Kabanata 4

323 4 0
                                    

"Saan ka pagkatapos nito? Library?" Si Lawrence.

Sa mga nagdaang buwan na paglapit-lapit niya sa akin ay naging close na din naman kami. Masyadong makulit kahit na hindi ko pinapansin at isang subject lang magkaklase kami sa sunod ng sunod pa rin sa akin.

"Oo. Ikaw ba?"

"Sa library din," tumawa siya pagkatapos ay sumabay na sa paglalakad sa akin.

Isa lang na subject ang magkaklase kami dahil sa Physical Education naman ang major niya. Fourth year college na siya at itong subject lang ang binabalikan niya sa first year. Hindi yata nakayanan sa schedule niya noong nakaraang school year.

"Baka dahil sa mga ginagawa mo ay magiging Cum Laude ako nito. Dinadamay mo ako dito."

Natawa ako dahil sa klase ng bulong niya. Mahina ngunit rinig ko naman. Kay laking tao, pinipilit na hinaan ang boses.

Kita na namang malaki ang katawan niya. Physical Education ang major kaya hindi na nakakagulat. Maraming physical activities na ginagawa kaya ganyan ka ganda ang katawan niya.

"O? Saan ka na pagkatapos mong gumraduate?" Pabalik ko na ding bulong.

Gusto kong magbasa pero dahil sa sinabi niya ay nakuha niya ang atensiyon ko.

Isang buwan na lang ay graduate na pala siya. Nagsisimula na din ang pag-eensayo nila para sa pag-akyat ng stage at kung ano-ano pang gagawin sa mismony graduation day.

Ngumisi siya dahil sa tanong ko. Ilang buwan rin na ipinaramdam ko sa kanyang wala akong pakialam sa kung ano man ang pinagsasabi niya kaya paniguradong naninibago siya sa tanong ko ngayon.

"Kung papalarin, makapasa sa board exam. May pupuntahan akong isang lugar. Malayo yun dito pero tagaroon ang Mama ko."

Tumango ako. Sa pagkakaalam ko ay ang Papa niya ang mayaman. Hiwalay ang Mama at Papa niya. Nag-asawa ulit ang kanyang Papa at kinuha siya. Hindi ko na alam kung ano pa ang iba.

"Saan?"

"San Vincente."

I didn't heard that place in my entire life. O baka wala lang talaga akong alam tungkol sa kahit na anong lugar dito sa Pilipinas. Busy ako sa buhay.

"Goodluck," bulong ko at ipinagpatuloy na ang pagbabasa.

Ilang sandali pa ay pumasok ang grupo ng mga kalalakihan. Napaangat lang naman ang tingin ko dahil sa ingay nila. Hindi yata takot.

Nang makita ang pamilyar na mukha na naabutan nakatingin sa akin ay agad na ibinalik ko ang tingin sa librong binabasa.

Nangingilid na ang mga luha dahil sa takot at pangangamba. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili kung bakit ganu'n na lang reaksyon ko sa tuwing nakikita siya.

Unang impresyon ko sa kanya ay ayos naman siya. Tahimik, seryoso, at suplado. Noong palagi ko siyang nakikita sa merkado pero nang mangyari ang sa sukli na insidente ay nadagdagan lang ang impresyon ko para sa kanya. Mainitin ang ulo, maarte, at bastos na din. Lahat na lang ng kasamaan na ugali ay nasa sa kanya na.

Napatingin tuloy ako sa suot na uniporme. Dahil sa ginawa niya noong nakaraan ay nahihiya na akong suot ang uniporme ko. Proud pa naman ako noong una ko itong suot. Sa wakas ay nakapasok ako sa paaralan na gustong-gusto kong pasukan. Isang insidente ay nagbago ang pananaw ko.

Mukhang hindi nababagay sa akin na suotin ang unipormeng ito. Parang ang laking kasalanan habang suot-suot ko ito.

I lost my self-confidence because of him.

"Kilala mo?" Bulong ng katabi ko.

"S-Sino?" Tanong ko habang nasa libro pa rin ang mga mata.

Hindi ko na maintindihan ang binabasa dahil sa presensya ng dumating. Gusto ko na lang umalis at magtago.

Desiring Lavender (Dreamer 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon