Kabanata 27

278 5 0
                                    

The darkest day of my life came. It came again. Bumalik ako sa dati na babang-baba na naman ang tingin ko sa aking sarili.

Pagkatapos kong masampal at pagsabihan ng kung ano-ano, malalaman kong hindi pala ako anak ng kinikilalang ama.

I'm praying that this was all just a dream. That I will wake up soon from this nightmare.

"Ang drama ng buhay ko, 'no?" Natatawang tanong ko.

"All you need to do is to fight for your life. I am going to fight for us. Ako ang bahala ang sa atin, Lav. Ang isipin mo ay ang sarili mo."

"Paano ko gagawin yan kung ganitong alam ko na ang totoo?"

Binigyan niya ako ng tiyak na ngiti. "Does it change a thing? Your family are still your family. And I am still in love with you. Hard and deep, Lav."

"How about your mother—"

"Oh, come on. Stop that thing, Faith Lavender. Paulit-ulit ko ng sinasabi sa'yo. Si Mommy mismo ang nagsabi sa akin sa kung ano ang nangyari sayo."

Umismid ako. Ano ang gustong iparating ng kanyang ina? Kontrang-kontra niya ako at kung ano-ano ang sinasabi niya sa akin. Ano 'to ngayon? Nakalimutan niya kung gaano niya ako ka-disgusto? Still unbelievable!

"Pakasalan mo na ako. Ako ang bibigay sa'yo ng kumpletong pamilya. Palitan natin ng saya at tuwa ang mga nararamdaman mo ngayon."

"At akala mo makakaya ko ang isang dosenang anak?"

Humalakhak siya pagkatapos ay hinalikan ang pisngi ko. Nanatili doon ang labi niya habang ang isang kamay ay nakapulupot sa aking baywang.

"Ayos lang kahit hindi isang dosena. Kahit isa o dalawa. Just marry me, Lav," mahinang sabi niya.

"Paano ang Mommy mo—"

He groaned. "Come on, Lav. Paulit-ulit na lang tayo."

"Pero di ba? Dapat isipin mo rin sila."

"Palagi mo na lang iniisip ang iba. Paano naman ang tayo? Isipin mo muna ang tayo, Lav. Palaging wala ako sa mga choices mo. Hindi mo man lang ako kayang piliin."

Hinawakan ang ang kamay niyang hindi nakahawak sa akin. Ang mga malalaking kamay niya ay lalong naging malaki kung tingnan dahil sa liit ng aking palad.

Ang maugat niyang mga kamay ay ibang-iba sa aking kamay.

"Piliin mo na muna ako, Lav," mahinang sabi niya na parang nagmamakaawa.

"Hmm," tanging naging sagot ko.

"What's with that 'hmm'?"

Ngumiti ako at pinaglalaruan ang mga daliri niya. "Pipiliin kita."

"Talaga?"

Tumango ako kaya mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Reconcile with your family first."

He groaned again but that never stopped me.

"Susubukan kong tanggapin ang lahat-lahat. Ang katotohanan sa akin at kailangan ko na ding pakawalan itong bigat nararamdaman ko. Kung sakaling mag-asawa na tayo, gusto kong wala na akong ibang iisipin na problema. Ikaw na lang ang iisipin ko."

Sa pagbalik niya sa buhay ko ay wala siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako at damayan ako sa mga kadramahan sa aking buhay. Hindi niya ako sinaktan kahit na ang daming problema na ang naidulot ko sa kanya.

He deserves to be happy and in order to make him happy, I should choose him.

Ang dami na ding nangyari sa buhay namin ngunit nandito kami ngayon. Magkasama.

Desiring Lavender (Dreamer 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon