Tulala na bumalik ako sa trabaho. Muntikan pa akong magkasala dahil sa wala ako sa sarili habang nagtatrabaho.
"Napagalitan ka ba ni Sir Theo para muntikan mo ng mabasag itong mamahaling vase?"
Sana ganun nalang. Sana pinagalitan nalang ako dahil sanay naman akong ganu'n pero iba ito ngayon.
Baka nga ibang lalaki ang nagsabi sa akin ng ganu'n ay paniniwalaan ko pa pero si Theodore? Ang isang maarte, masungit, suplado, at demonyong si Chris Theodore Montemayor? Hindi kapanipaniwala.
Ano naman kaya ang makukuha niya sa pagsisinungaling sa akin? Na lalayuan ko siya lalo kapag sasabihin niya yun? Na madagdagan ang takot ko sa kanya?
Huwag siyang mag-aalala, wala naman talaga akong planong lapitan siya.
"Flora."
Galing sa terrace ay dinig ko ang boses ni Theodore. Kung makatawag ay parang sobrang layo ng tinawag niya.
Nagmamadaling umakyat si Manang Flora sa taas. Pagbalik niya ay ako na naman ang hinarap niya. Mukhang takot na takot pa talaga siya habang humahangos na tumigil sa harapan ko.
"Juice daw. Ikaw ang gustong maghatid."
Napabuntunghininga ako dahil sa narinig. Mukhang tuwang-tuwa talaga ang lalaking iyon na paglaruan ako.
Akala ko ba ay bumukod na siya? Bakit siya nandito? Para inisin ako? Para sabihin na pinagnanasaan niya ako? Unbelievable!
"Diyan ka lang. Maglinis ka diyan," seryosong sabi niya pagkatapos ko siyang bigyan ng juice.
Umiinom pa siya na parang sarap na sarap habang nakatingin sa akin.
Demonyo!
"Sorry, Sir. Malinis na ang terrace. Kanina pa 'to tapos-"
"I want you to clean it again. Titingnan ko kung gaano ka kagaling."
Lintik!
Nadagdagan lang lalo ang inis at galit ko sa kanya.
Sa klase ng tingin niya ay parang hinuhubaran na niya ako. Manyak na nga, maarte pa!
"Come on, Lav. What are you waiting for? Clean it now."
Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ay baka nakahandusay na siya ngayon.
"Lav?"
Kahit na gusto ko ng tusukin ang mga mata niya ay pinigilan ko ang sarili. Magkakasala pa ako kapag gagawin ko 'yun.
Paulit-ulit na lang ang Lav! Nakakarindi na. Hindi naman kami close para tawagin niya ako ng ganyan. Ang sagwa kapag siya ang tatawag ng ganyan sa akin.
"Lav, start now. Titingnan mo lang ba ako? Are you seducing me using your damn rounded eyes?"
"No, Sir."
"So what are you waiting for? Start it already! Such a temptation," he whispered.
Sino ba ang may gustong linisin ko itong terrace kahit na malinis na? Tapos magrereklamo lang naman pala siya.
"Are you really seducing me, Faith Lavender?!" Galit niyang tanong habang nililinisan ko ulit ang terrace.
Ano na naman ba ang problema ng unggoy na ito?! Nanahimik ako dito at hindi nagrereklamo kahit na nakatingin siya sa akin na parang isa akong masagwang pelikula na naka-play sa harapan niya.
Tumayo ako ng maayos. Kung hindi ko lang to amo ay pinaghahampas ko na siya ng walis.
Abnoy yata. Papansin ang puta!
BINABASA MO ANG
Desiring Lavender (Dreamer 1)
RomanceFirst story of the dreamers series R-18 Status: Completed Language: Tagalog - English