Atticu’s Pov
NAKAUPO ako sa swivel chair habang nag ka-kape. Nakatingin ako kay Andrei na kararating lang dito sa bahay galing sa Pilipinas. May inabot siya sa 'kin na microchip na nakuha niya kay Verena. Halata sa mukha ni Andrei na masama ang loob niya sa utos ko.
"Anong dala mo?" Tanong ko sakanya dahil may dala siyang travelling bag at isang paper bag.
"Brief ko. Gusto mo makita?" Tanong naman niya kaya pinakita ko lang ang gitnang daliri ko sakanya.
"Labas!" Pagpapaalis ko sakanya.
"Si Ruwi?" Tanong naman niya
sa 'kin."Nasa loob ng panty niya." Sagot ko habang tinitignan ang microchip na binigay niya sa ‘kin.
"Seryoso ako, gago! May dala kasi akong paborito niya. Bagong gawa 'to ng lumipad ako papunta dito sa Russia." Seryoso niyang sabi.
"Ngayon ko lang nalaman na may pakpak ka pala." Saad ko naman kaya masama niya akong tinignan at binato ng ballpen.
Natatawa naman akong umilag saka itinaas ang dalawa kong kamay na parang sumusuko sakanya. "Nasa kwarto niya. Kararating lang din no'n pero, baka umalis din yun at pupunta ng Pilipinas para gumawa ng mission." Saad ko kaya tumango si Andrei at walang paalam na lumabas ng computer room ko. Hindi man lang niya sinabi sa 'kin kung anong pasalubong niya kay Ruwi.
Tumayo ako sa upuan at lumabas din ng computer room para makikain sa dala ni Andrei. Tinungo ko ang kusina dahil naririnig ko ang mga boses ng mga kaibigan ko.
Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko ang mga unggoy kong kaibigan na kumakain. Ang laki pa talaga ng subo ni Salem na akala mo’y hindi pinakain ng dalawang linggo. Kumakain din kasi siya ng kanin. Mukhang kinulit na naman niya si Lucifier na magluto ng ulam.
Umupo ako sa pwesto ko katabi ni Lucifier na kumakain ng moron. Paborito kasi 'to ni Ruwi, kaya namin nalaman ang moron na pagkain hanggang sa nagustuhan na din namin. Masarap naman kasi talaga siya.
"Wow.. moron." Biglang sulpot ni Ruwi sa kusina. Lumapit pa siya kay Andrei saka niya ginulo ang buhok ng kaibigan namin at umupo sa pwesto niya. Kung sa ibang pamilya ay kapag kumakain ay ang ama ang nasa gitna nakaupo sa may unahan, samin naman ay si Ruwi ang nasa gitna. Siya kasi ang haligi at ilaw ng tahanan namin. Kaya dapat lang na siya ang nakaupo do'n.
"Buti naalala mo akong bilhan," saad ni Ruwi kay Andrei habang nilalantakan ang moron.
"Syempre naman. Pinagawa ko pa talaga yan para sa'yo. Hindi sila kasali pero sila ang na unang kumain." Sagot ni Andrei na tinuro pa talaga kami.
"Tumigil ka nga dyan, virgin boy." Sabat naman ni Salem.
"Bakit ako lang ba ang virgin dito?" Depensa naman ni Andrei kaya tumikhim ako dahil virgin din naman ako.
"Hindi ka ba talaga magpapasama sa mission mo sa Pilipinas, Ruwi?" Pag-iiba ni Lucifier ng topic dahil baka magkagulo na naman.
"Hindi na. Kaya ko na yun. Madali lang naman." Sagot naman ni Ruwi. Hindi ako nagsasalita at tahimik lang na nakikinig sakanila. Ilang sandali pa ay nag aaway na si Salem at Eros dahil nag aagawan ng pagkain. Natigil lang silang dalawa ng maglabas si Ruwi ng kutsilyo at inilapag yun sa lamesa. Gusto na naman yata nila makatikim ng dugo. Pagsisisihan talaga nila kapag si Ruwi ang nagalit.
Naalala ko tuloy n’ong isang araw nagkapikunan si Raizen at Salem at umabot sa suntukan ang mga gago. Naabutan ni Ruwi na nagsusuntukan ang dalawa kaya kumuha ng baso si Ruwi at kutsilyo saka sinugatan si Raizen at Salem sa mga palad nila. Pinatulo ni Ruwi ang dugo ng dalawa sa baso saka yun pinainom ni Ruwi sa dalawa para daw maging close ang mga gago dahil lagi nalang nag babangayan.
BINABASA MO ANG
Crimson Blade Assassination
Actie||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala silang maasahan kundi ang isa't-isa. Kaya napagdesisyonan nila na bumuo ng grupo para ipagpatuloy a...