Chapter 1

8.2K 160 31
                                    


Atticus Pov

NAKATAYO ako sa madilim na kalsada habang hinihintay ang taong minamatyagan ko ng tatlong araw. Nakasuot ako ng punit-punit na tshirt at maduming pantalon. Sinadya ko ding sugatan ang sarili ko kaya nagkalat ang dugo sa damit ko. 

Tumingin ako sa kabilang kalsada at nakita ang gago kong kaibigan na si Salem na nagtatago. Siya ang kasama ko sa mission na binigay sa 'kin ni Ruwi. Kailangan kong magpanggap sa mag asawang nakatira dito sa Russia. Magkukunwari akong na aksidente at walang maalala.

Ako ang inatasan ni Ruwi para mabigyan ako ng identification sa pamamagitan ng mag-asawang Koslov. Kailangan ko lang gawing makatutuhanan na wala akong maalala para ampunin ako ng mag-asawang Koslov.

Wala kasi kaming identification documents kaya hindi kami maka kilos. Ito ang naisip ni Ruwi para kahit isa samin ay makakuha. Madami kasi kaming bibilhin. Yung lupang pinapabili ni Ruwi sa babae ay ayaw pumayag, bigla 'tong nag back out. Sa inis ni Ruwi ay pinatay niya ang babae. Akala naman kasi namin ay mapapasunod namin agad. Hindi namin pwedeng hindi patayin ang babae lalo na't binabalak niya na tumawag ng awtoridad para ipadakip kami. Kaya ginawa ni Ruwi ang makakabuti sa grupo.

Tumingin ako sa suot kong relo at agad nag angat ng tingin. Nakita kong sumenyas si Salem na humiga ako sa kalsada kaya agad akong sumunod.
Naglakad ako sa gitna ng kalsada saka ako humiga. Kampante akong walang dadaan dito na sasakyan lalo na't masyadong liblib ang lugar na 'to.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinihintay ang sasakyan ng mag-asawang Koslov. Sila ang mag-asawang walang anak, matanda narin at namumuhay malapit lang dito. Kaya sila ang napili ni Ruwi na gamitin. Wala kaming ibang habol kundi ang magkaroon ako ng identification.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang tunog ng sasakyan. Alam kong sasakyan yun ng mag-asawa kaya napangiti ako.

Nanatili akong naka pikit habang hinihintay ang papalapit na sasakyan. Palapit ng palapit ang tunog ng sasakyan hanggang sa huminto 'to.

Pinapakinggan ko lang ang pagbukas ng pintuan ng kotse nila at ang boses ng babae. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nila dahil nagsisimula palang akong mag-aral ng lenggwahe na ginagamit nila.

Hindi ako gumalaw at hinintay na lumapit sa 'kin ang mag-asawa.

"Bozhe moy! Chto s nim sluchilos." Saad ng matandang babae. (Oh my God! What happened to him.)

Hindi ko iminulat ang aking mga mata at nagkunwaring walang malay. Naramdaman kong hinawakan ako ng mag-asawa na para bang sinusuri ang sugat ko kaya hinayaan ko lang.

Salem's Pov

Pinapanood ko lang ang gago kong kaibigan kung maganda ba ang acting skill niya. Nasa tagong bahagi ako habang pinagmamasdan ang mag asawang Koslov na punong-puno ng pag-alala para kay Atticus.

Kahit matanda na ang mga 'to ay pinagtulungan nilang buhatin ang nagkukunwaring walang malay na si Atticus.

Hindi na muna ako umalis hangga't hindi ko nasisiguro ang plano namin.

Nahihirapan ang dalawang matanda na ipasok ang katawan ni Atticus sa likod ng sasakyan. Napabuga ako ng hangin dahil kanina pa panay ang sigaw ng babaeng matanda sa kanyang asawa.

"Hayy.. kung ako lang ang masusunod, kanina ko pa tinulak ang katawan ni Atticus sa loob ng sasakyan." Saad ko habang pinapanood ang mag-asawa.

Gusto ko na nga sanang lumabas at magkunwari na dumadaan sa kalsada para matulungan sila. Gago naman kasi 'tong si Atticus.  Alam niyang matatanda ang bubuhat sakanya kumain pa ng madami kanina. Tangina!

Ilang sandali lang ay matagumpay na naipasok ng mag-asawang Koslov si Atticus. Nakita ko pang natataranta ang matandang lalaki na naglalakad papunta sa driver seat. Agad na pumasok 'to sa kotse saka pinaharurot ang sasakyan.

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon