Ang akala kong hindi na ako iiyak ng todo dahil matanda na naman ako, hindi pala nangyari. And dami ng iniyak ko ng gabing yun.
Mabuti at natutulog na si Anya nang makauwi ako. Pinagtutulungan nina Marie at Lovely na patulugin.
"Good morning- what happened to your eyes, Ate? Did you cry?"
Paglabas ko ng silid ay yun kaagad ang puna ni Lovely nang sabay kaming lumabas ng kanya-kanyang silid.
"Papasok kang ganyan sa school? I mean…they really are puffed."
"I am wearing my glasses everytime when I am in school."
"Hindi. Makikita pa rin. What do you think with your glasses? Sun glasses? It's clear, Ate. Makikita pa rin ang mga mata mo."
"Then what?! Hindi naman ang mata ko ang magtuturo. Hangga't may boses ako, magtuturo ako."
Bumuntong hininga siya pagkatapos ay nilapitan ako. "It's okay, Ate. Nandito lang kami. Your family is always here."
She showed me her two fists that facing upward. "Fighting!"
Bumaba siya ng hagdanan pagkatapos nun.
"Mabuti at Linggo ngayon, Ate. Mawawala na yan bukas," pahabol niya bago tuluyang nakababa ng hagdanan.
Mabuti nga at Linggo ngayon. Hindi makikita ng mga estudyante ko na galing ako sa pag-iyak. Ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ang kanilang guro. I should be their role model about being strong. I will never show them how weak I am. I should teach, guide, and inspire my students. Not to look pitiful in front of them.
"Huy! Kanina pa kayo?" Tanong ni Donnalyn pagkatapos ay umupo sa harapan ng kung ano man ang gamit niyang gadget.
"Hindi pa naman. I called to tell you all for the fashion week this coming May. I am inviting you all," Avery excitedly clapped her hands.
"Busy ako sa mga panahong yan-"
"Nako, Lav! Huwag mong sabihing doctor-doctor ka ay hindi ka na pupunta. Sa katulad kong single, mga friends lang ang meron ako. Sige na."
"I'm in. I will request a leave just to attend that fashion week, Everly," Veronica said as she's sipping her coffee.
Mukhang kakagising lang. Si Donnalyn ay kakatapos lang maligo. Naka-mute ang mic dahil busy kaka-blow dry sa buhok. Si Avery, mukhang kakadating lang niya sa kung saang hotel man siya ngayon.
"Lav, ikaw?"
"I'll see-"
"Sige na, Lav."
"Okay," I agreed. I feel so defeated.
How can I say no to these ladies here?
"How about you, Don?"
Patuloy pa din si Donnalyn sa kanyang ginagawa. Mukhang hindi pa yata narinig ang mga sinasabi naming tatlo dahil masyado niyang ibinibigay ang oras sa pagpatuyo ng kanyang kulot na buhok. Kulot na ang ganda naman tingnan.
"Is she listening or something?" Avery asked.
"I am listening. Just let me finish this," Donnalyn answered and then muted her mic again.
Yes or no lang naman sagot, gusto pa yatang patagalin.
Napunta na sa kung ano-ano ang usapan. Natuyo na ang buhok ni Donnalyn, naubos na ang kape ni Veronica, at nakaligo at nakabihis na si Avery. Nanatili siya sa video call kahit na wala naman siya sa background.
"Are you okay, Lav? Kanina ko pa napapansin ang namumugto mong mga mata."
"Ayos lang ako, Ica. Pagod lang. Ang daming trabaho," pagsisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
Desiring Lavender (Dreamer 1)
RomanceFirst story of the dreamers series R-18 Status: Completed Language: Tagalog - English