Andrei’s Pov (Philippines)
MAGKASAMA kami ni Verena habang naglalakad palabas ng hotel. Sinadya ko siyang banggain sa airport kahapon nang makarating kami sa Pilipinas. Pareho din kami ng hotel na pinag bookan kaya natuwa siya ng malaman niya yun.
Niyaya niya ako kumain sa isang restaurant na agad ko naman ikinapayag. I need to do this to gather information about their group. Kahit hindi ako sanay makipag usap sa babae ay ginawa ko parin. Si Ruwi lang naman ang nakaka usap kong babae, hindi pa sure yun kung babae ba talaga siya. Mas siga pa kasi siya maglakad kaysa samin.
“I'm really happy, Andrei. I'm glad we bumped into each other yesterday, now I have someone to be with while I'm here in the Philippines.” She said with a smile.
Pilit akong ngmiti at hindi pinahalata na napipilitan lang ako na kasama siya. “So, what are you doing here? Are you on vacation?” I asked her.
She nodded. “Yes, I have a two weeks vacation here.” Sagot niya agad. Kaya naman pala siya umalis. Akala ko pa naman may mission ang babaeng 'to.
Malinaw ang utos sa 'kin ni pareng Atticus, kunin ang microchip na nasa laptop ng babae. Nag iisip ako ng plano kung paano ako makakapasok sa loob ng hotel niya. Ang gago na Lucifier, lasingin ko daw saka ko daw gapangin at kunin ang microchip. Hindi naman ako tanga na makikinig sa demonyong yun. Kaya mag iisip nalang ako ng ibang paraan.
Dumating ang mga order na pagkain ni Verena kaya natahimik kaming dalawa. Pambawi daw niya sa ‘kin dahil na bangga daw niya ako kahit ako naman talaga ang bumangga at sinadya ko pang ihulog ang cell[phone ko para mapilitan siyang humingi ng sorry sa 'kin.
Panay ang sunod ko sakanya n’ong nasa Russia kami. Hindi ko sigurado kung namukaan ba niya ako kaya nagkunwari ako na nakatira ako malapit sa apartment niya do’n sa Russia kaya natuwa siya.
Kumain kaming dalawa ni Verena at kung ano-ano ang pinag usapan namin dalawa. Nalaman ko na isang pilipina ang mama niya kaya marunong daw siya kunti mag tagalog. Mabuti nalang at hindi ako nagsalita ng tagalog kanina at baka malaman niya na may pakay ako sakanya.
Pagkatapos namin kumain ay lumabas kami ni Verena at niyaya ko siyang maglibot-libot muna at maglakad-lakad. Pumayag naman siya at pinipilit niya akong sumama sakanya sa hotel room niya. Para akong nandidiri na iniimbitahan niya ako sa room niya. Panay din kasi ang haplos niya sa balikat ko kaya niirita ako. Kung wala lang sana akong mission ay baka kanina ko pa siya binalibag.
Walang babaeng dapat makahawak sa katawan ko except kay Ruwi dahil tinatapik niya ang balikat ko. Pero yung haplos sa balikat at hawak sa dibdib ko ay ibang usapan na yun. Mananatili akong virgin sa mundong 'to. Walang babaeng makakatikim
sa 'kin kahit pa magunaw pa ang mundo.Nuroi's Pov (Russia)
MASAMANG nakatingin si Atticus
sa 'kin ng makarating sila sa bahay. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko, pinag saing ko na nga sila eh, hindi ko nga lang sila na tulungan kanina. Hindi naman talaga ako marunong gumamit ng satellite.“May kanin na ba?” Tanong ni Lucifier kaya tumango ako.
“Oo, nakapag saing na ako,” sagot ko habang nakaupo sa pang isahang upuan.
“Mabuti naman. Sana hindi basa ang saing mo,” sabi ulit ni Nuroi.
“Hindi talaga. Ako pa ba! Magaling na ako mag saing, pre.” Nakangisi kong sabi.
Umalis si Lucifier sa harapan ko at dumeritso sa kusina. Kampante naman ako na maayos yung pagkaka saing ko. Sinigurado ko talaga na ibaba yung pindutan ng rice cooker para hindi na maulit ang nangyari n’ong nakaraan na kakain na kami lahat, tapos yung sinaing ko tubig parin dahil hindi ko pala na pindot. Kaya ayon, minura nila ako lahat. Ang sama nila magalit lalo na kapag gutom.
BINABASA MO ANG
Crimson Blade Assassination
Action||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala silang maasahan kundi ang isa't-isa. Kaya napagdesisyonan nila na bumuo ng grupo para ipagpatuloy a...