Prologue

15.7K 202 28
                                    


Nang makatakas at napatay namin si Rodjan ay nalaman naming nasa bansang Russia pala kami. Hindi namin alam ang gagawin, hindi namin alam kung uuwi ba kami ng Pilipinas.

Iniisip ko n'ong una kung uuwi ba kami ngunit wala naman kaming passport. Gusto kong humingi ng tulong ngunit may gumugulo sa isip ko. At yun ay ipagpatuloy ang na simulan naming magkakaibigan.

Hindi biro ang pinagdaanan namin sa kamay ni Rodjan. Sa bawat pag papahirap niya samin ay naka ukit sa isip ko na parang masasayang lang ang lahat. Lahat ng natutunan namin, mula sa paghawak ng baril, espada at pakikipag laban. Sa isip ko ay nasasayangan ako kapag naiisip ko na babalik kami ng Pilipinas at kalimutan ang lahat na parang walang nangyari.

Ang akala ko ay ako lang ang nasasayangan sa natutunan namin. Ngunit nagkamali ako. Dahil maging ang mga kaibigan ko ay nasasayangan din pala sa natutunan namin.

At dahil do'n ay napagpasyahan namin bumuo ng grupo. Sa kasamaang palad pa ay ako ang napili nilang gawing leader. Hindi ako makapalag lalo na't nag-iisa lang naman akong babae nila. Pinagtulungan na naman ako ng mga unggoy na 'to.

Nandito kami ngayon sa isang hotel para magpahinga. Matapos naming patayin lahat ng tauhan ni Rodjan ay si Salem lang yata ang hindi napagod samin. Kaya bilang ganti, siya ang inuutusan namin kapag may gusto kaming ipabiling pagkain sa labas kaya todo reklamo ang gago.

Nakahiga ako sa kama, katabi ko si Lucifier at Raizen na nagpapahinga din. Ang iba kong mga kaibigan ay nakaupo sa kama habang naka harap samin.

"Anong plano natin, boss Ruwi?" Dinig kong tanong ni Caleb. Agad nalukot ang mukha ko ng marinig ko ang tawag niya sa 'kin.

"Pwede bang wag mo akong tawaging boss?" Inis kong sabi sakanya ngunit mabilis siyang umiling.

"Ayaw ko nga! Ikaw ang leader namin 'di ba? Kaya dapat lang boss ang itawag namin sa'yo." Saad niya sa seryosong boses.

Hindi nalang ako sumagot dahil alam kong hindi ako mananalo sa labing apat na 'to.

"Nagtanong-tanong kami ni Salem kanina. Nag patulong ako sa isang staff dito sa hotel kung may alam ba silang nagbebenta ng lupa," saad ko.

"Tayo ang bibili? Baka magtaka, Ruwi. Wala pa naman tayong identification dito sa bansang 'to." Sabat ni Caiden.

"I know. Kaya nga ang babaeng yun ang gagamitin natin. Siya ang pabibilhin natin ng lupa." Sagot ko.

"And?" Tanong naman ni Lucifier na nasa tabi ko.

"Ako nang bahala do'n. Hindi ko na sasabihin ang plano ko sa babaeng yun. Kailangan nating gumamit ng maduming paraan para mabuhay tayo dito sa Russia. Kahit gumamit pa tayo sa madugong paraan, gagawin ko para sa pinaplano natin." Sagot ko habang naka pikit ang aking mga mata.

"Ohh.. mukhang alam ko na ang gagawin mo. Siraulo ka talaga!" Saad ni Salem sa 'kin na halatang punong-puno ng pagkain ang bibig.

"Kailangan nating gawin yun." Walang buhay kong sagot.

"So, sinong papatay?" Tanong ni Caiden.

"Gusto mo ba ikaw na?" Balik tanong ko kay Caiden saka ako tumingin sakanya. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagka aliw sa sinabi ko.

"Sure. Napaka easy lang no'n para
sa 'kin." Sagot niya habang pinapatunog ang mga daliri niya sa kamay.

