Chapter 25

2.4K 79 3
                                    

Ruwi’s Pov

TAPOS na ang mission ko ngayong gabi ngunit wala akong balak na umuwi sa bahay namin ng mga kaibigan ko. Kahit pagod ay mas pinili kong pumunta ng grocery store. Ipinark ko na muna ang kotse sa harapan ng maliit na grocery store saka ko pinatay ang makina ng sasakyan.

Bago ako bumaba ng kotse ay kumuha muna ako ng wipes upang punasan ang kamay ko na may dugo mula sa mga pinatay ko. Nang matapos ako ay agad kong binuksan ang pintuan ng driver seat at lumabas. 

Tahimik na ang kalsada at wala ng masyadong naglalakad, may mga sasakyan naman na dumadaan ngunit pa ilan-ilan nalamang. 

Tinungo ko ang maliit na grocery store para bilhin ang mga kailangan ko. Nang makapasok ako ay kumuha ako ng basket para ilagay ang mga pinamili ko. Kinuha ko lang ang mga importante hanggang sa mapuno ko ang basket. Nang makontento na ako sa mga pinamili ko ay tinungo ko na ang counter para magbayad. 

Konti lang naman kaming namimili kaya walang pila. Agad kong binayaran ang presyo ng mga pinamili ko at agad na lumabas ng grocery store. Ingat na ingat pa ako sa dala kong paper bag at baka mabasag ang mga binili kong alak.

Tinungo ko ang kotse at agad na binuksan ang backseat at inilagay ko muna ang mga pinamili ko. Isinara ko ang pinto at agad nakita ang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Hindi ko nalang siya pinansin dahil nagsisigarilyo ang lalaki. 

Umikot ako papunta sa driver seat at akmang bubuksan na sana ang pinto ng mapansin kong itinapon ng lalaki ang hawak niyang sigarilyo sa lupa at naglakad papunta sa pwesto ko. BInuksan ko ng tuluyan ang pintuan ng kotse ngunit hindi ko parin inaalis ang tingin sa lalaki. 

Masama ang kutob ko sa lalaki kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko. Kahit masama ang kutob ko ay napangisi ako ng makita ko ang lalaki na naglabas ng baril at itinutok yun
sa 'kin.

Nakita kong kinalabit niya ang gatilyo kaya agad akong pumasok sa loob ng kotse at walang sinayang na oras na binuhay ang makina. Napangisi ako lalo ng makita ko ang lalaki na naglalakad papunta sa kotse ko at pinapulanan niya ng bala ang sasakyan ko. 

Sumeryoso ang mukha ko at agad na pinausad ang sasakyan kahit pa nga pinapaputukan niya ang kotse ko. Wala akong pakialam kahit may cctv pang makakita sa gagawin ko. Agad kong binangga ang lalaki kaya napatigil siya sa pagpapaputok ng baril at tumalsik ang lalaki sa lupa. Nakita kong buhay pa at gumagalaw kaya tinungo ko ulit ang lalaki kung saan siya nakahiga at agad na sinagasaan. 

Gusto ko pa sanang ulitin ngunit may nagpaputok ng baril sa likod ng kotse ko kaya pinaharurot ko ang sasakyan habang may ngiti sa labi. Tumingin ako sa rear view mirror at napansin na may kotseng nakasunod sa 'kin. Mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho at iniligaw muna ang mga kalaban. 

Natutuwa talaga ako kapag hinahabol nila ang sasakyan ko. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo hanggang sa makarating kami sa isang bridge. May nakita akong ibang daanan kay imbes na tunguhin ang bridge na yun ay mabilis kong iniliko ang sasakyan sa ibang kalsada. 

Napansin ko na maraming sasakyan ang dumadaan kaya pinindot ko ang button na nasa gilid ng manibela. Alam kong ma-iiba ang kulay ng kotse na sinasakyan ko tulad nalang ng sabi ni Atticus. 

Agad akong nakipagsabayan sa mga kotse upang hindi ako mahanap agad ng mga humahabol sa 'kin. Hindi lang sa assassin ang kalaban namin kundi maging mga parak dito sa Russia ay kalaban namin kaya hindi na ako magtataka kung may humahabol man sa 'kin. Sanay na ako kahit isang libo pa silang humabol sa 'kin.

Bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng phone sa suot kong leather jacket kaya kinuha ko yun para makita kung sino ang tumatawag. 

Nakita ko ang pangalan ni Thaddeus sa screen ng phone kaya sinagot ko 'yon at niloud speaker. "Where are you? Akala ko ba pupunta ka dito?" Bungad niyang tanong sa 'kin.

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon