Chapter 29

2.4K 91 30
                                    

Ruwi’s Pov

INIHANDA ko ang hawak kong espada habang nasa tabi ko ang dalawa kong kaibigan na si Hale at Thaddeus. Tumakbo ang mga kalaban papunta samin kaya naghiwalay kaming tatlo at sabay-sabay na umatake. 

Sinasalag ko lang ang mga atake nila gamit ang espadang hawak ko. Panay din ang tingin ko kay Hale dahil hindi ako sigurado kung marunong ba siya humawak ng espada. Ayaw ko siyang mapahamak kaya naka antabay ako sakaya. 

Mabilis kong sinaksak ang lalaking may hawak kadena at balak yata akong sakalin gamit no’n. Hinugot ko ang espadang ibinaon ko sa mata ng lalaki saka ako tumakbo papunta kay Hale ng makita kong pinagtutulungan na siya ng mga kalaban. Hinila ko ang damit ng lalaking nasa likod ni Hale at mabilis ko siyang sinaksak sa likod. 

Lumingon pa sa 'kin si Hale at nakita kong ngumiti ang kanyang labi. "Wag kang lalayo sa 'kin, Hale." Saad ko saka ako pumwesto sa likod niya. Sumandal sa likod ko si Hale habang nakahanda ang espada naming dalawa. 

"Wala ka yatang tiwala sa 'kin, Ruwi." Sabi niya sa mahinang boses na tanging ako lang ang makakarinig. 

"Wala talaga," sagot ko naman agad kaya natawa siya. 

''So honest. C’mon, lady boss, let’s fucking kill them all." Saad niya saka kami umatake sa mga kalaban. Pinapaikot ko lang ang hawak kong espada sa harapan ko upang hindi sila makalapit sa 'kin. Panay ang tingin ko sa paligid dahil hinahanap ko si Thaddeus. 

Nang hindi ko mahanap ay agad kong pinagpuputol ang kamay ng mga umaatake sa 'kin kaya nagtalsikan ang mga kamay nila sa sahig. Punong-puno na ng dugo ang suot kong jacket at maging ang suot kong maskara ay natatalsikan na ng dugo. Nalasahan ko pa ang dugo ng kalaban ko na agad kong niluwa ng tumulo yun galing sa suot kong maskara. 

Humarap ako kay Hale at agad na sinaksak ang mga umaatake sakanya. "Si Thad?" Tanong niya sa 'kin.

"Ewan ko ba sa abnormal na yun." Sagot ko habang panay ang atake ko sa mga kalaban hanggang sa naubos namin yun ni Hale. 

"Let's find Thad." Saad ko kaya tumango si Hale. 

Hinila ko pa ang isang espada na nakabaon sa kalaban ko saka kami naglakad ni Hale. Nasa likod ko siya upang maging bantay. Mabilis akong naglakad ngunit walang ingay. Maging si Hale ay hindi din gumagawa ng ingay. 

Nakarating kami sa isang hallway at may narinig kaming sigaw. Tinungo agad namin yun ni Hale sa pag-aakala na si Thaddeus yun. 

Ngunit napahinto kami ni Hale ng makita namin si Thaddeus na nakatayo habang may hawak na lalaki at tinatanggalan niya ng mata. Kaya naman pala may sumisigaw. Bumaba ang tingin ko sa sahig at may mga kalaban na do’n na nakabulagta at lahat ng yun ay walang mga mata. 

Lumingon si Thaddeus sa gawi namin at napahinto sa ginagawa niya. "Marunong ka ba dumukot ng mata, Ruwi?" Tanong niya sa 'kin habang hawak parin ang lalaki na isa nalang ang mata at nagmamakaawa kay Thad. 

Umiling ako. "Nagawa ko na dati pero hindi ko pa perfect." Sagot ko sakanya. 

"Halika! Turuan kita sa isa ko pang specialty." Tawag niya sa 'kin kaya hindi ako nag atubiling lumapit sakanya. 

"Ready your two fingers," utos niya kaya hinanda ko ang hintuturo at gitnang daliri ko. Pinaharap naman niya sa 'kin ang lalaking isa nalang ang mata na para bang gusto niyang pag practisan ko. 

"Ngayon idiin mo ang gitnang daliri mo sa gilid ng mata niya."  Sabi niya kaya sinunod ko naman yun. Nagawa ko na ng dalawang beses ‘to ngunit biglaan lahat yun. Hindi pa sanay ang daliri ko. Nang maidiin ko ang hinlalaki kong daliri sa gilid ng mata ng lalaki ay napasigaw na siya ng malakas. "Ituloy mo lang saka mo iangat ang eyeball." Utos ulit sa ‘kin ni Thaddeus kaya ginawa ko naman at narinig ko ang kakaibang tunog sa mata ng lalaki hanggang sa lumuwa ang mata nito at nahulog sa sahig. 

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon