Medyo wala na din akong pahinga sa mga sumunod araw at Linggo. Masyadong marami ang mga ginagawa. Sa trabaho at sa paaralan. Finals sa paaralan, may selebrasyon naman na pinaghahandaan ang pamilya Montemayor kaya busy kami.
Wala na akong masyadong tulog dahil sa kaka-review. May trabaho pang iniisip.
"Buhay working student," Ate Lucy remarked one time as she saw me studying in the middle of the night.
"Anong sagot, uy!" Naramdaman ko ang paggalaw ng upuan ko at alam kong galing yun sa pagsipa galing sa likuran para lang makuha ang aking atensyon.
Hindi ako lumingon. Nanatiling nasa test papers ang aking mga mata.
Pati ba naman sa examination ay makakaranas ako ng pambabastos? Pambabastos dahil sa parang wala man lang itong pakialam kung maririnig man ng ibang estudyante o ng guro na nanghihingi siya ng sagot. Wala man lang respeto.
Can't he see? I'm answering here.
"Bautista, keep quiet. If you're going to disturb your classmates, better get out!"
Karma!
Pagkatapos ng examination ay asaran tuloy ang nangyari. Inaasar nila ang kaklase namin na napagalitan ng guro.
Mabuti nga sa kanya, nagpapakahirap akong mag-aral kahit na pagod ako at gusto nang matulog. Ibibigay ko lang ang kasagutan ko ng ganun ka dali? Hell no!
"Wala ka bang invitation, Lavender? Pupunta kami ng Montemayor residences ngayon. Birthday ni Tito Garry ngayon. Lahat yata ng mga ka-close ni Theo ay imbitado," si Lennie.
"Hindi naman kami close ni Theodore."
Tsaka pupunta ako sa kanilang bahay ngayon bilang katulong, hindi bilang panauhin. Hindi naman ako katulad nila na mayaman.
Pagdating sa bahay ng mga Montemayor ay kagaya ng inaasahan ay marami ng tao. Puro mga may kaya. Ano pa nga ba?
Doon ako dumaan sa kung saan ako palagi dumadaan kapag nagtatrabaho ako. Kahit na malaki ang pagkakabukas ng gate, hindi kami pwede dumaan doon na mga katulong. May guards na nagbabantay.
"Hatid mo sa lamesa nina Sir Garry itong alak, Lav. Nanghihingi sila ng alak."
"Po?"
Nilingon ko si Manang Flora.
"Busy ang lahat. At ikaw ang nakita kong nasa malapit lang. Hatid mo na ito."
Kinuha ko ang dalawang bote ng mamahaling alak na gustong ipahatid ni Manang sa akin.
Natuwa pa ako kanina na hindi ko kailangang pumunta kung saan ang maraming mga tao dahil sa dito ako nailagay sa kung sino ang naghahanap ng comfort room o ng kusina o kahit saang lugar man dito sa bahay, ako ang tagaturo kung saka-sakali mang may maliligaw.
Paglabas ko pa lang ng bahay, kung saan ginanap ang kasiyahan, agad ko ng nakita kung saan ang mga kaklase at ang ibang mga estudyante na imbitado.
Hindi ako takot na malaman nilang katulong ako dahil ito naman ang trabaho ko ngunit ang inaalala ko ay kung ano ang gagawin nila saka-sakaling malaman nila.
Pagtatawanan ba ako? Pero sanay naman akong pinagtatawanan. Mabuti pa noong high school, malaki ang respeto ng mga kaklase ko sa akin dahil sa ugali ko at matalino ako. Hindi din naman mayayaman ang mg schoolmates at classmates ko kaya walang sinoman ang nagtangkang pagtawanan ako pero nang tumuntong ako ng college. Lahat nalang naranasan ko. Pinakanakakainis ay ang araw-araw na pambabastos.
Walang lingon-lingon ma tinungo ko ang lamesa kung ssan ang amo kong lalaki nakaupo.
Malaki ang lamesang 'yun at marami ang nakaupo.
BINABASA MO ANG
Desiring Lavender (Dreamer 1)
RomanceFirst story of the dreamers series R-18 Status: Completed Language: Tagalog - English