Ngumiti nalang ako saka ipinikit ang mga mata ko ulit. Gusto kong magpahinga. Napagod ako sa pag chop-chop sa katawan ni Rodjan. Tangina! Medyo matigas kasi, kinulang ang talas ng espada sa kunat ng leeg ng matandang yun.

Bukas na bukas din ay sisimulan na namin ang plano. Kailangan lang talaga umayon ang swerte samin hangga't hindi pa kami nahuhuli ng mga awtoridad dito sa Russia.

Wala kaming aasahan kundi ang mga sarili namin. Sa tatlong taon na kami ang magkakasama ay alam kong matatag ang pagkakaibigan naming labing lima. Kahit pa nga nabuo ang pagkakaibigan namin dahil sa nadukot kami. Nakahanap naman ako ng mga totoong kaibigan kahit ako lang ang nag-iisang babae sakanila.

Kaya pinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, hindi ko sila iiwan at sama-sama kaming lalabas sa underground ni Rodjan. Kahit pa nga may pagkakataon na akong tumakas n'ong binigyan ako ng unang mission ni Rodjan. Hindi ko ginawa dahil ayaw kong iwanan ang mga kaibigan ko. Mahalaga sila sa 'kin dahil para ko narin silang kapatid.
Kaya pahahalagahan ko sila kahit anong mangyari sa gagawin naming plano.

"Grabe! Hindi ko makalimutan ang ginawa natin kanina," biglang saad ni Elrod.

"Me too," sagot naman ni Eros. "Ang saya pala pumatay." Dagdag pa niyang sabi na halatang naka ngiti.

"Dapat lang sakanila yun. Kulang pa nga yun sa pagpapahirap nila satin," sabat naman ni Levi.

"Tama ka dyan!" Sagot naman ni Eros.

"Hindi ako maka relate mga buddy," sabat ni Salem kaya natawa ako ng mahina habang naka pikit ang mga mata ko.

"Hindi ka talaga makaka relate na gago ka dahil hindi ka naman tumulong." Sabat ni Lucifier na nasa tabi ko.

"Tumulong ako no! Ako kaya ang taga sigaw na nasa likod niyo ang kalaban. Mga gagong 'to! Tapos inabutan pa kita ng baril kanina. Kung hindi ko ginawa yun baka nagkita na kayo ng kakambal mo do'n sa impyerno." Depensa ni Salem habang kumakain ulit.

"Nabaril ka sanang hayop ka!" Dinig kong sabi ni Raizen sa seryosong boses.

"Ulol! Eh 'di nagluluksa sana kayo ngayon kung nabaril man ako. Alam niyo namang ako ang pinaka gwapo sating mag tro-tropa." Mahangin na sabi ni Salem.

"Tuluyan niyo na nga ang gagong yan!" Utos ko sa mga kasama ko habang naka pikit.

Narinig ko nalang ang sigaw ni Salem na halatang binubugbog ng mga kaibigan ko. "Tangina kayo! Wag niyong susuntukin ang makinis kong mukha. Kahit isang tigyawat walang tumubo dyan, sinasabi ko sainyo!" Sigaw ni Salem kaya mahina akong natawa.

Sanay na ako sa kaingayan ng gago. Lagi nalang akong nililipad sa hangin kapag nag uusap kami. Panay kwento kasi sa 'kin na lahat daw ng kapitbahay nila ay na cu-cute-tan sakanya pero duda ko hindi naman talaga.

Kaya laging nag babangayan si Raizen, Lucifier at si Salem. Ako naman ang taga tigil ng away nila kaya sanay na sanay na ako sa t'wing mag mumurahan sila. Sakanila nga ako natuto magmura.

Naka pikit parin ang mga mata ko at hinayaan ang mga kaibigan ko na nag babangayan na naman. Bukas na bukas ay sisimulan na namin ang binabalak namin. Kaya kailangan kong mag-isip ng magandang plano.

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon