Chapter 12

3K 107 8
                                    

Nuroi's Pov

HINAHABOL namin ang lalaking nakatakas sa basement. Kasama ko si Raizen at Caiden sa loob ng sasakyan. Si Ruwi naman ay gumamit ng ibang kotse habang si Atticus ay nasa bahay at tinitignan kung nasaan na ang location ng lalaki.

Kailangan namin siya mahanap at mapatay at baka masabi niya sa ibang myembro ng grupo niya ang location namin.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan habang si Raizen ay tahimik na nakaupo sa shotgun seat.

"Putanginang lalaking yun! Babalian ko siya ng leeg kapag nahuli natin siya." Galit na sabi ni Raizen. May sugat siya sa kanyang braso ngunit hindi man lang niya iniinda yun.

"Hayaan mo na. Mahahanap din natin ang gagong yun." Pagpapakalma ni Caiden kay Raizen. 

"Hindi ko makuhang kumalma lalo na't dahil sa 'kin ay nakatakas ang gagong yun." Galit na sagot ni Raizen. Hindi na lamang ako sumagot at baka bugahan pa niya ako ng apoy. 

"Tumungo kayo sa Yekateri Street." Saad ni Atticus sa earpiece ko. 

Agad kong kinabig ang manibela at dumaan sa isang kalsada na papunta sa Yekateri.  

"Si Ruwi? Alam mo kung nasaan?" Tanong ni Caiden kay Atticus sa kabilang linya.

"Nawawala na naman siya. Mukhang hinubad na naman niya ang necklace niya," sagot ni Atticus.

"Ang kulit talaga ni Ruwi." Inis na sabi ni Caiden na may halong pag-aalala.

"Matigas talaga ulo no'n." Sagot naman ni Atticus.

"Kailan ba lumambot ulo no'n." Sabat ko na sa usapan.

"N'ong baby lang siya," walang buhay na sabi ni Raizen. 

Unti-unti ay nakarating kami sa Yekateri. Sinabi ni Atticus ang iksaktong lugar ng lalaki kaya agad namin hinanap yun. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Bumaba ako ng kotse maging si Caiden at Raizen habang suot namin ang mga maskara. 

Nakahanda ang baril ko at agad namin tinungo ang mga kabahayan para halughugin. 

"Maghiwalay tayo mga gago," saad ni Caiden. Tumango lang kami ni Raizen. 

Ngahiwalay kaming tatlo, mag-isa kong tinatahak ang tahimik na eskinita habang hawak ang baril. 

Ngunit wala man lang akong makitang tao. Ni wala akong makitang dumadaan dito, masyadong tahimik ang lugar.

"Wala dito, Atticus." Saad ko.

"Bumalik ka muna sa kotse. Sila Caiden at Raizen ang maghahalughog. Abangan mo baka may dumaan na kahinahinala." Utos sa 'kin ni Atticus.

Sinunod ko naman ang utos niya at bumalik sa nakaparadang kotse namin. Binuksan ko ang pintuan ng driver seat saka ako pumasok para naman hindi matakot sa 'kin ang mga taong dadaan at makita akong nakasuot ng maskara.

Nakamasid lang ako sa labas ng bintana at hinhintay bumalik ang dalawa kong kaibigan. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik si Caiden. 

Tinungo niya ang kotse saka niya binuksan ang pintuan ng back seat at pumasok. Tinanggal niya ang suot niyang maskara saka bumuga ng hangin. "Wala akong nakita sa pinuntahan ko." Saad ni Caiden.

"Si Raizen, Atticus?" Tanong ko kay Atticus dahil hindi pa siya nakabalik.

"Sandali, hindi ko makita si Raizen." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Bigla siyang nawala. Sundan niyo si Raizen." Utos ni Atticus kaya mabilis kaming lumabas ng sasakyan habang sinusuot ang maskara. 

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon