"Hindi ko naman sana siya papasukin pero nagpumilit," mahinang sabi ni Marie.
Tiningnan ko si Tatay. Sa akin siya nakatingin ngayon kaya binigyan ko siya ng ngiti pagkatapos kumuha ng walis at dust pan. Iniligpit ang babasahin na baso.
"Nasaan ba siya?" Tanong ni Tatay.
"Sa sala ho, Tay. Kausap nina Lovely. Pilit pinapaalis."
"Pupuntahan ko."
Pagkatapos kong mailigpit ang kalat ay ako na mismo ang unang lumabas ng kusina. Pilit na pinigilan ako ng ama pero hindi ako nakinig.
Pagdating ng sala ay nandoon nga siya. Kausap ang aking mga kapatid.
"Bakit niyo ba ako pinapaalis? Di ba dapat masaya kayo kasi nandito na ako? Magiging kumpleto na tayo. Hindi niyo dapat pinapaalis ang ina niyo," mahinahon nitong sabi.
"Pasalamat nga kayo umuwi ako. Mabubuo na ulit ang pamilya natin," isa-isa niyang tiningnan ang mga kapatid ko.
"Umalis na naman kayo noon. Iniwan niyo kami. Ano pa ba ang silbi ng pagbalik niyo dito? Ni wala naman kayong pakialam sa amin?" Si Lovely.
"Anak, may pakialam ako sa inyo. Kaya nga ako umalis para mabawasan ang pakainin sa bahay. Di ba yun din naman ang gusto niyo, ang umalis ako dahil puro hingi lang naman ako ng pera. Umalis ako para masunod ang kagustuhan niyo."
Just bullshit!
What's the point of going home? How many years she didn't show herself to us? Ngayon babalik siya na parang walang nangyari?
Nanigas ako sa kinatatayuan nang makitang nailipat sa akin ang kanyang paningin. Binigyan niya ako ng ngiti na para bang tuwang-tuwa siya dahil nakita niya ako. Na para bang mahal na mahal niya ako at sabik siyang makita ako ulit.
Damn! She's too plastic!
"Lavender! Anak!" Nagmamadaling lumapit siya sa akin para yakapin para yakapin ako pero iniwas ko lang ang sarili sa kanya.
Nakitaan ko ng sakit ang mga mata niya at galit na rin pero pinigilan niya ang kanyang sariling ilabas ang galit. Pilit niyang pinalitan ng tuwa ang naramdaman niyang galit.
"Hindi mo ba ako na-miss, Lavender? Tayo ang huling nagkita bago ako umalis."
"Dito ka ho ba matutulog?"
Natigilan siya sandali pero tumango din naman kalaunan. Inilibot nito ang paningin sa buong bahay. "Dito na ako titira."
Huminga ako ng malalim. "Ihahanda ko lang ang silid na tutulugan niyo."
"Ayos na kahit hindi kalakihan. Basta't dito na ako titira—"
"Mag-usap tayo, Freska," seryosong sabi ni Tatay at hinatak ang aming ina palabas. Nagrereklamo pa ito ngunit wala na siyang nagawa pa.
Sobrang tahimik ng paligid nang mawala sa paningin ang mga magulang namin. Walang sinoman ang nangahas na magsalita.
Umalis si Lovely, umakyat siya sa taas at sinundan yun ni Marie. Tatlo nalang kaming naiwan dito sa baba.
Tinungo ko kung saan nakaupo si Kiko at John. Umupo ako ss sofa kung nasaan sila. Wala pa ring sinoman ang nagsalita.
Our mother's arrival made us speechless, huh? We were too stunned to speak?
"Aayusin ko lang ang tutulugan ni Nanay," paalam ko nang maalala ang dapat na gawin.
"Hindi pwede si Nanay dito, Ate—"
"Ina pa rin natin siya, Kiko," paalala ko sa kapatid pero umiling lamang siya. Puno ng galit ang mga mata.
"Ganyan pa rin ang gagawin mo kahit na ang laki ng kasalanan niya sa'yo? Kalahati lang ng katotohanan ang alam mo, Ate! Kung malalaman mo ang totoong nagawa ni Nanay, kamumuhian mo rin siya."
BINABASA MO ANG
Desiring Lavender (Dreamer 1)
عاطفيةFirst story of the dreamers series R-18 Status: Completed Language: Tagalog - English