Atticus Pov
BAWAT iyak na naririnig ko kay Ruwi ay tumatayo ang balahibo ko. Ito ang unang beses na umiyak siya ng ganito. Nakakakilabot ang iyak niya. Habang pinapakinggan ko ang iyak niya ay nadudurog ang puso ko dahil alam kung nasasaktan siya. Bawat sigaw niya habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ni Thaddeus at Hale ay alam kong maghihiganti si Ruwi.
Pinapanood ko lang siya mula sa monitor habang hinhila niya ang kwintas ni Hale. Pinapanood ko siya habang hinihila ang malamig na bangkay ni Thaddeus at pinagtabi niya ang dalawang bangkay.
Nakatitig lang ako sa mukha ni Ruwi at nakikita ko kung gaano siya nasasaktan. Gusto ko sana siyang yakapin ngayon ngunit wala siya sa harap ko. Kailangan kong sundin ang utos niya na tanging ako lang ang makakaalam na may dalawa pa siyang kaibigan sa labas ng grupo namin. Patunay na ginagalang ko ang leader namin.
Nakita kong niyakap ulit ni Ruwi ang dalawang bangkay ng kaibigan niya saka niya 'to pinatakan ng halik noo ni Thad at Hale.
Agad akong naging alerto ng makita kong ibinalik ni Ruwi ang earpiece sa kaliwa niyang tenga. Alam kung tatawagan niya ako para makuha ang information ng mga pumatay kay Thaddeus at Hale. Nagawa ko pang ire-retrieve ang cctv na inilagay ni Ruwi sa apartment nila Hale at Thad. Ayaw kong ibigay kay Ruwi dahil maririnig niya kung paano kinatay si Thad at alam kong magiging halimaw si Ruwi kapag napanood niya yun. Ayaw kong mangyari yun. Ayaw kong kainin ng galit si Ruwi at hindi na marunong maawa.
"Atticus.." sambit ni Ruwi sa kabilang linya. Humugot ako ng malalim na hininga upang ihanda ang sarili ko. Sa boses pa lang ni Ruwi ay nakakatakot na.
"Yes, boss Ruwi?" Magalang kong sagot sakanya.
"Kailangan kong makita ang footage, Atticus. Ipadala mo sa 'kin ngayon din." Utos niya sa maatoridad na boses.
Napalunok ako ng ilang beses. "A-Ayaw ko! Ayaw kong magbago ka." Pagsasabi ko ng totoo.
"Wag mo akong pipigilan, Atticus. Kailangan kong maubos ang gumawa nito sakanila. Kaya ipadala mo na
sa 'kin at ihanda ang katana ko." Utos niya saka siya naglakad palabas ng apartment.Huminga ako ng malalim at agad akong tumayo sa kainuupuan ko habang sinesend ko kay Ruwi ang video. Wala na akong magagawa kundi ang samahan siya.
Lumabas ako ng computer room at agad na tinungo ang kwarto ni Ruwi. Nakasalubong ko pa ang si Aizen at Theo na tumatawa. Ngunit mas pinili kong tumahimik dahil ako lang ang pwedeng dumamay kay Ruwi ngayon. Walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko kung sino si Thaddeus at Hale.
Pumasok ako sa kwarto ni Ruwi at naglakad sa naka display na katana ni Ruwi. Paborito niya 'tong gamitin at alam ko na ‘to ang gusto niyang gamitin sa paghihiganti niya. Kinuha ko yun at agad akong lumabas ng kwarto ni Ruwi.
Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang hoodie jacket at isuot. Tumingin muna ako sa cellphone ko at pinanood ko si Ruwi na umiiyak habang pinapanood ang footage na sinend ko sakanya. Hindi ko kayang marinig ang iyak niya kaya tinanggal ko ang earpiece sa tenga ko. Napalunok ako ng ilang beses saka ako lumabas ng kwarto.
Dire-deritso lang akong naglakad palabas ng bahay at hindi pinapansin ang tawag si Salem sa 'kin. Lumapit ako sa kotse at agad na binuksan ang pintuan ng driver seat at pumasok.
Binuhay ko agad ang makina at pinausad agad ang sasakyan. Kailangan kong bilisan at baka may gawin si Ruwi na hindi maganda.
Ruwi’s Pov
IPINIKIT ko ang mg mata ko ng matapos kong panoorin ang sinend
sa 'kin ni Atticus. Mga putangina sila! Hindi mawala sa isip ko ang sigaw ni Thaddeus habang hinihiwa nila ang tyan nito. Tumatawa lang ang mga lalaking gumawa no'n habang sinasaksak din ng iba pang lalaki si Hale na hindi na makalaban. Kaya ko siya natagpuan sa kusina dahil sinubukan pa niyang tumakas. Ngunit nabigo siya at hinabol ng mga putanginang mga lalaki.
BINABASA MO ANG
Crimson Blade Assassination
Action||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala silang maasahan kundi ang isa't-isa. Kaya napagdesisyonan nila na bumuo ng grupo para ipagpatuloy a...