Kabanata 22

248 5 0
                                    

Bumaba ako ng eroplano na maayos na ang nararamdaman. Humiwalay ako sa mga kaibigan ko na may ngiti. Umuwi ako sa bahay na walang lungkot sa mukha.

Ganu'n naman talaga, kapag tumanda ang isang tao, natututo nang itago ang nararamdaman. Sa ganu'ng paraan, mas makakatulong yun para hindi na madagdagan ang nararamdaman.

"John, si Tatay?"

Isang tanghali ay bumaba ako at hindi nakita si Tatay sa buong bahay. Nakakapanibago dahil hindi naman umaalis ang ama. Hindi na namin siya hinayaang magtrabaho dahil matanda na naman siya. Hindi naman yun basta-basta umaalis ng bahay.

"Kakarating ko lang din, Ate. Kayo lang naman ang nandito, 'di ba? Hindi mo napansin?"

"Nasa taas ako. May ginagawa."

Kinakabahan na lumabas ako ng bahay at sumunod din naman sa akin ang kapatid.

"Baka sinundo si Marie at Lovely."

"Hindi marunong magmaneho—" nabitin sa ere ang gusto kong sabihin nang makitang wala ang sasakyan na palaging ginagamit ng dalawang lalaking kapatid. Tanging ang sasakyan ko lang ngayon ang nasa parking lot.

"What the hell! Jonh!"

Nilingon ko ang kapatid. Binigyan niya lamang ako ng ngiti kaya mas nag-init lang ang naramdaman ko dahil sa inis.

"Tinuturuan mo si Tatay?"

"Kasi naman…siya ang may gusto. Para daw masundo ka at si Marie at Lovely."

Talaga lang?! Parang nabawasan lang naman nun ang naramdaman ko ngayon! Kahit ano pa ang sasabihin niya, hindi mababawasan ang nararamdaman kong takot at inis.

Paano niya naisip na turuan si Tatay?!

"Samahan mo ako!" Seryoso kong sabi.

"Galing akong trabaho, pagod ako. Maghahanda pa ako sa susunod na pasukan—"

"At hahayaan lang natin si Tatay na umalis?"

Walang nagawa ay sumunod siya sa akin. Siya na mismo ang nagmaneho kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na paghampasin siya sa tuwing naalala ko ang ginawa niya.

"Tama na, Ate! Magmamarka yang mga kamay mo."

Bumuntong hininga ako at pinigilan ang sarili na saktan ulit siya.

"Saan ba siya ngayon? Hindi pwedeng sa paaralan ng mga kapatid natin. Wala pang pasok, Jonh."

"Sa plaza kung nasaan ang tatlo. Magkasama ang tatlo ngayon dahil sa may artista daw ngayon. Dinamay pa nila si Kiko.

Nagpakawala ulit ako ng malalim na hininga.

Great! Dahil sa artista ay nag-aalala ako para sa ama.

Nanlaki ang mga mata na tinuro ko ang nakitang pamilyar na sasakyan.

"John! Si Tatay!" Turo ko sa isang sasakyan na nakatigil sa parking lot ng isang restaurant.

Anong ginagawa ni Tatay dito? Akala ko ba ay sa plasa siya pumunta?

Itinabi ni Jonh ang sasakyan. Hindi ko na siya mahintay na makababa, agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng restaurant. Nang makapasok ako at iginala ang paningin ay kaagad ko namang naramdaman ang pagtabi sa akin ng kapatid.

"Ayun, Ate."

Tiningnan ko ang tinuro ng kapatid at halos takbuhin na ang lamesa kung nasaan si Tatay.

Kung hindi lang hinawakan ni Jonh ang braso ko ay baka pinuntahan ko na ang ama.

"May kasama siya. Huwag muna nating disturbuhin," bulong ni Jonh kaya sinunod ko ang kagustuhan niya.

Desiring Lavender (Dreamer 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon