"Sorry naghintay ba kayo?"
"Yes, of course. You look good with your interviews. Congratulations, Avery. We are so proud of you, girl," Donnalyn pouted and hugged Avery.
Nanatili kami dito sa hotel room samantalang may kung anong pinuntahan si Avery. We saw her in an interview and she looked good.
Parang kailan lang ay pangarap niya 'to pero ngayon ay heto na siya.
"You're drunk, Don. Nag-iinom pa kayo dito?" Tanong ni Avery at isa-isa kaming tiningnan.
"We were having a shots while waiting for you," Donnalyn answered.
Namumula na ang mukha nito habang yakap-yakap si Avery.
"Ayaw na niya sa akin, Everly. Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang lahat—"
"Hey! What happened?"
Namomoblema na tiningnan kami isa-isa ni Avery.
Bakit judgemental siya diyan? Tahimik lang naman ako dito.
"Masakit," umiiyak na sumbong ni Donnalyn.
"Huwag ka ng umiyak, Don. Bibigyan kita ng bebe boys. Shh! You're too noisy," si Veronica na pilit kinukuha si Donnalyn kay Avery.
They really are drunk.
"Ito pa sa'yo, Don. Pakalasing ka, wala namang paki sa'yo iyong ginagapang mo," binigyan ni Veronica ang kaibigan namin ng panibagong inumin.
Nakawala na ito kay Avery kaya nagpatuloy na sila sa pag-inom.
"Baka kulang pa ang paggapang ko…" tumayo ito at aalis na sana ngunit nahawakan lang kaagad ni Avery kaya hindi nakatakas.
Goodness gracious! Mga babaeng ito!
This is our last day and night here in Milan, Italy. Tinodo na talaga nila ang huling gabi naman dito. Baka hindi pa kami makaabot sa flight namin bukas dahil sa sobrang kalasingan ngayon.
Umalis muna si Avery para makapagbihis kaya hindi na napigilan ang dalawa sa kakainom. Wala din naman akong planong pigilan sila. Umiinom nga ako dito.
"Ito pa, Don. Pakalasing ka. Kalimutan mo yang ginapang mo. Hindi ka naman higad para gumapang. Tao ka, Don."
Natigil si Veronica sa sunod-sunod na paglagay ng alak sa baso ni Donnalyn nang makitang sunod-sunod na pumatak ang mga luha.
Natigil na din ako. Ganito ba siya kung sobrang lasing? Hindi naman siya ganito kagabi.
Mabuti't nandito lang kami sa hotel room namin. Dito lang kami nag-inuman sa mini-bar. Baka kung ano na ang nagawa ng mga ito kung nasa maraming tao kami.
"Ang sabi niya ay ako lang. Bubuo siya ng pamilya sa akin pero wala. Hindi pala. Ayaw niya sa dating pokpok na katulad ko," humagulgol ito.
"Hindi ko naman ginustong maging ganu'n ang trabaho. Kahit nga siya ang dahilan kung bakit ako nagpalaglag, ginusto ko pa rin siya. Mahal ko, e. Putanginang pagmamahal!"
Shit!
"Niloko na naman ako, Veronica."
"Shh. It's alright. Napunta ka lang sa gago. Hush now, Don," Veronica whispered and rubbed our friend's back.
"The hell with that guy!" Mariing bulong ni Avery nang makabalik siya.
Umupo ito sa tabi ni Donnalyn at kumuha ng baso pagkatapos nagsalin ng alak.
"Puputulan ko yan ng ulo!"
"Sana siya na lang ang na-hostage ng mga terorista," gigil na bulong ni Veronica. "Sa ganu'ng paraan, maranasan niya kung paano matakot. Walang katakot-takot sa katawan yang lalaking yan, e."
BINABASA MO ANG
Desiring Lavender (Dreamer 1)
RomanceFirst story of the dreamers series R-18 Status: Completed Language: Tagalog - English