Salem's Pov
Kanina pa ako naiirita sa babaeng panay ang sunod sa 'kin. Ayaw akong tigilan.
Naglalakad ako ng mabilis habang ang babaeng nakasunod sa 'kin ay mabilis din naglakad. Ayaw ko sanang makasakit ng damdamin ng babae pero talagang sinusubukan ako ng babaeng 'to.
Ang sakit pa naman ng mga tuhod ko dahil pinaluhod kami ni Ruwi sa buhangin. Matapos kaming nakipag rambulan sa resto na kinainan namin ay agad binayaran ni Ruwi ang mga nasira namin.
Nagmamadali din kaming umuwi sa bahay no'n at baka dumating ang mga pulis. Nilinis din ni Atticus ang kuha ng mga cctv at binayaran ni Ruwi ang mga taong nakakita sa pangyayari at tinakot narin namin. Hindi naman kasi aakalain namin na makakahanap kami ng gulo nang gabing yun.
Kaya pagdating sa bahay ay pinaluhod kami ni Ruwi, halos dalawang oras din yun kaya nagkasugat-sugat mga tuhod namin. Maging si Atticus ay pinaluhod din. Tangina talaga!
Napabuga ako ng hangin dahil hindi parin ako tinitigilan ni Scarlett. Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din ang babae.
Lumingon ako sakanya kaya ngumiti siya sa 'kin. "Hi, Salem! Pwede ba tayong sabay umuwi?" Tanong niya.
"No! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ako," seryoso kong sabi.
Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi. "Gusto ko lang naman na magustuhan mo ko," malungkot niyang sabi.
"I already told you na wala akong gusto sa'yo kahit katiting man lang." Deritso kong sabi at wala ng pakialam kahit masaktan ko ang damdamin niya.
"Wag naman ganun, hayaan mo kasing mag usap tayong dalawa. Mag date. I'm sure, magugustuhan mo din ako at magkakaroon ka din ng pagtingin sa 'kin." Sabi niya. Ang tigas ng mukha ng babaeng 'to. Ngayon ko lang hiniling sa buong buhay ko na pumangit ako para hindi na niya ako habulin. Nakakairita na kasi.
"May pagtingin naman ako sa'yo eh," saad ko kaya agad lumiwanag ang mukha niya.
"Talaga?" Nakangiti niyang sabi.
"Oo, nandidilim nga lang ang pagtingin ko sa'yo kaya tigilan mo na ako." Saad ko saka ako tumalikod sakanya at naglakad ulit.
Kinuha ko sa bulsa ng pants ko ang earpiece saka ko 'to inilagay sa kaliwa kong teynga. "Ang pogi mo talaga." Biglang sabi ni Atticus sa kabilang linya.
"Matagal ko ng alam yun. Nasa labas ka na ba ng gate?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Yes. Bilisan mo hakbang mo at baka iwanan kita," sagot niya kaya nagmadali akong naglakad palabas ng gate.
Agad kong nakita ang kotse na Atticus na nakaparada sa gilid ng kalsada. Naglakad ako papunta do'n at agad binuksan ang passenger seat saka ako pumasok.
Nag fist bump kaming dalawa saka niya pinausad ang sasakyan.
"Salamat naman at friday na," sabi ko habang pinapausad ni Atticus ang sasakyan.
"Ano naman kung friday ngayon," sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa daan.
"Walang pasok. Kaya tanghali na ako gigising." Sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.
Lumingo si Atticus sa 'kin saglit saka ibinalik ang tingin sa daan. "Pangit ka na nga dati mas lalo ka pang pumangit ngayon." Sabi niya.
"Ulol! Inggit ka lang sa 'kin. Pag inggit, pikit." Sabi ko kaya pumikit si Atticus habang nag mamaneho kaya gumeywang ang sasakyan namin.
"Hoy gago! Wag ka ngang pumikit, tangina ka! Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo." Inis kong sabi sakanya.
"Sabi mo pikit eh," sagot ng gago saka idinilat ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Crimson Blade Assassination
Action||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala silang maasahan kundi ang isa't-isa. Kaya napagdesisyonan nila na bumuo ng grupo para ipagpatuloy a...