Aizen’s Pov
WALA kaming magawa ngayong araw kaya naisipan namin maglinis nalang ng bahay. Pabalik na din kasi si Ruwi dito at baka mapagalitan pa kami na makalat ang bahay. Kung sa iba ay armalite ang bibig kapag galit pwes si Ruwi hindi, baril talaga ang gagamitin samin kapag naglit siya.
Kasama ko si Kier at tinutulungan niya ako magwalis. Kanya-kanya kami ng ginagawa pwera nalang kay Salem na siyang taga utos samin. Napilayan kasi ang gago dahil sa panghahamon niya sa grupo nong nag inuman kami.
Hindi nga niya alam ang nangyari kinabukasan at ang naalala lang daw niya ay sinabihan lang daw niya na mga pangit ang mga tambay. Nagtampo pa samin ang loko dahil hindi man lang daw namin siya tinulungan.
“Kuya Aizen… mali naman yang walis mo eh,” reklamo sa 'kin ni Kier.
“Eh sa'n ba kasi dapat? Ako papunta sa left side, ikaw naman papunta sa right side.” Sagot ko naman sa bunso namin.
Masama naman niya akong tinignan dahil hindi namin alam kung saan ba talaga papunta ang winawalis namin.
“Dilaan niyo nalang yang winawalis niyo mga pangit!” Sigaw ni Salem samin ni Kier.
“Ikaw yung pangit!” Sigaw ko kay Salem na nakaupo sa rattan chair. Sumenyas nalang ako kay Kier na sa left side na at para do'n na damputin.
Nagkasundo kaming dalawa at tuluyan namin natapos ang pagwawalis. Naririnig ko naman si Lucifier mula sa kusina na panay ang sigaw dahil pinapagalitan na naman niya si Nuroi. Nagluluto kasi sila ng pagkain para pagdating ni Ruwi ay may nakahanda na, pero yung kasama ni Lucifier na magluluto ay paniguradong highblood ang aabutin ni Lucifier.
Si Isaac, Raizen at Caleb ay nasa gilid ng field at inaayos ang kalat namin do’n kagabi. Habang si Theo naman ang nakatoka ngayon para maglaba ng mga kurtina sa buong bahay. Si Levi naman ang naglinis ng kwarto ni Ruwi at si Caiden at Andrei ay pumunta ng grocery dahil paubos na ang stock namin.
Tumutulong kanina si Atticus pero hindi na namin pinayagan para tutukan niya ang pagdating ni Ruwi. Habang si Eros naman ay nasa garahe naglilinis.
Ganito kami kapag parating si Ruwi sa bahay at galing siya sa mission. Hindi na muna kasi tumanggap ng client si Atticus habang wala pa si Ruwi.
Natapos kami ni Kier at agad akong lumapit kay Salem na parang tanga habang upo. Upo nalang ako sa sahig habang nakatanaw sa mga halaman na kami din ang nagtanim. Naalala ko pa nong bago kami lumipat dito sa bahay. Yung mga tanim namin ngayon ay halos nakaw lahat ng gagong si Salem. Mabuti nga at hindi namatay eh.
“Ikuha mo nga ako ng tubig, julalay.” Saad ni Salem na inangat pa ang kamay at para akong binubugaw na hayop.
“Lunurin kita sa tubig, gusto mo?” Tanong ko sakanya.
“Sige na, kuhaan mo na ako. Masakit katawan ko eh. Hindi talaga kayo totoong mga kaibigan dahil pinabayaan niyo talaga ako makipaglaban.” Tampo na naman niyang sabi.
Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig dahil naalala ko pa kung paano ako nag cheer sa mga kalaban ni Salem. Hindi lang naman ako dahil pati si Raizen ay do’n sa kabila panig at binigyan pa talaga niya ng kutsilyo ang isa sa kalaban ni Salem.
Hindi na nga lang namin sinabi dahil sigurado akong magtatampo ang pangit na 'to. Ikukuha ko na sana ng tubig si Salem ng biglang sumulpot si Lucifier at may dalang isang basong tubig.
“Oh gago..” saad pa niya kay Salem.
“Thanks, buddy.” Nakangiting sabi ni Salem. “Ang sarap pala maging baldado, marami akong utusan.” Sabi pa ng gago.
BINABASA MO ANG
Crimson Blade Assassination
Action||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala silang maasahan kundi ang isa't-isa. Kaya napagdesisyonan nila na bumuo ng grupo para ipagpatuloy a...