagulat ako.

M-may nakatayo sa likod ko. Natabunan ko siya pero kita ko parin ang magulo niyang buhok.

"W-who are you??!" Matigas kong tanong. Mas naramdaman ko naman ang malamig na temperatura dito sa loob.

"Ako ay ikaw, Ikaw ay ako"

Sa pagkurap ko ay nawala naman siya. Napasalampak naman ako sa sahig sa panginginig ng tuhod ko.

Hindi ko kinaya. Hindi... hindi..,

Ako si Ena, ako si Ena. AKO SI ENA!!!

At hindi ako mamamatay tao!!!


....

Who Killed My Twin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now