Chapter 22

2.5K 100 10
                                    

Ruwi’s Pov

NAGAWA ko na ang misyon ko sa Pilipinas at plano kong bumalik na ng Russia. Ngunit ang gagong kasama ko ay niyaya akong kumain sa restaurant. Hindi ko lang alam kung sino ang magbabayad samin dalawa.

Kumakain ako habang panay ang tingin ko sa paligid ng restaurant. Hindi naman ako nagagandahan pero na we-weirduhan lang ako sa design. Habang ang isa kong kasama ay aliw na aliw at walang pakialam. Naka focus siya sa pagkain kaya napa irap ako at pinagdarasal na sana ay mabilaukan siya. 

Napangiti ako ng makita ko si Thaddeus na umubo dahil sa sunod-sunod niyang subo. Binelatan ko siya at inilayo ang baso na may lamang tubig. Masama naman na nakatingin  sa 'kin si Thaddeus. Ngiting aso lang ang ginawa ko saka ako sumubo ulit ng pagkain.

Natapos kaming kumain at agad kong binayaran ang kinainan namin. Si Thaddeus naman ngayon ang ngiting aso dahil nakasimangot ako sa laki ng bill namin. Ako kasi ang nagbayad dahil nahulog daw ang wallet niya. Sana nga mawala na talaga ang wallet niya para makarma siya.

Nauna akong lumabas ng restaurant habang nakasunod naman sa ‘kin si Thaddeus na naririnig ko na busog na busog daw siya. 

Deri-deritso akong naglakad papunta sa parking lot ng restaurant at tinungo ang kotse. Hinagis ko pa kay Thaddeus ang susi para siya magmaneho. 

Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ako pumasok sa loob ng kotse. Hinintay ko lang na makapasok si Thaddeus para makaalis na kami. Papunta kasi kami sa airport, ngayon ang alis namin.

Pumasok sa kotse si Thaddeus habang sumisipol. Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad. Tahimik lang akong nakaupo habang nakatingin sa bintana ng kotse. Tahimik din ang kasama ko hanggang sa narinig ko siyang dumaing kaya nilingon ko ang gago.

"Anong nangyari sa'yo?" Kunot noo kong tanong. 

"Natatae ako, mareng Ruwi." Sabi niya sa 'kin na hindi man lang nahiya. Ang kapal talaga ng mukha ng hayop na 'to. 

"Ang takaw mo kasi. Ang dami mong inorder." Saad ko habang nakatingin sa harap.

"Hindi ako kumain kagabi, mare. Fasting ako diba!" Sagot niya kaya inirapan ko. Nag fa-fasting nga siya pero pag oras naman ng kain niya ay parang two weeks na hindi pinakain. 

"Hahanap lang muna ako ng public toilet. Hindi ko na kaya eh, hindi na ako aabot sa airport para do'n tumae." Sabi pa niya na halatang na ta-tae na. Gusto ko na tuloy siyang tuluyan pero naisip ko ang mag-ina niya kaya nag bago na ang isip ko.

Naghanap na muna ng banyo si Thaddeus habang namimilipit sa sakit ng tiyan. May napag tanungan siya at itinuro sakanya kung saan pwede siyang maglabas ng sama ng loob. 

Tinungo namin yun hanggang sa mapadpad kami sa tahimik na lugar. Nakita naman ni Thaddeus ang sinasabing public toilet na pinag tanungan niya kaya dali-dali niyang iginilid ang sasakyan at pinatay ang makina.

Ngunit hindi pa kami nakalabas ng kotse ng may marinig kaming tunog ng kotse. Maingay yun na para bang may hinahabol. Kumunot agad ang noo ko at inaabangan ang kotse na maingay. Tumingin ako sa rear view mirror at nakita ang isang lalaki na tumatakbo sa gitna ng kalsada. Malayo siya mula dito sa pwesto namin ni Thaddeus pero nakilala ko agad ang lalaki. Siya yung lalaki na nagkunwaring taxi driver samin ni Thad. 

Nakita ko na may sumusunod sakanya na sasakyan at nakita na may lalaking naka labas ang katawan. Nakahawak din 'yon ng baril at parang tinatarget niya si Hale na tumatakbo palayo sakanila. 

Ang akala ko ay patungo si Hale sa pwesto namin ngunit lumiko ang lalaki sa ibang way kaya sumunod sakanya ang kotse. Naririnig ko din ang putok ng baril na malamang ay si Hale ang pinapaputukan.

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon