Kabanata 2

366 6 0
                                    

"Positive!"

The hell!

"Anong gagawin ko?" Problemadong tanong ni Donnalyn.

"Gusto kong magpatuloy sa pag-aaral. Ayaw ko nito!"

"Don-"

Umiling siya ng paulit-ulit habang patuloy na tumutulo ang mga luha.

Shit! Wala ito sa kanyang plano.

"Ipalaglag ko ito-"

"Donnalyn!" Magkasabay naming sigaw ng mga kaibigan niya.

Sa kanyang mukha pa lang ay kita nang desidido na talaga siya.

Damn! It involves life. The fetus is innocent.

Galit niyang tinapon ang dalawang pregnancy tests na puro positive ang resulta.

"Ano?! Sisirain ko ang buhay ko? Ang laki pa ng pangarap ko!"

"Don," Veronica tried to hold Donnalyn's hand but she refused.

"Buo na ang desisyon ko. Wala din naman akong maibibigay sa bata. Nahihirapan nga akong buhayin ang sarili ko."

Sapo ang kanyang mukha ay humagulgol siya kaya nilapitan siya ni Avery at niyakap ng mahigpit. Nag-iiyakan na kaming apat dito sa maliit niyang apartment.

Pinuntahan namin siya dito sa apartment niya dahil sa dalawang araw na siyang hindi pumapasok. Hindi naman siya basta-basta na lumiliban sa klase.

"Ayaw ko nito. Suportahan niyo na lang ako, please," pagmamakaawa niya.

Damn!

Bumalik kami sa pag-aaral pagkatapos. Parang wala lang nangyari. Natuloy ang binabalak ni Donnalyn. At kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Araw-araw siyang tulala at wala sa sarili.

Alam kong ayaw niyang gawin 'yun pero dahil sa sitwasyon niya ay nagawa niya 'yun. Wala siyang mga magulang dahil maagang namatay ang mga ito at walang kahit na sinong kamag-anak ang gustong tumanggap sa kanya. Napilitan siyang magtrabaho sa isang night club para mabuhay ang sarili.

Life is too cruel.

"Gusto ko din namang magkaanak," hagulgol niyang sabi isang beses. "Sadyang hindi pa talaga panahon."

Nasasaktan din ako para sa kanya. Hindi ko siya pwedeng husgahan. Hindi namin siya pwedeng husgahan dahil naiintindihan namin siya.

Nagpatuloy din naman ang buhay namin kahit na may hindi na magandang nangyari. Nagpatuloy ang aming paghihirap.

"Lav, lapitan mo ang isang kostumer," tawag ni Manang Luping sa akin.

Dali-dali akong pumunta sa isang kostumer na nakatayo sa harapan ng nga kalabasa at talong.

"Ano pong atin, Sir?" Naka-ngiti kong tanong habang kumukuha ng supot.

Nagtagal ang tingin nito sa aking mukha pagkatapos ay sa suot kong maruming damit dahil sa daming ginagawa.

Hindi na din naman bago na ganito ang klase ng tingin sa akin ng mga kostumer. Nasa palengke ako at madudumihan talaga dahil sa trabaho.

Nasanay na din naman ako sa ganito. Simula elementarya ay ganito na ang ginagawa ko. Hanggang ngayong grade twelve ay ganito pa din ang ginagawa. Wala nang hiya-hiya kung pera na ang pag-uusapan.

"Sir?" Tawag ko ng pansin nang nanatiling tahimik ito.

Palagi ko itong nakikita sa palengke. Namimili. Ngunit parang naninibago yata siya sa hitsura ko o baka ngayon lang niya ako napansin kahit na araw-araw siyang nandito.

Desiring Lavender (Dreamer 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon