Chapter 33

2.4K 101 46
                                    

Ruwi’s Pov

KINUHA ko ang ulo ng lalaki at inilagay sa malaking kumot. Maging ang putol-putol na katawan niya ay inilagay ko din saka ako lumabas ng hotel room. Naliligo ako ng dugo mula sa lalaking tinadtad ko at halos hindi na makilala ang mukha ko dahil natatakluban na ng dugo. 

Tinungo ko ang elevator habang dala-dala ang kumot na tumutulo pa ang dugo dahil sa katawan ng tinadtad ko. Hawak ko din ang katana dahil alam kung may naghihintay
sa 'kin sa ground floor tulad ng sabi ni Atticus. Inihanda ko na ang sarili ko dahil alam kung napapalibutan nila ako ngayon. Tanggap ko na kung mamatay man ako ngayong gabi. Ang mahalaga ay napatay ko ang lalaking pumatay kay Thaddeus at Hale. 

Pumasok ako sa elevator at agad na sumara ang pinto no’n. Huminga ako ng malalim dahil pagod na ang katawan ko. Hindi lang katawan ko ang pagod at parang gusto ng bumigay dahil kanina pa ako pumapatay ng tao. 

Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad akong naglakad palabas. Bumungad agad sa ‘kin ang mga lalaking nakasout ng black suit at may mga hawak na espada. Mukhang tama nga ang sabi ni Atticus  kanina sa 'kin, maraming naka abang sa ground floor.

Mabuti nalang at mahilig sila sa katana. Mag e-enjoy ako ngayong gabi sa pakikipag laban. Binitiwan ko ang hawak kong kumot sa sahig kaya bumaba ang tingin nila do'n. Ngumiti ako saka ko sinipa ang kumot kaya nagsitalsikan ang iba't ibang parte ng lalaking pinatay ko kanina. Tumalsik yun sa mga kalaban ko na nagsi ilagan. Agad akong tumakbo papunta sakanila habang hawak ko ang katana na kanina pa naliligo ng dugo. Agad kong pinutol ang ulo ng lalaki nasa harapan at agad  na sinunod ang mga lalaki na nasa paligid. Sabay-sabay silang umaatake sa 'kin ngunit hindi ko sila inilagan. 

Sinubukan ko pang dukutin ang mata ng lalaking gigil na gigil akong patayin. Matagumpay ko naman na nagawa yun at agad na inilapit ang hawak kong eyeball sa isa pang lalaki na umaatake sa 'kin. Naisubo ko sa bibig niya ang mata kaya napaatras siya saka iniluwa ang nasa bibig niya. Wala akong sinayang na oras at agad siyang pinatamaan sa tiyan kaya natumba ito sa sahig. Ang lalaki naman na dinukutan ko ng mata ay nagsisigaw habang sapo ang kanyang mata. Tumakbo ako palapit sakanya at sinaksak siya sa ulo. Agad ko din hinugot ang katana ko ng sabay-sabay na sumugod sa 'kin ulit ang mga kalaban. 

Wala akong ginawa kundi salagin ang mga atake nila at minsan ay natatamaan na din ako pero hindi ako dumaing. Hindi din ako tumigil sa pag atake sakanila. Magkamatayan na!

Habang nakikipagsabayan ako sakanila ay may nakita akong dalawang lalaki na nakatayo sa harapan ko at para bang pinapanood ako. Natigil ako sa pag atake at hinayaan lang ang mga kalaban ko na tinatamaan ako ng mga sandata nila. 

"Thaddeus.. Hale.." tawag sa dalawang lalaki na nasa harapan ko na pinapanood ako. Nakita ko na ngumiti si Thad at Hale kaya napaluha ako at hindi kumurap dahil baka mawala sila sa paningin ko. "Hale.. Thadd.." tawag ko ulit sakanila at wala ng pakialam sa sugat na natatamo ko mula sa mga kalaban ko. 

Humakbang ako para sana lapitan ang dalawa kong kaibigan at halos itaas ko ang isa kong kamay na para bang inaabot sila. Ngunit napatigil ako sa paghakbang at napangiwi sa sakit ng saksakin ako ng lalaki sa tagiliran. Kasabay no'n ay naglaho si Thad at Hale sa kinatatayuan nila kanina na para bang hangin. 

"T-Thad.. H-Hale.." sambit ko ulit sa pangalan ng dalawa kong kaibigan. Mas lalo lang diniinan ng lalaki ang pagkakasaksak sa tagiliran ko kaya pinilit kong tumingin sakanya kahit nahihirapan na ako. Itinaas ko ang kamay ko at mabilis na dinukot ang mata niya kaya nabitawan niya ang espada na nasa tagiliran ko. Pagod na pagod na ang katawan ko at handa na akong bumagsak sa sahig ng may marinig akong malakas na daing ng mga lalaki at ang biglang pagsalo sa katawan ko.

Nakita ko agad ang mukha ni Salem at agad akong sinalo na dapat sana sa sahig ang bagsak ko. Nakita ko din si Lucifier, Raizen at Theo na pinalibutan ako. Sinubukan ko pang umalis sa mga bisig ni Salem dahil gusto kong habulin si Thad at Hale. Gusto ko pa silang makita sa huling pagkakataon. Ayaw kong kumurap dahil baka mawala sila sa paningin ko.

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon