Raizen’s Pov
MATAGUMPAY kaming naka labas ng hotel kung saan namin sinagip si Ruwi. Dala din ni Eros ang ulo na tinadtad ni Ruwi kanina. Alam namin na hahanapin niya yun kapag nagising siya mamaya.
Si Lucifier naman ngayon ang karga-karga si Ruwi dahil ang gagong si Salem ay masakit daw ang likod. Pero wala namang ginawa kundi ang pomorma ng hayop. Ewan ko ba kung bakit sumama pa ang loko eh walang ginawa kundi patawanin ang mga kalaban. Kaya habang nakikipaglaban kami kanina ay nilipat niya kay Lucifier si Ruwi.
"Baka nabibigatan ka na kay Ruwi, bud? May sugat pa naman ang braso mo." Sabi ni Caleb kay Lucifier.
"Hindi pa naman. Basta para kay Ruwi." Sagot naman ni Lucifier saka pinauna namin siyang pinapasok sa loob ng sasakyan. Buhat-buhat parin niya ang walang malay na si Ruwi dahil sa tinarak ni Salem sakanya. Mas mabuti na yun para hindi na siya umiyak pa. Nasasaktan ako sa iyak niya at alam kong pati ang mga kaibigan ko ay nasasaktan din.
Nakasakay na kami lahat habang si Caiden na ang nagmaneho ng sasakyan. Lahat kami ay sugatan ngunit tiniis namin para mailigtas si Ruwi. Ipinikit ko ang aking mga mata sa pagod na nararamdaman ko. Muntik na kaming mahuli ng dating. Muntik ng mawala ang nag-iisa naming babae.
Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon si Ruwi na mahimbing na natutulog. Inayos ko ang earpiece ko para tawagan si Atticus at baka may mga kalaban na naka abang samin.
Tinawagan ko ang kaibigan ko na agad naman sumagot. "May mga kalaban ba na nakaharang?" Tanong ko para makahanda kaming lahat.
"Safe lahat. Bilisan niyo lang. Dumating na ang leader ng Dark Dagger sa bansa. Nalaman na niya ang pagpatay ni Ruwi sa kanang kamay niya." Sagot ng kaibigan ko.
"Subukan lang niyang lumapit kay Ruwi. Dadaan muna siya sa bangkay namin bago niya masaktan si Ruwi." Sagot ko habang nakahawak ng mahigpit sa hawakan ng espada. Agad kong pinatay ang tawag at naging alerto sa paligid.
Ngunit hanggang sa nakarating kami malapit sa bahay ay walang humarang. Nakahinga ako ng maluwag dahil safe kaming nakauwi sa bahay.
Ipinasok na muna ni Caiden ang sasakyan sa loob ng gate. Sakto din na lumabas si Atticus sa bahay at agad na lumapit sa sasakyan namin. Umikot pa siya papunta sa kaliwang pinto ng sasakyan saka niya binuksan ang pintuan. Agad niyang kinuha si Ruwi mula kay Lucifier at binuhat si Ruwi papasok ng bahay. Sumunod naman aagd kami lalo na si Salem na siyang gagamot kay Ruwi.
Nang makapasok kami sa bahay ay nakita namin si Atticus na pumasok ng kwarto ni Ruwi.
"Kumuha ka ng tubig at malinis na towel, Aizen." Utos ni Salem kay Aizen.
Agad naman tumalima ang kaibigan namin at pumunta ng kusina. Sumunod din ako kay Salem sa kwarto ni Ruwi. Maging si Lucifier at iba ko pang kaibigan ay pumasok din. Alam kung lahat kami ay nag-aalala sakanya.
Nang makapasok kami sa kwarto ay nasa kama na si Ruwi. Lumapit agad si Salem at pinunit ang suot ni Ruwi na pang itaas. Sanay na kami na makita si Ruwi na naka bra dahil minsan ay lumalabas siya ng kwarto niya na naka bra. Maging nong nasa poder kami ni Rodjan ay talagang nakikita na namin siyang nakasuot lang ng bra.
Umupo si Salem sa gilid ng kama at sakto din na dumating si Aizen dala ang utos ni Salem. Mukhang malalim ang pagkakasaksak kay Ruwi kaya napaka seryoso ni Salem. Tahimik lang kami na pinapanood si Salem. Walang nagsasalita samin.
"Anong gagawin natin? Sigurado ako pag nagising si Ruwi ay magluluksa na naman siya." Saad ko saka ako lumingon sa mga kaibigan ko.
"Kailangan lagi siyang samaahan. Baka may gawin siya sa sarili niya." Sagot ni Caiden na umupo sa sahig at bumuga ng hangin.
BINABASA MO ANG
Crimson Blade Assassination
Action||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala silang maasahan kundi ang isa't-isa. Kaya napagdesisyonan nila na bumuo ng grupo para ipagpatuloy a...