Chapter 14

2.9K 98 23
                                    

Atticus Pov

KASAMA ko si Andrei sa haven ko at pinapanood ang babaeng tracker ng isang grupo. Sinusundan namin ang mga kilos niya sa pamamagitan ng mga cctv na nakapaligid sakanya. 

"Satingin mo makakuha tayo ng impormasyon sa babaeng yan?" Tanong ni Andrei sa 'kin. 

"Bakit naman hindi? Eh may ipapagawa ako sa'yo." Sagot ko habang nakatuon ang mga mata ko sa screen ng computer. 

"Anong ipapagawa mo sa 'kin?" Tanong niya habang nakatitig pa talaga siya sa 'kin.

"Kaibiganin mo.  Kaya mo naman siguro lapitan si Verena." Saad ko saka ko siya nilingon.

"Malamang hindi niya kaya yan." Bigla akong napalingon ng biglang sumulpot si Lucifier sa haven ko.

Napangiwi si Andrei saka tumingin sa screen ng computer. "Kung kakaibiganin lang naman, kaya ko. Pero kung paiibigin.. wag na, hindi ko kaya yun." Saad ni Andrei sa seryosong boses.

"Bakit naman hindi mo kaya? Ayaw mo no'n titikim ka." Nakangiting sabi ni Lucifier kaya masama ko siyang tinignan. Demonyo talaga 'to kahit kailan. 

"Ayaw ko! Mamamatay akong virgin, guys! Kahit kailan hindi ako titikim ng amoy bagoong." Nakangiwing sabi ni Andrei kaya mahina akong natawa.

"Masarap yun, gago!" Pamimilit na naman ni Lucifier kay Andrei.

"Tumigil ka ngang hayop ka! Wag mong demunyuhin si Andrei!" Biglang sulpot ni Ruwi sa kwarto namin at binatukan si Lucifier gamit ang martilyo niyang hawak kaya nag tawanan kami ni Andrei dahil nag mukang pako ang ulo ni Lucifier sa ginawa ni Ruwi.

"Siya na ba yung babaeng yun?" Tanong naman ni Ruwi sa 'kin.

"Yes. Si Verena Saxon, 18 years old and tracker ng grupo ng Dagger." Saad ko saka ako lumingon kay Ruwi. "Bakit mo nga pala 'to pinapagawa sa 'kin?" Tanong ko.

"May kailangan ako sa grupo ng Dagger. By the way, nagawa mo na ba ang bracelet na pinapagawa ko?" Tanong niya sa 'kin kaya binuksan ko ang drawer at kinuha ang bracelet na may lamang tracking device. Dalawa yun, isa kay Ruwi at ang isa ay hindi ko alam kung para kanino. Pinagawa lang niya yun sa 'kin bigla.

Inabot ko yun kay Ruwi na agad naman tinanggap. "Thanks," saad niya kaya tumango ako.

Nakita kong tinapik ni Ruwi ang balikat ni Andrei. "Ipagpatuloy mo yang pagiging virgin mo, wag kang gumaya sa hayop na 'to." Sabi ni Ruwi na tinuro pa talaga si Lucifier.

"Tikim-tikim lang naman yung sa 'kin eh," hirit pa ni Lucifier.

"Bigwasan kita eh. Pano nalang kung may babae kang anak sa future ha! Paano kung ang karma ay mapunta sa anak mo. Isipin mo nga.. matutuwa ka ba kung ang anak mong babae ay paglaruan din ng lalaki. Anong mararamdaman mo?" Tanong ni Ruwi. 

Bigla naman naging seryoso ang mukha ni Lucifier. "Magdasal nalang sila sa kahit saang santo dahil papatayin ko sila kapag may nanakit sa anak kong babae sa future kung magka anak ko." Sagot ni Lucifier.

"Kitam.. nagalit ka din, kaya tigilan mo na yang tikim-tikim na yan at baka kamao ko ang lumapat sa mukha mo." Inis na sabi ni Ruwi. 

"Nga pala, may mission ako ngayon kaya baka bukas pa ako makakauwi." Saad ni Ruwi kaya tumango ako. 

"I'll guide you, boss." Seryoso kong sabi kaya tumango si Ruwi saka tinapik ang balikat ko at naglakad palabas ng kwarto. Sumunod naman si Lucifier sakanya na nilalambing na naman ang nag iisa naming babae.

Tinapik ko ang balikat ni Andrei kaya lumingon siya sa 'kin. "Kaibiganin mo lang siya, kahit kunting impormasyon lang ang makuha mo ay ayos na yun." Sabi ko kay Andrei kaya tumango siya.

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon