Kabanata 19

276 6 0
                                    

Tulala na nakatingin ako sa inumin na nasa aking kamay. Hindi man lang maproseso sa utak kung ano ang nangyari.

I've got back to the small counter with high stools where my friends are but I am still dumbfounded.

Hinayaan ako ni Theodore na makabalik dito ngunit nasa malapit lang naman siya, kasama nito ang mga pinsan. Si Anthony Devonne at Joshua Alison.

Nag-iinuman ang mga pinsan niya ngunit siya ay hindi man lang inalis ang tingin sa akin. Walang emosyon itong nakatingin sa akin at mukhang hindi nakikinig sa kung ano man ang sinasabi ng mga pinsan niya.

Damn you, Theodore! Ano na naman itong drama mo?! Ang kapal ng mukha mong angkinin at halikan ako na para bang hindi mo ako pinagsalitaan ng kung anong masakit na salita.

You're still desiring the social climber and gold digger, huh?!

Uubusin ko kaya yang pera mo kung pinagnanasaan mo pa pala ako hanggang ngayon? Para naman maranasan mo ang maghirap.

Galit-galitan ka tapos lalapitan mo ako at hahalikan ako? Kapal lang talaga!

"Kaya pala! Walang pakialam sa kung sino mang lalaki, mayroon na pala! Ano yun, Lav?!"

Tsaka lang ako nakabalik sa katinuan nang maramdaman ang pagtusok ni Veronica sa pisngi ko. Matalim ang mga kuko nito pero hindi naman niya diinan. Sakto lang para maramdaman ko ang kuko nito sa balat ko.

Tiningnan ko silang tatlo. Mukhang hindi pa nakaka-get over sa nasaksihan. Ako din.

"Sino yun?" Tanong ni Donnalyn. Ginamit na panturo niya ang kanyang labi.

"Bakit may halikan na naganap?! Hindi ako nakailag, Lav! Nagunaw at nawasak ang mundo ko sa nasaksihan!" Madramang hinawakan ni Avery ang kanyang dibdib.

"Ano yun?! Care to explain, Lav! Kasi hindi pa rin ako makapaniwala! The ever known Faith Lavender Serrano who's distant to boys was seen in the dancefloor. A guy was seducing her at wala siyang ginawa kasi mukhang nawasak din ang mundo niya sa ginawa nito. Malapit ng bumigay ngunit dumating ang isang gwapo, masarap, at nakakasira ng matris na lalaki at hinila ka. Nagsigawan kayo pero kalaunan ay naghalikan. He grabbed your waist and then wala na, wasak na ang matris mo!"

She's exaggerated!

Hindi pa naman nawasak ni Theodore ang matris ko. Kahit gaano man siya ka wild.

Oh, damn! Nakapikit na pinilig ko ang ulo para mawala ang iniisip. Pull yourself together, Lavender! Damn!

"Ano na?! Who's the yummy guy? Wala akong mapili. Kung kay Veronica ba o sayo. Bakit masyado kayong pinagpala? Paano naman kami?" Madramang tinuro ni Donnalyn ang kanyang sarili pagkatapos ay si Avery na nagdadrama na din.

"Hanapin ko na lang yung kasayaw mo kanina, Lav. Ako na bahala doon. Paniguradong tigas na tigas na yun dahil sa epekto mo sa kanya. Ako na ang hihipo."

Nag-apiran pa silang dalawa ni Donnalyn.

Damn this ladies! Mabuti't engaged na itong si Veronica, kung nagkataon, masyadong maingay kami dito ngayon.

"Where's your Engineer? Akala ko ba nagpapagapang din?" Tanong ni Veronica kay Donnalyn.

Ngumuso si Donnalyn at hindi na nagsalita. Mukhang nawalan ng ganang magsalita dahil sa tanong ng kaibigan namin.

Tatahimik din pala.

"Pero sino, Lav?" Si Avery na lang ang hindi matigil-tigil sa kakatanong.

"Malayo ang loob mo sa mga lalaki pero sa nasaksihan ko kanina. You look fucked up, Lav. You're mad but you just let him kissed you. Sa pagkakakilala ko sa'yo ay hindi ka basta-basta nagpapahawak. Baka bali na ang leeg nun kung nagkataon pero hindi, Lav. Hinayaan mo lang."

Desiring Lavender (Dreamer 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon