Chapter 5

4.1K 118 22
                                    

Isaac's Pov (California)

Nandito kami sa California ni Raizen para gawin ang isang mission. May kukunin lang kaming importanteng bagay na inutos ng cliente namin. Ang  sabi samin ay hindi namin kailangan pumatay pero kapag may humarang sa dinaraanan namin ay dadanak talaga ang dugo.

Sinadya namin ni Raizen na madaling araw kami aatake para medyo lutang ang mga bantay. Kinakausap naman kami ni Andrei sa earpiece namin at sinasabi kong saan kami dadaan.

"Pumasok kayo sa kwartong 'yan." Utos ni Andrei samin.

Tumalima naman kami ni Raizen na siyang nauna sa 'kin. Dahan-dahan niyang pinihit ang siradura ng pinto saka niya 'to binuksan. Pumasok si Raizen kaya sumunod ako sakanya.

"Is this the drug?" I asked Andrei on the other line. Hindi kasi ako makapaniwala na 'tong maliit na lalagyan ay drugs ang pinapakuha samin. Kasing liit lang siya ng hinliliit ko sa paa.

"Take care of that. That drugs are too important for our client. That drug is deadly." Sagot ni Andrei.

Agad kinuha ni Raizen ang maliit na drugs at inilagay sa dala niyang backpack. Nakahinga ako ng maluwag dahil sawakas matatapos na ang mission namin.

"May paparating." Saad ni Andrei sa earpiece namin.

"Ilan?" Tanong ni Raizen.

"Isa lang. Patayin niyo nalang." Walang buhay na sabi ni Andrei.

"Ikaw na pumatay, Raizen." Saad ko kaya tumango siya sa 'kin. Naglakad si Raizen papunta sa gilid ng pinto at pumwesto do'n habang may hawak na katana.

Umupo lang ako sa mesa at hinintay na bumukas ang pinto. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki na may dalang baril. Nagulat pa 'to ng makita niya ako na na nakaupo sa mesa.

Itinaas niya ang hawak niyang baril ngunit hindi niya nakalabit ang gatilyo dahil nangisay na siya sa sahig. Nilaslasan lang naman siya ni Raizen sa leeg kaya bumagsak 'to sa sahig.

"Ano yan, manok?" Tanong ko kay Raizen dahil mukha lang siyang nag iihaw ng manok.

Hindi naman siya sumagot sa 'kin saka sumenyas na aalis na kami. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko saka naglakad, sumunod ako sa kaibigan ko na nauna ng lumabas
sa 'kin.

Kalmado kaming naglalakad sa hallway ng bahay na 'to dahil alam namin hindi kami makikita sa cctv. Kontrolado kasi 'to ni Andrei.

Maingat ang mga kilos namin ng makalapit na kami sa isang kwarto. Alam kasi namin na nandoon ang ibang mga tauhan at naglalaro ng braha.

Payapa ang bahay habang naglalakad kami ni Raizen. Nakarating kami sa main door at agad kaming lumabas. Wala ang mga bantay dito dahil pinatay namin kanina nang akyatin namin ang pader. Siguro ay wala pang nakakahalata na patay na ang mga tauhan na nasa labas.

Lumabas kami ng gate at agad tumakbo para tumungo sa kotse na nakaparada sa di kalayuan.

When we arrived, I immediately got into the passenger seat. Si Raizen naman ay pumasok sa driver seat.  Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad.

Tinanggal ko ang suot kong maskara habang hinahabol ang hininga ko. Maging si Raizen ay tinanggal din ang suot niyang maskara.

"Bumili daw kayo ng pasalubong sabi ni Ruwi pag uwi niyo." Saad ni Andrei sa earpiece namin.

"Sabihin mo, bibilhan namin siya ng panty na bulaklakin." Sagot ko kaya natawa si Andrei sa kabilang linya.

Nakarating kami sa hotel kung saan kami naka stay. Pumasok kami ni Raizen sa hotel at sumakay ng elevator. Pinindot ko kung saang floor ang room namin.

Crimson Blade Assassination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon