Salem's Pov
NAPAGALITAN ko kanina si Ruwi dahil sa pag alis niya kanina na alam naman niyang presko pa ang mga sugat niya. Na back to you pa ako kanina dahil binaligktad niya at ako ang pinagalitan dahil bagsak ako sa exam.
Na hambulos pa tuloy ako ng baril kanina. Mukhang magaling na siya dahil nahampas niya ako ng malakas. Kaya nandito ako ngayon sa kusina at dinadampian ko ng ice bag ang makinis kong pisngi. Loko talaga yung Ruwi na yun, nilagyan ako ng pasa. Pasalamat nalang talaga ako at hindi ako nilagyan ng black eye sa mata.
"Ano? Mag yabang ka pa sa susunod." Biglang sulpot ni Lucifier sa likod ko.
Mahina akong natawa dahil may black eye din siya sa pisngi. Nahuli kasi siya ni Ruwi na may ka sex kaya ayan, binigyan din siya ng award ni Ruwi.
"Pangit mong gago ka," saad ko habang na iiling pa.
"Humanda talaga sa 'kin si Eros sa panlalaglag niya sa 'kin kay Ruwi." Galit na sabi ni Lucifier habang inaagaw ang hawak kong ice bag.
"Ruwi oh.. May binabalak na masama si Lucifier kay Eros." Sigaw ko dahil nasa sala lang naman si Ruwi.
"Manahimik kayong dalawa dyan!" Sigaw na sagot ni Ruwi kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
"Maghanda na tayo sa gagawin nating mission, gago." Saad ko kay Lucifier.
"Geh. Ayusin mo yang mukha mo. Pangit mo eh," pang aasar niya sa 'kin saka nagalakad palabas ng kusina.
"Pangit daw. Eh ako nga ang pinagpala sa lahat, wengya!" Saad ko saka sumunod kay Lucifier na lumabas ng kusina.
Nakita ko pa si Ruwi na nakaupo sa pang isahang upuan habang masamang nakatingin sa 'kin. Wengya! Ang gwapo ko talaga, laging center of attraction ang mukha ko. Kaya hindi ko talaga masisisi na maraming humahanga sa 'kin sa school eh. Lakad ko palang nahimatay na sila sa kagwapuhan ko.
Dumeritso nalang ako sa kwarto ko at baka mabato ako ni Ruwi ng kutsilyo niyang hawak. Wala pa naman siya kaluluwa. Masamang elemento talaga ang kaibigan ko.
Pumasok ako sa kwarto at agad na nagbihis. Nag suot na din ako ng hoodie jacket at kinuha ko ang puting maskara. Lumabas naman ako ng kwarto at baka hinihintay nila ang katulad kong gwapo.
Kasama ko kasi sa mission ay si Lucifier, Raizen at si Nuroi. Ako lang talaga ang pinaka gwapo samin. Kaya mamaya sila lang uutusan kong umatake. Mahirap na, baka masugatan ang gwapo kong mukha. Balak ko pa naman mag audition bilang artista dito sa Russia. Ngunit sabi sa 'kin ni Raizen ay baka sa gate palang daw ay hindi na daw ako papasukin. Mukha daw kasi akong kriminal. Inggit talaga ang gagong yun sa 'kin eh. Palibhasa kasi lamang ako ng tatlong paligo sakanya.
Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita ko ang tatlo kong mga kasama sa mission. Nando'n parin si Ruwi na nakaupo parin sa pang isahang upuan.
"Bantayan niyo yan si Lucifier ha! Dapat sabay kayong apat umuwi at walag liliko, lalo ka na Lucifier." Saad ni Ruwi sa galit na boses.
"Ako, Ruwi.. hindi mo din ba ako pagsasabihan ng ganyan? Alam mo naman, gwapo din ako. Baka may kumindat sa 'kin, mahirap na." Sabat ko sa usapan.
"Kung may kikindat man sa’yo ay yung kirat lang. Kaya wag ka ng mahangin dyan at baka masapak na naman kita." Banta niya sa 'kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
Tinapik lang ni Lucifier ang dibdib ko kaya lumingon ako sakanya. "Halika na, pangit." Aya niya sa 'kin kaya masama ko siyang tinignan.
Lumabas kami ng bahay at tahimik na tinungo ang garahe. Nang makarating kami sa harap ng kotse ay binuksan ko ang pintuan ng back seat saka ako pumasok. Sumunod din naman sa ‘kin si Nuroi, habang si Raizen ang driver dahil mukha naman siyang driver. Si Lucifier naman ay nasa passenger seat at inaayos ang hawak niyang mga baril at inabot niya sa 'kin ang isa.
BINABASA MO ANG
Crimson Blade Assassination
Acción||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala silang maasahan kundi ang isa't-isa. Kaya napagdesisyonan nila na bumuo ng grupo para ipagpatuloy a...