Kabanata 18

281 3 0
                                    

"You can go home. Kaya ko na si Lennie."

Tiningnan niya ako pagkatapos ay tumango. Umatras ako para bigyan siya ng daan para makalabas siya.

Nang buhatin niya si Lennie kanina ay hindi ko siya pinigilan pa. Hindi ko din naman kayang buhatin si Lennie kaya hinayaan ko na siya.

Looking at him right now, he really look devastated, hurt, and regretful.

"Good night, Lav."

Hindi ko siya sinagot hanggang sa makalabas siya ng kwarto ni Lennie.

Kahit ilang beses man siyang lumuhod sa harapan ko at paulit-ulit na humingi ng tawad, hindi ko pa rin siya mapapatawad. Lalo na ang mga magulang niya.

Nagdusa ako ng ilang taon. Kinukuwestiyon ang sarili, walang kumpyansa sa sarili, at awang-awa sa sarili. Kay dali nilang sabihin ang masasakit na salita pero hindi madaling makalimutan yun. Lahat ng mga masasakit na salita na ibinabato sa akin noon ay nanatili sa isipan ko. Naririnig ko pa rin hanggang ngayon. Nagdudusa pa rin ako hanggang ngayon.

To be called a slut, whore, and prostitute…it was not easy at all. Dahil kailan hindi ko naman ginamit ang katawan para kumita ng pera. Kahit kailan, hindi ko binenta ang katawan.

Pinandidirihan ko ang sarili ko dahil sa tingin nila sa akin. Kahit hindi totoo ang sinasabi nila tungkol sa akin, nandidiri ako sa sarili ko. Pukpok pala ang tingin sa akin. Babaeng mababa ang lipad.

Fuck this life!

Inayos ko muna ang kumot na nakabalot sa katawan ni Lennie bago siya iniwanan.

Alas onse na ng gabi at paniguradong hinihintay na naman ako ni Tatay ngayon dahil sa hindi ako nakapagsabi na gabing-gabi na ako uuwi.

The only man who can love me unconditionally is my father. He's the only man who love me for who I am and he never hurt me, mentally, physically, and emotionally.

Kaya din siguro hindi pa ako nakahanap ng lalaking gusto kong makasama habang-buhay dahil kay Tatay. He set the standard so high that I cannot find any man who is like him.

Paglabas ng unit ni Lennie ay kaagad kong nakita si Theodore na nakasandal sa pader. Nakapikit ang mga mata na animo'y ang daming iniisip. Umayos din naman siya ng tayo nang makita ako.

"Uuwi ka na?"

Hindi ko siya sinagot. Tuloy-tuloy ang lakad ko papuntang elevator. Papasara na ang elevator nang makita ko siyang nakasunod sa akin. Tahimik lang ito sa tabi ko habang pababa ang elevator.

Walang kahit na anong pag-uusap ang nangyari. Ayos na din yun, baka kung ano pang salita ang masabi namin sa isa't-isa, madadagdagan pa ang hinanakit namin sa isa't-isa.

"Take care, Lav."

Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglakad papunta sa sasakyan. Mukhang bumaba lang siya para ihatid ako dito sa parking lot. And I don't need that. Nadagdagan lang ang inis at galit ko sa kanya.

Mabuti at wala ng pasok sa paaralan kinabukasan. Tapos na ang isang school year kaya makakapagpahinga ako. Malapit na din ang pagpunta ko sa kung nasaan man si Avery kaya marami pa akong kailangang gawin. I need to process my papers because it's my first time going about. Funny that at this age, I still don't have a passport and visa.

May came and I just found myself in the airport, waiting my two friends to arrive.

It's my first time outside the country and I am with my friends.

"Lavy! My Lav!"

Kagat labi na tiningnan ko ang papalapit na si Donnalyn. Mas madami pa ang dala niya kaysa sa akin.

Desiring Lavender (Dreamer 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon