Chapter 26

2.6K 91 11
                                    

Raizen’s Pov

TAHMIK kaming nakamasid sa mga lalaking pumapasok sa loob ng malaking building. Kasama ko si Ruwi na tahimik na umiinom ng kape sa dalang tumbler ni Lucifier. Kasama din kasi namin ang gago pati na si Salem na kanina pa panay ayos sa buhok niya. Nakatingin pa ang gago sa camera ng cellphone niya. 

"Aray, putangina!" Saad ni Ruwi na tinawanan naman ni Lucifier. 

"Sinabi ng mainit ang kape eh," sabi pa ni Lucifier kay Ruwi. 

"May kape bang malamig. Abnoy ka din eh. Sabi mo kanina ilalagay mo sa tumbler para hindi mawala agad ang init." Saad naman ni Ruwi saka binatukan sa ulo si Salem na kanina pa nakatingin sa camera ng cellphone niya. 

"Aray naman, Ruwi! Wag mo nga akong batukan sa ulo at nakaka bobo yun." Nakasimangot na sabi ni Salem.

"Siguraduhin mo lang na mataas ang makukuha mong score sa exam next week. Kundi mananagot ka sa 'kin." Banta ni Ruwi kaya nalukot ang mukha ni Salem.

"Bobo na talaga ako nito. Binatukan mo ako eh," palusot pa ni Salem kaya inambahan ng suntok ni Ruwi. 

"Saglit.." saad pa ni Lucifier habang may tinitignan. Sinundan naman namin ng tingin ang tinitignan niya at nakita namin ang target na si Leo. Siya lang naman ang leader ng sindikato kung saan na nangunguha sila ng mga batang babae sa iba’t-ibang bansa at binebenta sa mga parokyano. Nalaman namin ang gawin niya ng magpanggap si Lucifier na cliente na naghahanap ng babae. Ang gago pa niya dahil talagang kinama niya ang napili niyang babae kaya pag uwi ay sinakal siya ni Ruwi. Mabuti na nga lang at naawat namin dahil kung hindi ay baka pinaglalamayan na namin ang gago. 

"Tamang-tama, dumating na siya." Saad pa ni Ruwi na nakangiti. Halata sa mukha niya na tuwang-tuwa sa pagdating ni Leo. 

"Mamayang gabi pa ba tayo susugod?" Tanong ni Salem.

"Kahit ngayon na tayo sumugod. May pupuntahan pa ako mamaya." Sagot naman ni Ruwi kaya kumunot ang noo ko. Napapansin ko kasi na palagi siyang umaalis sa bahay kahit wala naman siyang mission. 

"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko kay Ruwi. 

"May bibisitahin lang ako." Sagot niya saka tumungga ng kape sa tumbler. 

"Wag mong kakalimutan na birthday ni Caiden ngayong araw. Baka makalimutan mo at ikaw lang yung wala." Saad ni Salem. 

"Oo na. Hindi ko naman nakakalimutan yun. Uuwi din naman ako agad." Saad ni Ruwi saka tumayo sa pinagtataguan namin. 

"Bakit ka tumayo? Baka makita ka sa cctv diyan!" Saad pa ni Lucifier na hinawakan pa ang kamay ni Ruwi at agad na hinila pababa. Ngunit matigas si Ruwi at sinipa ang binti ni Lucifier. 

"Ayaw ko ng magtago. Tara na! Gusto ko na makipaglaro." Saad ni Ruwi na naunang naglakad samin. 

Narinig ko ang pagtikhim ni Atticus na sa suot kong earpiece. "Goodluck mga gago!" Saad niya sa kabilang linya. Alam ko naman na naririnig din yun nila Lucifier at Salem dahil napakamot sila sa likod ng kanilang ulo. 

Sino ba namang hindi kakabahan eh wala kaming dalang armas na kahit ano. Siraulo talaga 'to si Ruwi eh. Tanging dala lang namin ay ang maskara namin. 

"Tara na! Sumunod na tayo sa leader natin." Saad pa ni Lucifier na sumunod kay Ruwi. Sumunod din kami ni Salem at mas lalo kaming naging alerto sa paligid. 

Nakasunod lang kami kay Ruwi hanggang sa makaratng kami sa labas ng building. Deri-deritso lang ang lakad ni Ruwi hanggang sa makita kami ng anim na lalaki na nakabantay sa labas. Akmang huhugot sana sila ng baril ng mabilis na tinakbo ni Salem at Lucifier ang mga lalaki at sinipa at pinagsusuntok. Kami naman ni Ruwi ay deri-deritso lang ang lakad namin dalawa papasok ng entrance. 

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon