Kabanata 11

334 5 0
                                    

Natahimik ako at wala nang maisagot pa.

The main reason why I don't want a commitment was our status. He's rich, so damn rich while I am struggling to live everyday. He has money even without him working, while I tire myself each day just to earn money.

I want to hold him also. To be with him and to have him, but it's too complicated.

Kung akala ng lahat, pera lang ang katapat sa lahat-lahat. Hindi yun totoo. My body and heart wanted him, but my brain was stopping me. Of course! My brain was the only one who's sane.

"Gusto ko malinis ang lahat ng nahahawakan at nakikita ko. I hate crowded places. Public market to be exact, they are dirty, foul-smelling and noisy. Just cheap."

Maarte nga.

Ngunit gaano man siya kaarte ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Sa bawat paglabas ng mga salita sa bibig niya ay para akong tanga na hindi mapigilan ang pagngiti.

Maarte, Suplado, Magagalitin, Bastos, Straightforward, pero may ugali naman siyang hindi negatibo. At ngayon ko lang nakikita yun. Habang kasama ko siya ay nakikilala ko ang totoong siya.

Hate pala niya ang palengke pero pabalik-balik doon. Ano? Napipilitan lang siya?

May pasuot-suot pa siyang eyeglasses nun, hindi naman pala malabo ang mga mata. Takot din yatang madumihan ang mga mata. Sana nag face mask na din siya para hindi na niya maamoy ang 'mabahong merkado'.

"You hate public market, then why did you kept on coming back there? Saang banda ang hate doon?"

He just glared at me.

Ano na naman ang problema niya? Nagtatanong lang naman ako.

"Paborito mo ang kalabasa at talong, 'di ba?"

"Shut up!"

Hindi ko na mapigilan ang mapatawa. Kahit kinagat ko na ang labi at hindi ko pa rin talaga mapigilan ang malakas na tawa.

Nakakahiya tuloy sa ibang mga kostumer.

"What's funny?" He irritatedly asked.

"Are you laughing at me?"

Umiling ako. "Hindi naman."

"Hindi. Pinagtatawanan mo ako."

"Bakit ba ang kulit mo? Hindi nga."

"O? Bakit ka tumatawa diyan? Ako lang naman ang kasama mo dito, Lavender. Alangan namang may iba kang iniisip. Ako ang nasa harapan mo kaya ako ang iniisip mo. Saang banda nakakatawa? Pinagtatawanan mo ba ako sa palaging pagbili ng kalabasa at talong noon?"

Umiling ulit ako ngunit parang hindi niya tatanggapin kahit anong tanggi ko. Alam na niyang iyon ang dahilan ng pagtawa ko.

"Kasalanan mo kung bakit ako bumibili nun!"

Nagtaas ako ng kilay. Kalmado na ngayon.

"Kung hindi ka lang sana sa merkado nagtatrabaho ay hindi sana ako pabalik-balik doon."

Bakit naging kasalanan ko na naman ngayon? Bata pa naman ako ay doon na ako nagtatrabaho.

Sinamaan niya ako ng tingin. Umayos siya ng upo pagkatapos ay tiningnan ang relo sa kanyang palapulsuhan.

"Malapit ng mag-alas sais. May pasok ka pa."

Pagkatapos niya akong dalhin dito ay iniisip pa rin pala niya anh trabaho ko. Magtatrabaho pa ako ngayon kahit walang tulog.

"Kaya pala palagi ka sa merkado, ako pala ang dahilan."

He raised his one brows then cross his arms as if he really wants to talk to me more.

Desiring Lavender (Dreamer 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon