Chapter 7

3.3K 119 8
                                    


Ruwi's Pov

Naglalakad ako papunta sa shop na pinagawan ko ng maskara. Pinauwi ko na si Caiden sa bahay dahil baka matagalan pa ako. 

Balak ko kasing palitan ang maskara ng mga kaibigan  ko. Gusto kong palagyan ng manipis na tela sa may bandang mata para hindi talaga kami makilala. 

Habang naglalakad ako sa tahimik na lugar ay palinga-linga ako sa paligid. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang dahil medyo tago ang shop na 'to. Marami ding puno at merong makitid na hagdan paakyat dahil nasa tuktok ng kunti nakatayo ang shop nila. 

Nakarating ako sa dulo ng hagdan at bumungad sa 'kin ang palaruan na wala man lang ka tao-tao. Napapalibutan kasi ang lugar na 'to ng mga kahoy at malalabong na mga damo. Nag patuloy ako sa paglalakad ng may mapansin akong sumusunod sa 'kin. Pinakiramdaman ko lang ang galaw ng taong nakasunod sa likuran ko.

I was just waiting for that person to attack me. 

Hindi ako nabigo at narinig ko ang yapak niya na tumatakbo palapit
sa 'kin. Agad akong humarap at nakita ang naka angat niyang binti at handa ng sipa-in ako. Nahuli ko ang paa niya at hinawakan ko 'to ng mabuti saka ko sinipa ang tagiliran niya. 

Binitawan ko ang paa niya saka ulit ako sumipa na tumama sa dibdib ng lalaki. The man was wearing a black leather jacket. His tall and obviously had a muscular body. Halatang banyaga ang lalaki dahil narin sa kulay abo niyang mga mata.

Napa atras siya habang sapo ang tinamaan kong dibdib niya. Nakahanda ang kamao ko habang hinihintay na umatake siya sa 'kin. 

"Who are you? Why are you attacking me?" I asked him. 

He just grinned at me. "I know who you are. Finally, we met, leader of Crimson Blade." Nakangisi niyang sabi. "Ready to die?" Tanong niya
sa 'kin.

Ngumisi ako. "Try, if you can." Panghahamon ko sakanya.

Tumakbo siya palapit sa 'kin at malalakas na sipa at suntok ang pinapakawalan niya. Mabuti nalang at nasasalag ko lahat ng atake niya. Mabilis din ang lalaking 'to at nasasabayan ang atake ko. Ibinalik ko sakanya lahat ng atake niya sa 'kin at malakas na sinuntok ang lalamonan niya kaya napa-atras 'to at napa-ubo.

Nakatitig lang ako sakanya habang sapo-sapo niya ang kanyang leeg na sinuntok ko. Tangina! Kung sino man ang hinayupak na 'to ay kailangan niyang mawala sa landas namin. Hindi naman siguro niya ako aatakehin kung hindi niya ako kilala. 

Mukhang naka bawi na siya sa suntok ko kaya umatake na naman siya
sa 'kin. Napapa-atras din ako dahil ang lakas niyang sumipa. Naiirita na ako sa lalaking 'to at gusto ko na siyang gilitan sa leeg. 

Walang tigil kaming dalawa sa pag atake sa isa't-isa. Walang gustong magpatalo samin dalawa. Pumasok sa isipan ko ang kutsilyo na nakatago sa suot kong boots. Mabilis ang ginawa kong kilos at kinapa ang kutsilyo sa boots ko saka ako umatake ulit. Tinamaan ko siya sa braso kaya napa-atras siya. 

Akmang aatake na sana ako sa lalaki ng biglang may nag paputok ng baril sa gawi namin. Sabay kaming dalawa lumingon at nakita ang mga pulis na papalapit samin. May nakatayong isang pulis sa di kalayuan at akmang pauulanan na naman kami ng bala. Mabilis kong ibinato ang hawak kong kutsilyo sa pulis at saktong tumarak 'to sa mukha niya kaya bumagsak siya sa lupa. 

"Nice shot!" Saad ng lalaking na kalaban ko kanina. 

"Don't talk to me, motherfucker!" Sagot ko saka nagmamadaling umalis dahil malapit na ang iba pang mga pulis. Wala akong palanong makipag patayan sakanila lalo na't wala akong suot na maskara. 

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon