Kabanata 20

285 6 0
                                    

"Hindi mo alam?"

Pagod na tiningnan ko si Veronica at ang dalawa pang kaibigan. Nang makarating ako sa kwarto namin ay parang sobrang laki ng nagawa kong kasalanan.

"Sinigurado niyang ligtas ka kagabi."

At nagpasalamat na ako doon. Ano pa ba ang gusto nilang gawin ko? Luluhod ako para mas madamdamin ang pagpasalamat?

"Alam mo bang sinundan ka ng lalaking kasayaw mo kagabi?"

"Kinatok kami dito. Mabuti at kasama pa namin ang mga pinsan noong ex mo. Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa amin."

Gusto ko mang itama ang sinabi ni Avery pero hindi ko ginawa. I am more interested in what they are going to say than correcting her about Theodore being my ex.

"Manyak pala yun, Lav. Alam mo bang hinanap ka sa kung saan-saan? Creepy! Nalaman pa talaga niya na dito ang kwarto mo. At!"

Tinuro ako ni Donnalyn.

"Alam mo bang nalaman niya na nandoon ka sa kwarto ng ex mo. Pinuntahan ka, Lav!"

"Nawala yata ang kalasingan ko dahil sa nangyari kagabi," si Veronica naman ngayon na pinaypayan ang sarili.

"Habang tumatawag ako ng security, nalaman naming lumabas ang ex mo sa kwarto niya at hinarap ang lalaki. Damn! He looked so cool while doing that. Sinubukang pumasok noong lalaki pero nasuntok na ng ex mo bago siya makapasok. Ang nangyari, nadakip ang ex mo."

"What?!" Gulat kong tanong.

Sunod-sunod silang tumango.

"Yes, Lav. Nadakip siya dahil nanakit naman kasi. Magagalitin pala. Pero naka-uwi din naman kaagad. Nagmamadali, nandoon ka kasi sa loob. Nag-aala yung tao."

"Kita namin sa mukha niya ang pag-aalala sa'yo. Habang tulog na tulog ka, hindi niya hinayaang magising ka at mapahamak."

"Gentleman, right?"

Dahil sa mga sinabi nila ay na-guilty lang ako dahil sa hindi magandang mga salita na nabitawan ko.

Galit ako sa kanya pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko tatanawin na utang na loob ang ginawa niya sa akin kagabi.

Bakit ba kasi kailangan niyang manuntok? Pinaubaya na sana niya sa mga security. Hindi naman siya boxer para basta-basta na lang sa pagsuntok.

"Humingi ka ng tawad doon sa tao, Lav. Mukhang dinamay pa talaga niya ang mga pinsan na pumunta dito para lang masundan ka," si Donnalyn.

"Hindi ka na makakahanap ng ganyang klaseng lalaki, Lav. One in a million yan," sambit ni Avery.

"Huwag mo ng hintayin na makauwi tayo ng Pilipinas ay hindi ka pa nakahingi ng tawad. Kahit na galit ka doon sa tao, niligtas ka pa rin niya."

Kaya nakita ko na lang ang sarili na kumatok sa hotel room ni Theodore. Kahit na nagdadalawang isip ako sa gagawin ay tumuloy pa rin ako. Hindi naman ako titigilan nung tatlo hangga't hindi ako hihingi ng tawad.

Nakailang pindot ako ng doorbell bago yun bumukas at nakita ang bagong ligo na si Theodore.

Basang basa pa ang katawan at tumutulo pa ang tubig galing sa kanyang buhok habang puting tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan.

Nakita ko na naman tuloy ang tattoo niyang ahas. Mas galit yata ito ngayon na nakatingin sa akin habang kita ang dalawang pangil.

Scary.

"Sorry. Nasa shower ako nang nag-doorbell ka" sabi niya habang inaayos ang pagkakasuot ng tuwalya sa baywang niya.

"Come in."

Desiring Lavender (Dreamer 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon