Chapter 35

2.5K 96 26
                                    

Ruwi’s Pov

NANDITO ako sa harap ng apartment ng minamahal ni Thaddeus. Kasama ko si Salem at Lucifier na ayaw akong tantanan sakaka sunod sa 'kin. Siguro ay ayaw nila akong iwanan dahil sa ginawa ko kahapon. Kaya kahit pagligo ko ay binabantayan nila ako.

Nasa passenger seat ako nakaupo habang si Lucifier ang nasa driver seat at si Salem ay nasa back seat. 

"Ano bang ginagawa natin dito, Ruwi?" Tanong ni Salem sa 'kin.

"Gusto ko sanang kausapin ang babaeng mahal ni Thaddeus. Pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Baka mag tanong siya kung nasa'n si Thad. Anong isasagot ko?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan.

Narinig ko naman na bumuntong hininga si Lucifier saka hinaplos ang buhok ko. "Bakit mo ba nakilala ang lalaking yun? Bakit hindi namin alam." Tanong sa 'kin ni Lucifier.

"Naging magkalaban kami. Hindi ko din alam kung bakit naging close ko ang gagong yun. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakikipag tulungan sakanya." Sagot ko dahil hindi ko din alam kung bakit ba kami naging magkaibigan ni Thad. Basta ang alam ko lang ay nasanay ako na kasama ko siya sa lahat ng mission na ginagawa ko. Nagiging anino ko siya sa lahat ng ginagawa ko. Kaya masakit para
sa 'kin  na mawala si Thaddeus pati na din si Hale. Nasanay ako na kasama ko sila at binibisita kapag hindi ako busy. Sanay din ako makipag inuman sakanila kaya kinakain ako ng lungkot. 

"Anong bang pwedeng sabihin mo? Dapat sabihin mo na sakanya ng totoo na wala na si Thaddeus. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag tinago mo pa sakanya ang totoong nangyari sa lalaking mahal niya."  Saad ni Salem. 

Hindi ako nakasagot dahil tama si Salem. Kailangan ko talagang sabihin ang totoo para hindi na siya umasa na babalik pa si Thad. Bumuntong hininga ako at napatingin sa harap ng may makita akong kotse na huminto sa harap ng apartment. Wala namang kakaiba dahil nag park naman sa gilid ang sasakyan. May lumabas din na babae at lalaki na sa hula ko ay mag-asawa. 

Nakasunod lang ang tingin ko sa mag-asawa hanggang sa nakapasok na sa apartment. Naramdaman ko naman na kinalabit ako ni Salem sa balikat kaya lumingon ako sakanya. "Anong plano mo?" Tanong sa 'kin ni Salem.

"Hindi ko pa alam. Balak kong suportahan ang panganganak ng babae at pati na din ang pag-aaral ng bata kapag lumaki." Saad ko saka hinilot ang sintido ko. "Pwede ba kitang utusan, Lucifier?" Tanong ko sa aking kaibigan.

“Oo naman. Ano yun?” Tanong niya
sa 'kin saka kumuha ng sigarilyo na nasa leather jacket niya. 

"Pwede ka bang mag grocery para sa babae. Sabihin mo nalang na nanalo siya ng promo sa isang grocery store." Sabi ko kaya natawa siya. 

"So, tutulungan mo siya na hindi nalalaman ng babae?" Tanong sa 'kin ni Lucifier.

"Parang ganun na nga. Baka hindi ko muna sabihin sakanya ang nangyari kay Thad. Baka ma stress siya kapag nalaman niyang patay na ang boyfriend niya. Ayaw kong mapahamak silang mag-ina kaya mas mabuti na siguro ang ganito muna." Sagot ko kay Lucifier. 

"Sige. Masusunod ang gusto mo. Ano pang iuutos mo?" Tanong ulit ni Lucifier.

"Yun na muna. Uutusan ko si Kier para siya ang magbantay sa babaeng mahal ni Thad." Sabi ko kaya tumango siya.

"Magandang idea yan. Ang tanong..  papayag ba si Kier? Alam niyo naman yun walang ka interest-interest sa mission ang taong yun. Mas gusto pang mag experiment." Sabat ni Salem sa usapan namin. 

"Kakausapin ko siya mamaya," saad ko na lamang. Binuhay naman ni Lucifier ang makina ng sasakyan at agad na pinausad. 

Umayos ako ng upo saka bumuga ng hangin. Bigla ding kumirot ang sugat ko kaya hinaplos ko yun. "Kumikirot ba sugat mo?" Tanong ni Lucifier habang palipat-lipat ng tingin sa ‘kin at sa daan.

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon