"I am going home now," I said after I wash the dishes.
"It's your day off, Lavender," he said as if that can make me stay.
"Dito ka na muna," may diin nitong sabi.
Kinunotan ko siya ng noo. Nakaupo pa rin siya ngayon sa kung saan siya kanina nakaupo. Mukhang aliw na aliw ito na nandito ako.
Naiinis siya kani-kanila lang ngunit ngayon ay mukhang nawala na ang inis niya.
"Ano pa ba ang gagawin ko dito?"
"Matulog?" Tanong nito na parang isa din yun sa dahilan kung bakit hindi ako aalis.
"Natulog na ako. Hindi nga yun normal na pagtulog. Limang oras lang dapat akong matulog-"
"Wait! What?" He asked. Shock was evident on his face.
"Five hours? You only sleep five hours?"
Tumango ako. "Kasi naman, Sir-"
"Isa pang Sir, Lavender!" Iritado nitong putol sa sasabihin ko.
Gustuhin ko mang iikot ang mga mata ngunit hindi ko ginawa. He's still one of my bosses.
Bumalik ulit ako sa kung saan ako nakaupo kanina pagkatapos ay umupo, kaharap na ulit siya.
Nakatingin lang siya sa bawat galaw ko na parang binabantayan talaga ako na hindi makatakas.
Whatever.
"Kasi nga, di ba? Mahirap ako. Ang dami kong kailangang gawin. Wala akong oras sa lahat-lahat, mabuti nga ay may limang oras pa akong inilaan para makatulog," pagpapatuloy ko sa dapat kong sabihin na pinutol niya kasi maiintin ang kanyang ulo.
His eyes soften. "I'm sorry."
Hindi ko na mapigilang mag-ikot ng mga mata. Saan naman siya banda nagkasala? Bakit nag-so-sorry siya? Kasalanan ba niyang ipinanganak akong mahirap?
"What?" Tanong ko nang makita ang biglaan niyang pagngiti.
Habang nadagdagan ang minuto na kasama ko siya ay marami akong napagtanto. He's calm now unlike the past moments we saw each other. He smile and laugh more often now.
"You're rolling your eyes. It's cute, Lavender. It's new you know."
Saang banda ba ang ikinatuwa niya? Ang babaw naman yata dahil lang sa pag-ikot ko ng mga mata.
"Uuwi na talaga ako-"
"Mamaya na. Ihahatid naman kita. Just not now, please. Stay for a while."
Kumunot ulit ang aking noo. At ano naman ang gagawin ko dito?
"Tumayo ka na diyan. Ibibigay ko sa'yo ang bag mong dalawang notebooks at isang ballpen lang ang laman."
Tsaka ko lang naalala ang naiwan ko rito. Mukhang dalawang tote bags yata ang mabibitbit ko pauwi ngayon.
"Mataray ka na talaga simula pa man noon, 'di ba?" Tanong nito nang maglakad siya papasok sa kanyang silid.
Nakasunod lamang ako sa kanya.
"Hindi ka lang mataray, snob ka pa, tahimik palagi, at wala man lang pakialam sa paligid. May sarili ka yatang mundo."
"Wala naman. Sa earth pa naman ako nakatira," sagot ko dahilan ng tawa niya.
It's not a joke, Chris Theodore Montemayor!
Tsk!
"Talaga lang, ha?" Natatawa nitong tanong. Hindi yata naniniwala.
Paano ako magkakaroon ng sariling mundo? Wala nga akong pera pambili ng pagkain at damit, magkakaroon pa talaga ako ng sariling mundo?
"Maghintay ka diyan. Kukunin ko lang sa closet."
BINABASA MO ANG
Desiring Lavender (Dreamer 1)
RomanceFirst story of the dreamers series R-18 Status: Completed Language: Tagalog - English